_____
Mindy‘s POVNakita ko si Charmaine na namumutla. Natatakot ako para sa kaibigan ko. Sino ba kasi yun?
“Hwag kang mag alala Charmaine. Nandito lang ako”, ang sabi ko sa kanya.
“Alam ko na lagi kang nandyan para saakin. Pero paano kung wala ka? Tapos biglang dumating yun? Paano na ako? Ayaw ko pa mamatay! Marami pa akong pangarap sa buhay!”
“Hwag ka ngang mag isip ng ganyan! Ang OA mo! Patay agad?”
“Eh ano meaning ng kutsilyo? Di ba pangpatay yun?”
“Pero ginagamit din kaya ang kutsilyo sa pagluto!”
“Meaning lulutuin nila ako? Ano naman yan Mindy! Tintakot mo ako!”
“Sorry”
Third Person’s POV
(after 10 minutes)
Bumaba na sa bus sina Charmaine at Mindy. Magkapitbahay lang sila kaya laging magkasama.
“Samahan mo ako pumasok sa bahay“, sabi ni Charmaine habang yakap ang sarili.
Tumango naman si Mindy at inalalayan si Charmaine papunta sa bahay nila.
Pagpasok nila sa pinto ay nakahinga ng maluwag si Charmaine.
“Mag ingat ka Mindy”
“Oo”
Sinarado na ni Charmaine ang pinto at naglakad papunta sa kanila si Mindy.
Tinitingnan ni Mindy ang libro na binigay sa kanya ni Miss Almeniana.
“Journal of Elise Montaleba”, sabi ni Mindy sa sarili niya.
Hindi namalayan ni Mindy na nasa bahay na pala siya. Binuksan na niya ang pinto at nagmano sa mga magulang niya.
“Ginabi ka ng uwi, Mindy. Bakit?“, ang tanong ng mama niya, si Miniry.
“Uh, kasi po.. Eh... May tinapos akong project sa school”, napabuntong hininga si Mindy. Ayaw niya magsinungaling pero nagagawa na niya na. Natatakot kasi si Mindy na itransfer ulit sa ibang school. Limang school na kasi ang nalilipatan niya dahil binubully siya. Naaawa na kasi si Mindy sa mga magulang niya. Alam niyang nahihirapan na sila kaya mas naisip niya na itago na lang.
“Anong subject?“, tanong naman ng papa niya, si Edison
“Uh, Research 101 po“
“Tawagan mo si Sir Brabante, Miniry about sa project na sinasabi ni Mindy”, ang sabi ng papa niya.
Mindy’s POV
“Tawagan mo si Sir Brabante, Miniry about sa project na sinasabi ni Mindy“, ang sabi ni papa.
This is it. May number si mama ni Sir Brabante. And the worse, nagsisinungaling ako. Pano kung tanungin nila? Siguro, mas tama nang sabihin ko ang totoo mula sa bibig ko kesa naman malaman nopila sa iba.
“Ma, hwag nyo na po tawagan si Sir. Sorry po“, ang sabi ko habang nakayuko ang ulo.
“Bakit?”, tanong ni mama.
“B-bi-binully po kasi ako sa school. Kinausap rin po ako ni Miss A-am-amelniana about s-sa ginawa saakin ng bullies“, ang sabi ko habang nakayuko pa rin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng mama at papa ko.
“Sino naman nagbully sayo?”, galing ito kay papa.
“*sigh* Si Leikyal, si Chezka, si Cauline at si Antonette po”
“Miniry, bukas, humingi ka ng transferee slip. Bumalik ka na sa kwarto mo Mindy”
Umakyat na ako sa hagdan.
Pagdating ko sa kwarto ko ay nagdive ako sa kama at hinug ang human size Hello Kitty stuffed toy ko.
“Hello kitty...”, ang sabi ko kay Hello Kitty ko.
Sooooo... Talagang ginawa kong short yan kasi, may another challenge ako... Kaya niyo po ba ang 20 votes and 50 comments dito sa chapter na ito?
Next UD is very long and never kayo mabibitin. I promise! ^_^
BINABASA MO ANG
Magic Academy
FantasyNot all things are real. Not all things existed. BUT, not all things are imaginations. Dati, alam ko na hindi yun totoo. Dati, natatawa ako sa mga bata na panay kwento saakin about Magic. I find it childish kasi kung maniniwala ka. Magic do existed...