Chance's POV
Gabi na. Sarado na ang lahat ng pinto at bintana ng mga kubo sa Tadashi Village. Mga huni ng mga palaka at crickets na lang ang naririnig. Maliwanag ang ilaw ng buwan. Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ko.
"V, anong oras ba sila darating?"
"Ang sabi ng mga Tadashi ay alas dose ng gabi"
Umupo ulit ako at uminom ng tubig. Sabi nhg mga tadashi samin, nakakapalakas daw ang tubig nila. Banal ang tubig nila dahil galing daw iyon sa isang balon na benindisyunan ng isang manlalakbay na pari.
Biglang may lumapir saaming batang babae na may dalang dalawang pana at sibat.
"Mga ginoo, sa tingin ko ay magagamit niyo ito laban sa kanila", ang sabi ng bata. Boses daga yung batang babae. What I mean is, sobrang liit ng boses niya! Ang cuuuute!
"Salamat", ang sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Totoo nga po ang sabi nila! Ang gwapo niyo sa malapitan!", ang sabi ng batang babae at nag-giggle. Natawa naman sakin si V.
"Bakit di ka pa tulog? Gabi na. Baka nag-aalala na sayo ang mga magulang mo", ang sabi naman ni V at nginitian yung batang babae.
"Hihi. Ikaw din po! Ang gwapo mo rin poooo! Ang swerte ko! Dalawang pogi nasa harapan kooo! At, hindi naman po sakin nag-alala ang mga magulang ko"
Nagkatinginan kami ni V. Hindi daw sa kanya nag-aalala magulang niya?
"Bakit naman?", ang tanong ko sa kanya.
"Dahil sila mismo ang nagsugo sakin na pumunta dito para tulungan kayo!"
Tumalon-talon pa ang batang babae habang umiikot. Naweweirduhan na ako ah.
"Tulungan kami? Eh ang liit mo eh", ang sabi naman sa kanya ni V. Tumayo kami ni V at natawa ako ng sobra. Nasa kalagitnaan lang ng tuhod namin ang batang babae! *insert super duper LOL here*
"Tingnan lang natin. Hwag niyo maliitin ang maliit!", ang sabi ulit ng batang babae.
"Teka, anong pangalan mo?"
"Ahh. Biggie po"

BINABASA MO ANG
Magic Academy
FantasíaNot all things are real. Not all things existed. BUT, not all things are imaginations. Dati, alam ko na hindi yun totoo. Dati, natatawa ako sa mga bata na panay kwento saakin about Magic. I find it childish kasi kung maniniwala ka. Magic do existed...