27

383 16 3
                                    

⚠️Long Chapter ahead ⚠️
⚠️(more than 10k words)⚠️

LISA

"You really know how to make an entrance, Wife?" turan ng isang matinas na tinig na nagmumula sa pinto.
Agad akong napatayo nang marinig ko ang pamilyar niyang tinig. Narito ako ngayon sa loob ng kanyang opisina at halos dalawang oras din akong naghintay sa pagdating niya. Makailang beses akong napalunok.
Hindi ko alam kung bakit tila bigla akong nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan. Pakiramdam ko ay biglang nanigas ang buo kong katawan sa pagkakarinig pa lamang ng kanyang tinig. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago humarap sa kanya.

"You should taught your b*tches to be discreet para hindi sila napapahiya." Mataray kong sagot sa kanila
saka siya inirapan. "And really, Chae? Pati dito sa opisina hindi mo pinalampas?" lnis na turan ko sa kanya. "Does Somi knows about it? " usisa ko.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang bigla niyang paninigas dahil sa huli kong tinuran. "It's complicated." Malamig niyang tugon.

"Is that so? Kung kailan ka tumanda saka ka pa nag 'It's complicated'," turan ko na halatang hindi niya nagustuhan.
"What are you doing here? " Nakasimangot niyang turan sa akin.

Umirap ako sa hangin nang makita ko ang madilim niyang mukha. "I'm here for this," wika ko bago lumapit sa kanyang lamesa at mabilis na inilapag ang folder na naglalaman ng mga papeles para sa annulment namin.

"I don't know what happened but according to Jisoo, nawala daw ang papeles natin kaya hindi 'yon naipasa sa korte. So, I'm here to get your signature," paliwanag ko.

Tila naman hindi nito iniintindi ang aking mga
sinasabi bagkus ay taimtim lamang itong nakatitig sa akin. Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang inaakto. Hindi ko napigilang mapataas ang aking kilay nang sumandal pa ito sa kanyang swivel chair na tila hindi man lang nabigla sa aking sinabi.

"Did you had lunch?" kaswal nitong tanong. "I
know a great place here-"

"I'm not here to have lunch with you!" Malakas kong turan pagkatapos kong hampasin ng malakas ang kanyang lamesa upang makuha ang kanyang buong atensyon. I don't like how she treats the situation like it
was something normal. Walang normal sa sitwasyon namin.

"One thing, you are bragging yourself as my wife then the next thing you want me to sign our annulment?" Nang-uuyam na turan nito.

Halos mahigit ko ang aking hininga nang bigla na lamang siyang yumuko palapit sa akin at kampanteng itinuon ang kanyang mga siko sa ibabaw ng kanyang mesa. Dahilan upang maging halos isang dangkal na lamang ang pagitan ng aming mga mukha. Pakiramdam ko ay bigla akong napako sa aking kinatatayuan at nawalan ako ng takas upang umiwas. Parang magnet ang kanyang mga mata at wala akong takas upang lumayo sa kanya bagkus ay para akong gamu-gamo na mas !along naaakit sa init ng kanyang mga titig.
"Cha-What's happening here?!" Malakas na turan ng isang tinig gating sa pinto. Halata sa kanyang boses na hindi niya inaasahang maabutan ako rito sa opisina
ni Chae.

Agad akong natauhan at mabilis na umayos ng tayo dahilan upang magkaron kami ng distansya sa isa't isa.
"What are you doing here?" Bakas ang galit sa tinig ni Somi nang makita niya ako sa loob ng opisina ni Chae habang nasa alanganing posisyon.
It was nothing vulgar but it was enough for anyone who can see us that there's some sexual tension building up between us. I cleared my throat before telling her the purpose of my visit.
"I'm here for our annulment," turan ko.

"What about it? Matagal na kayong hiwalay ni Chae. Wala ka nang karapatang pang guluhin ang buhay namin." Galit nitong turan.
I almost rolled my eyes. Ang kapal din naman ng mukha ng babaeng ito. Ako pa talaga ang sasabihan niyang nanggugulo, the nerve of this b*tch! Mas lalo lamang akong nakaramdam ng inis para sa kanya. Sinusubukan talaga ako ng babaeng ito. Tumaas ang sulok ng aking labi saka siya binigyan ng isang nakakalokong ngiti.

 My Wife's Secretary  (Chaelisa🐿️🦄)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon