LISA
"What are you doing here?" hindi ko na napigilang lapitan siya nang makalipas ang limang oras ay naroon pa rin ito sa dati niyang puwesto.
"Eating, working," maikling niyang sagot.
Tinaasan ko ito nang kilay. Mabilis kong kinabig ang laptop na nasa harapan niya upang masiguro kung totoo ang kanyang sinasabi. Bahagya akong nakaramdam
nang pagkapahiya nang makita kong trabaho nga ang kanyang ginagawa.
"You do know that I own this coffee shop, right?" turan kong muli rito."Yeah, so?" patay malisya nitong sagot.
"Wala ka bang ibang coffee shop na p'wedeng tambayan instead of my shop?" inis na turan ko rito. Hindi na kasi ako nakatiis na sitahin ito. Dahililang araw na itong ganito ang ginagawa. Pumupunta ito rito sa umaga hanggang magsara ang shop. Wala naman itong ginagawang kakaiba but her mere presence is sending turmoil to my being.
"I like the coffee and pastry here," kibit-balikat nitong tugon."Well, I own this shop and I don't want seeing you here. I hope this will be the last time," turan ko bago tumalikod sa kanya saka bumalik sa loob ng aking opisina.
I don't want to give her the idea na okay lang sa akin ang pagpunta-punta niya dito. I loved her but I don't have any plans of sharing with anyone else. Buong araw ko siyang nakikita rito sa shop pero ni isang anino ni Athena ay hindi ko nakikita. I don't what's the real score between her and Somi but I won't assume anything. Besides, nang magdesisyon akong pirmahan ang annullment papers na iyon ay nagdesisyon na rin akong kalimutan ang lahat ng mayroon kami ni Chae.
Alam kong hindi iyon magiging madali ngunit hindi ko maaaring hayaan ang sarili ko na maging second priority niya lang. Alam kong sa loob ng ilang araw namin sa isla na kami lang ang magkasama ay kahit papaano nagkaron na din ako ng puwang sa puso niya. Ngunit alam ko ding hindi iyon sapat para ako ang piliin niya.Pasalampak akong umupo sa aking silya at saka itinuon ang aking dalawang siko sa lamesa habang nakahawak sa aking ulo. Pakiramdam ko kasi ay parang biglang sumakit ang aking ulo dahil sa saglit na interaksyon namin ni Chae. Ayaw ko mang tanggapin ngunit hindi ko maikakaila ang kakaibang epekto ni Chae sa akin.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at iniluwa noon si Chae. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka.
"What is it this time?'' inis na tanong ko sa kanya. Mukhang nagpumilit itong pumasok sa aking opisina dahil ang iilan sa aking mga staff ay nasa kanyang likod at akmang pipigilan siya.
"I need another month," seryosong turan nito. "No, just another week is enough," turan ni Chae.
"Chae, ano na naman ba 'to? " tila pagod na turan ko. Sumenyas ako sa mga taong nasa likod nito na hayaan na lamang si Chae.Nang makaalis ang mga ito ay tuluyan nang
pumasok si Chae sa loob ng aking opisina at saka mabilis na isinarado ang pinto sa kanyang likod. Parang biglang naging masikip ang dati kong malaking opisina para sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa pagkakalapit ng aming mga katawan kahit pa nga mahigit isang dangkal pa ang layo namin sa isa't isa."Give me another week," seryosong ulit nito. "Another week of what, Park Chaeyoung? Hindi kita
maintindihan." Gulong-gulo na ang isip ko sa mga nangyayari."Another week to be with me," turan nito habang mariing nakatitig sa akin.
"You're funny, Chae," natatawang turan ko. "I'm serious," wika niya.
"My answer is no," malamig ko sagot. "Maaari ka ng umalis at kung p'wede lang 'wag ka ng bumalik sa shop ko," matalim ang titig na turan ko."I'm going to go back here everyday until you say yes," determinadong turan nito.
"Ano pa bang gusto mo, Chaeyoung!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/265550455-288-k577897.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wife's Secretary (Chaelisa🐿️🦄)
RomansThis is an adoptation and also converted story of Chaelisa based on the story My husband's Secretary Please Support my story. Credits to the right owner of the story. - It's not G!P.