LISA
Agad akong humanap ng mauupuan nang makarating ako sa restaurant. Mabilis na lumapit sa akin ang isang waiter upang iabot sa akin ang menu.
Umorder ako ng isang breakfast meal kahit na
magtatanghali nasa isang brewed coffee. Agad naman tumalima ang waiter upang gawin ang order ko.Napangiti ako nang matanaw ko ang napakagandang tanawin. Ang kulay puting buhangin at asul na dagat ay tila nang-aakit. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kapayapaan habang malayong nakatanaw sa asulna kalangitan. Ngunit ang kapayapaang iyon ay agad na naputol nang maramdaman kong mayroong umupo sa bakanteng upuan sa aking harapan. Mabilis ko iyong nilingon
ngunit napakunot ang aking noo nang malaman ko kung sino ang pangahas na iyon. Kung kailan naman pilit ko
itong iniiwasan ay s'ya namang mas lalo itong nagsusumiksik sa akin."Can I have some peace and quiet time, please?" pakiusap ko sa kanya nang lingunin ko ito.
"I'm here to eat. Don't mind me," sagot nito. "Maraming bakanteng upuan baka pwede kang
lumipat? " inis na turan ko sa kanya. Ngunit tila bingi ito sa aking sinabi, bagkus ay tumawag ito ng waiter upang sabihin ang order nya.Sa sobrang inis ko ay ako na lamang ang tumayo at lumipat sa pang-apatang lamesa na naroon dahil ayoko munang makita ang pagmumukha nya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. I wanted to asked her about Somi ngunit wala akong takas ng loob. Alam kong malala ang bugbog na ginawa ko sa kanya kagabi. Kahit papaano ay nakokonsensya ako sa aking ginawa. Mabuti na lamang talaga at napigilan ako ni Chae kagabi kung hindi ay baka kung anona ang nangyari.
Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa malawak na karagatan habang inaantay kong ihain sa akin ang aking order. Ngunit walang pang ilang minuto ay naagaw na naman ang aking atensyon ng lalaking pilit kong iniiwasan. Hindi gaya kanina ay sa bakanteng upuan sa tabi ko na ito umupo at hindi sa harap.
"Chae, ano ba?'' inis na turan ko rito."Quiet. I'm here to eat," saway nya sa akin. "I need some peace and quiet time," wika nito na tila nanadya. lnuubos talaga ng babaing to ang aking pasensya. "Enjoy the island with Somi," turan ko sa kanya.
"I'm giving you some space. Let's just pretend that we don't know each other." wika ko bago muting ibinalik ang atensyon sa malawak na dagat.
"Somi, won't be able to go out for at least a week," wika nito.Hindi ko s'ya pinansin at pinagpatuloy ko lamang ang pagtanaw sa asul na karagatan. Pilit kong pinakikiramdam si Hunter sa tabi ko. Hindi ko s'ya nilingon upang malaman n'yang hindi ako interesado sa sinasabi nya.
"You have my undivided attention for now," dagdag pa nito.
Sa halip na matuwa ay mas lalong uminit ang aking ulo. Mas lalo lamang nya kasing pinatunayan na pangalawa lang ako kay Somi para sa kanya. Dahil wala si Somi kaya nya kayang ibigay sa akin ang buong atensyon nya ngunit kung bibigyan sya ng pagkakataong mamili sa aming dalawa, siguradong hindi ako ang pipiliin nya.
"Wow, tumabi ka pa talaga sa'kin para insultuhin ako," naiinis na turan ko bago tumayo. Balak ko sanang
lumipat ng lamesa but I was cornered between her and the fence.
"Sit down," malamig na turan nito.Hindi ito natinag sa kinauupuan nya kaya naman hindi ko magawang makaalis sa aking pwesto. Nakasimangot akong bumalik sa aking pagkakaupo. Maya-maya pa ay sabay na dumating ang aming order.
"I know it doesn't sound right but I want you to know that I want to remember you, I really do," wika nito dahilan upang lingunin ko sya. "Ayokong hingin sa'yo na intindihin mo but I want you to know that Somi
has a big part in my heart and my memory. Hindi ko kayang baliwalain iyon," turan nito.
Bahagya akong natahimik. She has a point. For what she remembers, Somi was everything to her. She would do anything for her.
Mali ba aka kung hilingin ko sa kanyang kalimutan n'ya si Somi?
BINABASA MO ANG
My Wife's Secretary (Chaelisa🐿️🦄)
Lãng mạnThis is an adoptation and also converted story of Chaelisa based on the story My husband's Secretary Please Support my story. Credits to the right owner of the story. - It's not G!P.