Mangha ako sa mga nakikita ko.
But nakakaramdam din ako ng takot.
I have this weird feeling about this thing. Nakakita ako ng lalake na nakaupo sa isang bench habang pinapalibutan ng apoy ang katawan niya. Napako ang tingin ko sa kanya.
My stomach does flip nang bigla rin siyang tumingin sakin. Or should I say, staring. Tinitigan niya ako. Tinitigan ko din siya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. He's... he's too handsome to be true. Bumilis ang tibok ng puso ko nang kinindatan niya ako. I smiled at him.
"Amethyst?", naalis ko ang tingin ko sa lalake at hinarap si Lola. Hoo. Sana di niya nakita yung kanina.
"Po?", kunware nakikinig ako sa earphones ko. Pero talaga, sinasaulo ko ang bawat detalye ng mukha nung lalake kanina. He's handsome... and hot. literally.
Nagdrive lang si lola. Luminga-linga ako sa paligid at nakakita ng mga kakaibang nilalang. Mga fairies. Natatakot na talaga ako!
Pero biglang nawala ang takot ko nang sumagi sa isip ko ang mukha nung lalake kanina. Napangiti na lang ako ng wala sa oras.
Biglang nagstop yung kotse ni Lola. Bumaba naman ako kaagad. Wow. Ang ganda dito. Fresh air!
Nakakita ako ng weird na bahay. May mga malalaking fairies na nakatayo sa bawat side ng pinto. Tapos sa taas naman ng bubong ay may malaking fountain na nagsasabog ng makukulay na tubig. Tapos gold pa ang kulay nung bahay. Sino kaya dyan nakatira?
"Halika na Amethyst", nagtaka ako kasi papunta kami ni Lola dun sa weird na bahay. Hala, dun kami papasok? Nang umapak ako sa carpet, biglang umilaw yun! Waaah ang cool! Tapos may lumalabas na mga sparkles and glitters!
Umapak si lola sa isang parang red na doormat. Nanlaki agaf ang mata ko nang may lumitaw na lumulutang na papel at pluma! Like seriously, lagi namanakong nakakakita ng mga lumulutang na papel kapag linilipad ng hangin, pero itong nakikita ko ay kakaibang ewan.
Pumirma si Lola at may lumitaw ulit na susi. Kinuha ni lola ang susi at isinilid niya sa bibig ng leon na nakanganga dun sa may harap ng pinto. And boom! Bumuka ng bumuka ang bibig nung leon hanggang sa taas nung bahay. Like what the fudge!
"Amethyst", tinanguan ko si lola. Nauna na si Lola lumakad papunta dun sa bunganga nung statue na leon. Nang nakapasok na kami, bumungad saakin ang isang napakalawak na silid. Sa left side ng room ay may mga nahuhulog na snow. May mga pine trees din doon at ang sahig ay napapalibutan ng nyebe.
Sa right side naman ng room ay napakainit. Pero may mga kumikinang na bulaklak at maraming mga paru-parong nagliliparan. Sa Unahan naman ng room ay mga nahuhulog na leaves sa bawat puno. Orange, brown and yellow ang dahon at ang ibang puno naman ay wala ng dahon.
Hmm. Winter, summer and autumn. Ang tanong, nasan yung spring? Tingnan ko ang kinatatayuan ko mismo. May mga maliliit na halaman na nahgsisimulang lumaki. May mga paru-paro din na nagliliparan.
Woah. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko na nasa loob ako ng isang room yet apat na seasons ang nakikita ko. This is so much a fantasy. And I know fantasy is not real. But parang sa mga nakikita ko pa lang ay parang maniniwala na ako sa fantasy.
"Welcome to Magic Academy", biglang may lumitaw na babae out of nowhere. Parang ang edad niya ay nasa 30 plus. Nakasuot siya ng puting bistida na hanggang tuhod at may chaplet ng mga puting bulaklak sa ulo niya. May suot din siyang puting perlas na kwintas. Para siyang diwata. Hmm.?
BINABASA MO ANG
Magic Academy
FantasyNot all things are real. Not all things existed. BUT, not all things are imaginations. Dati, alam ko na hindi yun totoo. Dati, natatawa ako sa mga bata na panay kwento saakin about Magic. I find it childish kasi kung maniniwala ka. Magic do existed...