-- Chapter 22 --

286 15 9
                                    

LISA

Kahit pagod ay pilit kong tinatapos ang Iahat ng kakailanganin namin para sa meeting bukas. Si Jennie ay kasalukuyang nasa banyo at naliligo. Kumunot ang aking noo nang marinig ko ingay mula sa doorbell ng kwarto. Kanina pa naihatid ang inorder kong pagkain kaya naman bigla akong napa-isip kung sino iyon.
Dis-oras na ng gabi at sigurado akong wala akong inaantay na bisita kaya laking pagtataka kung sino ang nasa pinto. Sinilip ko ang peep hole ng pinto at mas
lalong lumalim ang pagkakakunot ng aking noo nang mapagtanto ko sino iyon.
"What do you want, Chae?" mataray kong bungad dito nang buksan ko ang pinto.
"I want to check the papers that we need for the meeting tomorrow," blangko ang mukhang turan nito nito bago agad na pumasok sa loob ng aking kwarto.
"Argh! It's already done, Chae. Wala ka ng gagawin dito," inis na turan ko saka ito sinundan. Hindi na nito inantay na ayaain ko siyang pumasok sa loob ng aking kwarto, ito na mismong ang nagpresentang imbitahan ang sarili niya.

Pinaikot nito ang kanyang paningin sa kabuuan ng aking kwarto na tila ba may hinahanap. Sinulyapan din nito ang aking suot saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa saka madilim ang mukhang tumingin sa aking mata.

"You're wearing that? I can see you breast from here," sarkastikong turan nito.



I'm wearing a pajama and a sleeveless top. I'm also not wearing a bra since nasa loob lamang naman ako ng aking kwarto. May kakapalan din ang tela ng aking damit kaya sigurado akong hindi babakat ang aking n!pple kahit na wala akong suot na pang-ilalim.

"No, you can't!" giit ko. Nagsisimula na namang gumapang ang inis sa aking katawan. Hindi ko maintindihan ng mga kinikilos ni Hunter. As far I remember, malinawag na wala na siyang pakialam sa akin matapos mapanood ang "scandal" daw namin ni Jennie.

"Let me check the papers," mariin nitong turan sa akin.

liang minuto kaming nagsukatan ng tingin bago ako sumuko at saka mabilis na kinuha ang aking laptop.

"Here, you can check it in your room," mataray na turan ko.

"Nope. Somi is already sleeping ayoko s'yang istorbohin," malamig nitong tugon.

"Fine. Be my guest," mataray kong turan sa kanya saka hinaya ang aking kamay upang ituro siya sa bakanteng lamesa na naroon.

Agad naman nitong kinuha ang laptop mula sa aking kamay saka mabilis na nagtungo sa lamesa.
"Aahh! The bathroom here is good! Maybe, we should go-"

Sabay-sabay kaming napalingon kay Jennie na kakalabas lamang ng banyo at nakatapis lamang ng tuwalya. Nakangisi nitong tinuyo ang kanyang buhok nang makita niyang parehas kaming napanganga sa kanya.

Bumaling ako sa gawi ni Chae at kitang-kita ko kung paano umigting ang kanyang panga at naningkit ang kanyang mga mata. Naiiling na lamang akong nagtungo sa aking kama upang maghanda nasa pagtulog.

"Goodnight, Chae," nakangising turan ni Jennie sa babae bago umikot patungo sa kabilang bahagi ng aking kama.

Mabilis ko itong nilingon at saka nakakunot ang noong tiningnan ito. Ang usapan namin ay sa sofa siya matutulog kaya laking pagtataka ko nang makita ko siyang humihiga sa aking tabi. lnilagay lang ni Jennie ang kanyang hintuturo sa tapat ng kanyang labi upang tahimik na sabihin sa aking huwag akong maingay at sumunod na lamang ako sa kanya. Mabilis ko itong inirapan at hinayaan na lamang sa kanyang plano.
"Lisa!" malakas na sigaw ni Chae dahilan upang mapabalikwas ako ng bangon. "This is all wrong! We need to fix this!" galit nitong turan.

"What?!" naiinis na bangon ko. "Pwede bang bukas na lang? lnaantok na ko," nakasimangot kong turan sa kanya.
"Our meeting is on seven in the morning. We need to finish this now," malamig nitong turan.
Bagamat naiinis ay wala akong nagawa kung 'di ang bumangon at lumapit sa lamesa. As much as I wanted to sleep, ayoko din namang mapahiya sa mga investors kung sakaling may mali nga sa ginawa ko.

 My Wife's Secretary  (Chaelisa🐿️🦄)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon