Scream

6.8K 226 9
                                    

Chance's POV

Malaya na ang Tadashi Village dahil sa ginawa namin nina V and Biggie. Bumalik na rin si Biggie sa isang pagiging maliit na bata. Magaling na si V, at lubos ang kasiyahan ng mga kapatid na Tadashi.

Kinulong na rin namin sina Blue at Red sa Sky Portal. Nalaman namin na kasapi sila sa guild ng Phantom Lord (A: Pagbigyan. LOL)

"At dahil sa kabayanihan ng mga mabubuting ginoo-"

"At Dalaga", ang dagdag ni Biggie. Hahaha.

"At dahil sa kabayanihan ng mga mabubuting Ginoo at *ehem* dalaga, naging malaya na ulit ang payapang nayon ng makukulay na hobenes. At dahil sa inyong matapang na pakikipaglaban, iginagawad namin sainyo ang kapangyarihan na aming iniingatan", biglang may dumating na anim babae na may dalang maliliit na pouch.

"Iginagawad namin kay Biggie ang kapangyarihan ng tinig. Na kapag umaawit ka ay magagawa mong makipaglaban ng walang kahirap-hirap. Ang Sound Magic", ang sabi ng pinuno at isanh babae ang lumapit kay Biggie at binigay ang pouch. Binuksan ni Biggie ang pouch at kinuha niya ang isang umiilaw na perlas. Dahan dahan niyang nilunok ang perlas.

Pumalakpak ang lahat ng mga kapatid na Tadashi. May sound magic na si Biggie! Ngayon, magdasal na tayo na maganda ang boses niya. Dahil kung hindi, kahit wala ang sound magic, makakapatay siya ng tao. -___- Hahaha.

"Iginagawad rin namin kay V ang isang kapangyarihan na kayang makapagpabilis ng katauhan. Ang High Speed Magic", ang sabi ulit ng pinuno at may lumapit kay V na isang babae at binigay ulit yung pouch. Kinuha ni V ang nasa loob ng pouch. Isang super liit na bote na may lamang red na liquid. When I say super liit, kasing laki lang iyon ng hintuturo mo sa paa. Try mo tingnan. So ayun, ininom ni V ang nasa super liit na bote.

Pumalakpak ulit kami. May High Speed na ang bro ko! Yaaaay!

"And last but not the least, iginagawad namin kay Chance ang tatlong kapangyarihan. Ang isang kapangyarihan ay tungkol sa pagsusulat. Na kahit ano ang isulat mo, ay magiging totoo ito at maaring magamit sa pakikipaglaban. At ito ay kilala sa tawag na Solid Script Magic. At ang isang kapangyarihan naman ay kaya mong makontrol ang isang tao gamit lang ang iyong mata. At ito ay tinatawag na Figure Eyes Magic. At ang huling kapangyarihan ay kaya mong gayahin o i-mimic ang kapangyarihan ng iba. At ito ang tinatawag na Mimic Magic"

Wow. Tatlong magic ang ibibigay sakin?! Solid Script Magic, Figure Eyes Magic at Mimic Magic! Waaah! *le dies* LOL. May lumapit sakin na tatlong babae at isa-isang inabot sakin ang mga pouch. Binuksan ko ang unang pouch.

Mga lumulutang na maliliit na letra ang nasa loob. Kinuha lo iyon at ininhale. Pumalakpak naman ang mga tao. Sunod kong kinuha ang pangalawanb pouch. Isa siyang maliit na itim na kapsula. Nilunok ko iyon. And as usual, pumalakpak ulit sila. And last, kinuha ko na ang pangatlong pouch. Isa siyang maliit na gem na may mukha ko?! Tingnan ko iyon ng mabuti. Parang mirror lang. Nilunok ko ulit iyon, and pumalakpak ulit sila.

"Ngayon ay magkaroon ng pagdiriwang!"

Pumunta kami sa bahay ng pinuno. Pero teka. Binigay nila saamin ang kapangyarihan nila na kinaiingatan nila di ba? So meaning, may kapangyarihan sila! Bakit hindi nila ginamit?

"Bakit hindi niyo po ginamit ang kapangyarihang iginawad niyo saamin sa pakikipaglaban kina Blue at Red?", tanong ko sa kanila ng nakarating kami sa bahay ng pinuno.

"Dahil natatakot kami na mangyari ulit ang dati. Ang aking ina ay isa ring mahikerong tulad niyo. May kapangyarihan siya na tinatawag nilang Magic Crush, na kung ano ang hahawakan niya ay magiging bato, at magkakapulbus-pulbos. Isang araw, hindi niya nakontrol ang kapangyarihan niya,. At halos kalahati ng mga tao sa Tadashi Village ay naging pulbos. Kaya natakot kami na gamitin ang mga kapangyarihang iyan"

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon