LISA
Walang kahit isa sa amin ang gustong magsalita. Tahimik lamang kaming apat na naka-upo sa pa-half moon na couch doon sa loob ng bar. Nasa kaliwa ko si Jennie habang nasa kanang bahagi ko naman si Chae habang katabi si Somi. Kanina pa tinatapunan ng matatalim na titig ni Chae si Jennie. Ang huli naman ay tila hindi iniinda ang madilim na titig ni Chae.
"So, what's going on with you two? " Baling ni Jennie kay Chae at Somi. Siya ang unang bumasag ng katahimikan. Tila hindi inaasahan ng dalawa ang tanong ni Jennie dahil bakas ang gulat sa kanilang mga mukha.
"We're hap-"
"We're not together." Magkasabay nilang turan. Halos lumuwa ang mata ni Somi nang marinig ang sagot ni Chae.
Pinigilan ko ang aking sarili na lumingon. I don't want to look interested. I don't care about their relationship. Kung ano man ang mayroon sila ngayon ay sa kanila na lang. Wala na akong balak na makisawsaw sa gulo nila."Oohh, that's new. I thought you two got back together after you saw our "video"." Makahulugang turan ni Jennie.
"No, we didn't," malamig ang boses nitong tugon bago nilagok ang alak sa kanyang hawak na baso.
Mukha n'ya! No, we didn't pero laging magkadikit! Hindi ko napigilang umirap sa hangin dahil sa aking narinig. Kahit pa hindi ako lumingon ay ramdam ko ang init ng kanyang mga titig sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit tila ako nilukob ng kaba.
Kitang-kita ko ang pagtayo ni Chae at akmang paglapit nito sa akin kaya mabilis akong tumayo at nagsalita."Let's dance," turan ko. Lahat sila ay sabay-sabay na napabaling sa akin. Bumaling ako kay Jennie at hindi pinag-aksayahang lingunin ang gawi ni Chae. "Let's dance," ulit ko kay Jennie.
Saka lamang siya tumayo at sumunod sa akin patungo sa dance floor. Halos lakad takbo ang aking ginawa upang mabilis na makaiwas sa kanya. I don't think I have the strength to talk to her about what she said. I need to distance myself from her as much as possible.
"What was that? " takang tanong ni Jennie nang nasa gitna na kami ng dancefloor.lnirapan ko ito. "You know what it is," inis kong turan sa kanya. Saktong malamyos na musika ang pumailanlang habang kami ay nasa gitna ng dancefloor.
Nagulat pa ako nang bigla na lang hatakin ni Jennie ang aking baywang at mahigpit akong hinapit papalapit sa akin. Halos iilang dangkal na lamang ang pagitan ng aming mga mukha. Kung sa ibang pagkakataon, marahil ay naghuhurumintado na ang aking puso. Magandang babae si Jennie at imposibleng hindi magkagusto sa kanya ang kahit na sinong babae. Maliban marahil sa akin dahil ang puso ko ay iisa lamang ang kilala. Kahit anong pilit kong ibaling sa iba ang aking nararamdaman ay tila may sarili itong utak at pilit pa ring pinipili si Chae. Hindi ko napigilang mapahugot ng isang malalim na hininga.
"What are you doing?" Nanlalaki ang matang tanong ko kay Jennie nang maramdaman ko ang kanyang kamay na dahan-dahang humahagod sa aking likod.
"Calm down. Trust me." Bulong nito sa akin. Bagama't naguguluhan ay nanatili akong nakatayo sa kanyang harapan. Hindi ko maintindihan ang kanyang mga kinikilos ngunit may tiwala ako kay Jennie. Alam kong hindi ito gagawa ng kahit anong bagay na labag sa aking loob. Nanlaki ang aking mata nang maramdaman kong ang unti-unting paglapit ng kanyang mukha sa akin. Ngunit bago pa man tuluyang magdikit ang aming mga labi ay isang mahabang mga braso ang bigla na lamang humila sa akin palayo.
The next thing I knew, Chae was throwing uncontrollable punches at mga sampal towards Jennie.
"Chae!" Malakas kong sigaw nang makita kong duguan at putok na ang mukha ni Jennie. Bigla akong kinulob ng takot. Baka kung anong mangyari kay Jennie dahil kitang-kita ko ang galit sa mata ni Chae.
BINABASA MO ANG
My Wife's Secretary (Chaelisa🐿️🦄)
RomanceThis is an adoptation and also converted story of Chaelisa based on the story My husband's Secretary Please Support my story. Credits to the right owner of the story. - It's not G!P.