Good or Bad Ending?

8.9K 280 44
                                        

Amethyst's POV

Isang linggo na pakatapos ang mga nangyari. Kinulong na sina Rielu, Lance at Elika sa Shadow Zone. Pinasara na ang Underworld Academy. Nakabalik na si Guia at si Coleen sa Secret Country.

At isang linggo na ring hindi gumigising si Chance.

"Amethyst, magpahinga ka naman. Napapabayaan mo na ang sarili mo", ang sabi sakin ni Mindy at kinomfort ako.


"Ayoko Mindy. *cry* Si Chance nga napabayaan ko, hindi ko man lang naprotektahan! Saka pa kaya ang sarili ko? Ayoko siya iwan", ang sabi ko at niyakap si Chance.


"Amethyst, di ba Charm Commander ka? Bakit hindi mo siya pagalingin?", ang sabi sakin ni Biggie.


"Wala na akong lakas Biggie. Di ko na kaya. Wala na akong nararamdaman na lakas. Kapag nagising si Chance, babalik ulit ako sa dati"

"Ano ka ba Amethyst?! Kung mahal mo si Chance, ayusin ml ang sarili mo! Pano kung nagising na siya tapos ikaw naman ang deadbels? Eh di hindi na kayo magkakausapan!", ang nakakunot-noong sabi sakin ni Kimrae.


"Tama si Kimrae, Amethyst. Kakambal ko ang yakap mo ngayon. At lubos rin akong nalulungkot sa mga nakikita ko. Kailangan mo rin ayusin ang sarili mo", ang sabi naman sakin ni V.

Tinitigan ko ang mukha ni Chance. Pinag-aralan ko ang bawat detail ng mukha niya. Hindi ko namalayan pero magkalapat na pala ang labi namin. Smack lang yun, pero matagal. Nakapikit pa ako, at naramdaman kong tumulo ang luha ko.

"A-a-amethyst..."


Napadilat ako nang narinig ko siyang nagsalita. Nakapikit pa rin siya.


"Chance... Ako toh...", ang sabi ko at niyakap ko siya ulit.


"Amethyst... Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, ikaw lang ang nilalaman nito", ang sabi niya at tinuro ang dibdib niya.


"Mahal kita Chance! Mahal na mahal!", ang sabi ko naman at umiyak. Ngayon ko lang naramdaman na umalis na pala sina Kimrae.


"Alam ko Amethyst. Mahal din kita", ang sabi niya at umupo sa higaan niya.


He cupped my face. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sakin. Pumikit na lang ako. Hanggang sa naramdaman kong magkalapat na naman ulit ang mga labi namin.

"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko Amethyst", he said between our kisses.

"...hanggang sa kabilang buhay", naramdaman kong lumayo na siya sakin. At nakita ko na lang na wala na siyang buhay.

"CHAAAAAAAAAAAAAAAAANCE!"

***


After one year.


Nakaupo ako sa isang park bench sa Magic Academy. Pinapanood ko sina Kimrae at V na enjoy na enjoy na maglaro ng bubbles. Naalala ko tuloy si Chance. It's been a year since pumanaw ang lalakeng mahal ko.

Nakakainis! Kinuha na niya ang first kiss ko, tapos iniwan lang ako? Chance naman! Babatukan kita eh! Pero wala ka na. Di ko na yun magagawa. Nangingilid na naman ang luha ko.


"WAAAH! UMIIYAK NA NAMAN SI AMETHYST!", ang sigaw ni Mindy. Linapitan naman nila ako. Kahit isang taon na ang nakalilipas, di pa rin ako makamove on. Nakakainis. Bukas na ang debut ko, pero ang escort ko, nasa Heaven. Ang say saya di ba?! Sobra. Sobrang saya!

Kinomfort nila ako.


Si V, siya ata ang mas nasasaktan sa aming dalawa. Siya yung kambal eh. Pero madali siyang nakamove on.


"Miss ko na si Chance...", ang sabi ko at niyakap si Kimrae at Mindy.


Umiyak lang ako ng umiyak. Wala akong pake kung nababasa ko na ang mga damit nila. Ang mas importante sakin ngayon ay kung pano ako ilabas ang nararamdaman ko.


"Nakakainis siya! Hindi niya man lang hinintay debut ko! Wala akong escort bukas!", ang sabi ko at umiyak ulit.

Bigla akong napatigil sa pag-iyak ng nakarinig ako ng pamilyar na halakhak.


Tumingala ako, at nakita ko siya.

____
A: Apat ang update ko ngayon. Baka makaligtaan niyong basahin yung iba. Kailangan muna ng 20 votes at 35 comments para maka- Epilogue na o(╥﹏╥)o. Pwede ulit-ulitin ang comments niyo. Tyaga na lang. Hahaha.

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon