"Tell me the truth. Ano ba talaga ang nangyari?!", galit na tanong samin ni Royal Lady Elumina.
Wala saming umimik ni Icelle. Pero tinitigan ako ni Icelle ng masama.
"Wala bang magsasalita? Bakit kayo nasa battle ground ng alas dose ng gabi? All students are not allowed to go outside the corridor during midnights, and you know that. And the battle ground is a restricted section in our school! Alam nyo bang marami kayong nalabag na school rules ngayong gabi?"
I hugged myself. Bakit ba ako napunta sa gulong ito? Wala naman akong naalalang nagawang masama sa kapwa ko para maparusahan ako ng ganito.
"Girls, sabihin nyo sakin kung ano ang nangyari. Kung bakit kayo nasa battle ground ng hatinggabi, at kung bakit naging apoy ang kamay ni Icelle"
"S-she started it Royal Lady Elumina", I spit out. "Nang nasa cafeteria po kami ni Mindy, biglang nawala ang ilaw and may mga tao pong gumapos sakin. At nagising na lang po ako kanina na nasa battle ground. Gusto po ako saktan ni Icelle. Nanlaban lang po ako. Pero di ko po alam kung bakit naging apoy ang kamay nya"
Tumutulo na ang luha ko. Biglang naging asul ang kulay ng paligid. Napatingin si Royal Lady sakin at kay Icelle. "Amethyst is telling the truth. Icelle, ano ba ang nangyari?"
Hindi sumagot si Icelle. Tiningnan ko ang mga mata nya. Unti-unti itong nagiging puti. Nagkakaroon ng mga yelo ang buong katawan nya.
"A-ano po nangyayari?!", napatayo ako sa kinauupuan ko dahil nababalot na ng yelo ang katawan ni Icelle. Puti na ang mata nya.
"She's possessed. Someone is controlling her body", hinawakan ni Royal lady ang kamay ni Icelle. Biglang natunaw ang mga yelo sa kamay nya. Nakita kong unti-unting lumulutang ang katawan ni Icelle sa ere. Hanggang nasa midair na sya. Umatras si Royal Lady Elumina. Pumunta sya malapit sa may fireplace. Biglang may lumitaw na maliit na bote at kinuha nya iyon. "Incendio", sabi ni Royal Lady. Napuno ng apoy ang laman ng bote.
Linapitan nya ang katawan ni Icelle na nasa ere at binuksan nya ang bote. Kumawala ang apoy at kinain nito ang katawan ni Icelle. Napasinghap ako. Anong ginagawa ni Royal Lady?!
"Amethyst, bumalik ka na sa dorm mo! Now!"
"Pero po—"
"Hwag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama sa katawan ni Icelle. But you need to leave this room dahil kakalat ang apoy. And hindi makakaligtas ang katawan mo. Masusunog ka. Leave!"
"P-pano ka po?"
"I'm immune to this fire Miss Charandelle. Leave!"
Pero di pa rin ako umalis. My feet are glued to the ground. Nakatutok ang mata ko sa kumakalat na apoy. Anong nangyayari sakin?
"Amethyst, leave!"
Parang nahihypnotize na ako sa nangyayari. I wanted to run, I wanted to scream, but I can't. Unti-unting lumalapit sakin ang apoy. Nararamdaman ko na ang nagbabagang init nito.
"AMETHYYYYYYYYST!"
I can see red. Only red. And black.
***
"Gising na ata sya"
"Ano ba kasi talaga ang nangyari?"
"Kasalanan to ni Icelle!"
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nakita ko sina Mindy at Kimrae na nakatitig sakin.
"Wag ka gumalaw!", sigaw ni Kimrae.
"Nasan ako?"
"Nasa infirmary ka. Dito sa hospital. Good thing walang nangyaring masama sayo kahit nakain ka ng apoy kagabi", sagot ni Mindy
"Nakain ng apoy kagabi?", oo nga pala. Pero bakit nakaligtas ako? Diba dapat sunog na ako ngayon tulad ng sabi ni Royal Lady? Itinaas ko ang mga kamay ko para tingnan kung may something na kakaiba. Ngunit, wala naman. Parang wala naman na nangyari.
"Royal Lady is so worried about you. At kami rin. Pinaghahanap ka namin sa buong academy kahit gabi na. Nahuli kami ng mga nagpapatrol na Royal Guards at dinala kami sa office ni Royal Lady. At nakita naming sinunggaban ka ng apoy. Mga isang oras ata tumagal yung apoy eh. Umiiyak na kami dahil akala namin abo na lang natira sayo. But nakita namin ang katawan mo after mawala ng apoy. Buong-buo pa at parang natutulog ka lang sa sahig", kwento ni Kimrae.
"Dinala ka namin kaagad sa infirmary. Sabi ni Madam Pomfi, yung school doctor slash nurse, wala naman na kakaiba sayo. Pero kailangan mo raw magpahinga dahil hindi lang basta bastang apoy yun Amethyst. Yun ang tinatawag na Deathfire", sabi ni Mindy habang naglalakad lakad. "Ang deathfire ay isang uri ng apoy na nakakapagpagaling sa lahat ng uri ng magical curses. Pero pinapatay nito ang mga taong wala namang curse sa katawan"
"Si Icelle. Ginamit yun ni Royal Lady kay Icelle", sabi ko.
"Yeah. But ang nakapagtataka ay kung bakit buhay ka pa ngayon", ang sabi ni Kimrae.
"Wow. Disappointed ka?"
"Di naman sa ganun. But Amethyst, sa tingin namin, baka nasa ilalim ka rin ng magical curse kaya nakasurvive ka sa deathfire. Or, baka... Baka iyon na ang charm mo"
BINABASA MO ANG
Magic Academy
خيال (فانتازيا)Not all things are real. Not all things existed. BUT, not all things are imaginations. Dati, alam ko na hindi yun totoo. Dati, natatawa ako sa mga bata na panay kwento saakin about Magic. I find it childish kasi kung maniniwala ka. Magic do existed...