The Flight

9K 314 11
                                    

Amethyst 's POV

" Amethyst ! Isara mo ang bintana! Dali!", ang sigaw ni Lorie saakin. Agad ko naman naisara ang bintana. Nanginginig na ako sa mga nakikita ko. Nakakatakot talaga! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko! Sheeeeeet!

Napahiga ako sa higaan ko at nagtalukbong ng kumot. Si Lorie, ganun din ang ginawa.

*Flashback*

*Toktoktok*

Nagkatinginan kami ni Lorie. Halata sa mga mata niya na natatakot siya.

Dahan-dahan siyang lumapit saakin.

"Huwag mong bubuksan ang pinto. At hwag kang maingay", ang pabulong na sabi sakin ni Lorie.

Agad ko namang tinakpan ang bibig ko. Natatakot talaga ako. Hindi ko na to kaya.

"O-oo", ang tugon ko kay Lorie. Tumango naman siya.

*toktoktok*

Nanginginig na ang buong parte ng katawan ko. Hindi ko na kaya ang nerbyos na nararamdaman ko. Dahan-dahan akong lumapit sa may table na may water jug. Iinom ako ng tubig para naman mawala ang konting nerbyos ko.

Habang binubuhos ko ang tubig sa baso, nanginginig ang mga kamay ko. Dahan-dahan kong kinuha ang basong may lamang tubig. Pero--

*crack!*

Nabitawan ko ang baso at natapon ang tubig sa sahig. Napatingin naman si Lorie sa direksyon ko at nanlaki ang mga mata niya. Umiling-iling siya indicating na hwag akong maingay.

*toktoktok*

This time, mas malakas ang pagkatok unlike kanina. Tumakbo ako papunta kay Lorie.

-blag!-

Oo inaamin ko. Clumsy ako kaya nadapa ako. Nagulat naman si Lorie at inalalayan ako.

"Ssshhh", ang sabi sakin no Lorie. Tumango na lang ako.

Pumunta kami sa may higaan. Umupo siya sa may side mg higaan ko.

"Kahit anong mangyari, hwag na hwag mong bubuksan ang pinto", ang sabi sakin ulit ni Lorie. Tumungo naman ako bilang sagot.

"And don't ever answer sa mga tanong na bibigkasin ng taong nasa labas. Amethyst , hwag mo siyang papakinggan. Please! Nakikinig ka ba sakin?", ang tanong sakin ni Lorie.

"O-oo. H-hindi ko sasagutin a-ang mga t-tanong niya"

"Remain calm. Don't panic and lakasan mo ang loob mo", ang sabi sakin ni Lorie at niyakap ako. Niyakap ko na rin siya. Ano pa nga ba ang choice ko? Siya lang ang kaibigan ko at siya lang ang nakakaintindi sakin dito.

Biglang may kumalabog sa labas ng pintuan na dahilan na makakasigaw ako. Biglang tinakpan ni Lorie ang bibig ko.

"Sshhh", ang sabi ulit ni Lorie.

Ngayon ko lang narealize na ang isang charm commander, na tintingala ng lahat, ay isang mahinang tao. Mas malakas at mas matapang pa nga siguro sakin si Mindy and Kimrae kesa sakin. I'm weak!

" Amethyst ? Lorie?", napatingin naman kami ni Lorie sa isa't isa.

"Don't ever answer him", ang seryosong sabi sakin ni Lorie

Tumango na lang ako for response.

"Open the door pleasee", ang nagmamakaawang sabi ng nasa labas ng pintuan.

"Lorie, kawawa naman siya", ang bulong ko kay Lorie.

Umiling iling naman siya.

"Sakin ka makinig Amethyst . Mapapahamak ka, at ako. Tayo. Mapapahamak tayo. So Amethyst please listen to me and not to him", ang mahinahong sabi sakin ni Lorie.

Pinikit ko na kang ang mga mata ko.

"I-i'm in d-danger... Please help me...", ang nagmamakaawang sabi ylit ng nasa labas. Kasunod nito ay ang pag-iyak ng lalake sa labas.

Hindi ko alam pero bigla akong napatayo para buksan ang pinto. Agad naman akong hinila ni Lorie.

"Please Amethyst ... Hwag kang magpadala sa emosyon mo", ang sabi sakin ni Lorie.

"P-pero, pano kung nasasaktan talaga siya? Pano kung isa sya sa mga biktima ng dawn of darkness? Hindi ba natin siya tutulungan?", ang sabi ko habang naginginig.

"But Erza, walang mabibiktima ngayon dahil lahat ng estudyante ay nasa kani-kanilang kwarto. Please sakin ka makinig Erza!"

Umupo na lang ako.

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon