Napayuko na lang ako. Ano nga ba?
"Di ko alam eh", ang sagot ko sa kanila.
"Aww it's okay. Matutuklasan mo rin lang naman yan kapag dumating na ang panahon", ang nakangiting sabi ni Kimrae.
"Punta tayo sa Enchanteria! Gutom na ako", nakapout na sabi ni Mindy. Hinanap ko ang wallet ko sa mga bags na dala ko. Pero di ko dala! Pano na ako nito makakakain?! Huhubels naman oh!
"Anong hinahanap mo Amethyst?", dumungaw si Kimrae sa mga bag ko.
"Sa tingin ko di ako sainyo makakasama. Di ko dala ang wallet ko eh", I sighed in frustration. Wallet pa naman ang kailangan ko tapos di ko pa dala! Imbyerna!
"It's okay Amethyst. Lahat ng foods sa Enchanteria ay free and no limitations pa. Ang nag-mamanage kasi ng Enchanteria ay isang head ng council na ang magic ay telecommunication sa mga computer", napangiti naman ako sa sinabi ni Mindy.
"Halika na!", yaya ko sa kanila.
***
Hingal na hingal ako nang pumasok kami sa Enchanteria. Umupo agad ako sa pinakamalapit na upuan. Buti nga at full blast ang aircon sa cafeteria na ito. Naglakad kasi kaming tatlo papunta dito. Akala ko malapit lang! Parang sumabak lang ako sa 5k fun run!
"I'm tired", pinapaypayan ko ang sarili ko kahit may aircon. Nasa harap ko naman yung dalawa.
"Kami na lang ang mag-oorder para sayo", tumango naman ako sa dalawa. Naiwan ako dun sa table. Kinuha ko ang pocket mirror ko at tiningnan ang mukha. Hay. Gardo Versoza na ang peg ko. Haggard na ako!
Nag-apply ako ng pinkish powder at konting lip balm. Sinuklay ko naman ang buhok ko. Ayan, much better.
Biglang may umupo sa harap ko. Baka sina Mindy na ito. Pinasok ko ang pocket mirror sa bulsa ko.
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang nakita ko yung lalake kanina. Yung lalakeng pinapalibutan ng apoy kanina! Kaharap ko na siya ngayon at kitang-kita ko na ang mukha niya sa malapitan. As in sa malapitan. Fudge. Ang gwapuuu ❤
"Staring is rude"
Nabalik naman ako sa senses ko ng nagsalita si Mr. Handsome-to-the-nth-level
"Huh?", tanong ko namansa kanya. He smirked at me.
"Are you deaf?", nabigla naman ako sa inasal niya. Aba! Suplado naman pala to! No thanks na lang sayo kuya! Nice to meet you na lang. Shet.
"I'm not. Well, are you blind? Can you see that there is a person who is now sitted to this table? Find a vacant chair to sit to", inirapan ko siya at nag-cross arms ako habang nakataas ang isang kilay.
"For me this is a vacant. Sorry but I can't see you. You're too dark kasi", napasinghap naman ako sa sinabi niya. Umismid siya sakin. Aba! Nakakainis siya!
Tiningnan ko anh balat ko. Ang puti-puti ko kaya! Para nga akong endorser ng Silka Papaya Soap, Palmolive, Dove, at parehas ang kulay ng balat namin ni Anne Curtis!
"I hate you! Alis nga! Pinepeste mo ako! Sino ka ba ha? Ganun ka ba mag-welcome sa mga transferees?", I bit my lower lip to calm myself. Gusto ko tong sapakin na lalakeng nasa harap ko.
Hinawakan niya ang baba niya at pumikit. Para siyang nag-iisip na ewan. Bigla niyang minulat ang mata niya at ngumiti nang pagkalaki-laki.
"Ahh I remember you. Ikaw yung babae kanina na nakatingin sakin! Crush mo ba ako?", linapit niya ang mukha niya sakin. Namula naman ako agad.
"Ilayo mo nga ang mukha mo!", pumikit ako ng mariin. Ang lapit kasi ng mukha niya sakin! Tapos wala naman akong maatrasan dahil nakasandal ang upuan ko sa pader.
BINABASA MO ANG
Magic Academy
FantasíaNot all things are real. Not all things existed. BUT, not all things are imaginations. Dati, alam ko na hindi yun totoo. Dati, natatawa ako sa mga bata na panay kwento saakin about Magic. I find it childish kasi kung maniniwala ka. Magic do existed...
