Epilogue

18.2K 405 34
                                    

"Amethyst, pwede mo nang imulat ang mga mata mo", ang sabi sakin ni Icelle. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Ang ganda koo! Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Dahil ngayon ang debut ko!

Nakasuot ako ngayon ng damit nagawa sa ginto at napapalibutan ng dyamante. Nakasuot rin ako ng gintong korona.

Napangiti na lang ako bigla.

Lahat ng mga makapangyarihang tao ay imbitado. Lahat ng mga taga Magic Councils. Ang saya-saya ko.

"Amethyst, pwede ka na lumabas ng kwarto mo", ang sabi sakin ni Mindy. Dahan-dahan akong bumaba sa spiral staircase. Lahat sila nakangiti at manghang-mangha saakin.

Pagkababa ko, lahat sila nagpalakpakan. At isang kamay ng isang espesyal na tao ang nakalahad sa harapan ko.

"Can you be my lady for tonight?", ang tanong niya sakin. Tumango naman ako. Pero imbes na tanggapin ang kamay niya, niyakap ko siya ng mahigpit. Lahat ng bisita namin ay sumasayaw, at yung iba naman ay kumakain. Kaya walang makakahalata sa ginawa kong pagyakap sa kanya.

"Halatang di mo ako namiss ah!", ang biro niya pa sakin. Pinalo ko naman ang likod niya.

"San ka ba kasi galing? Pinaniwala mo kami na patay ka na", ang sabi ko habang umiiyak.

"Sorry na. Na-coma lang ako. Deep sleep lang. Di pa ako namatay. Tae kayo", ang sabi niya naman sakin at inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Nabigla ako nang bigla niya akong halikan sa labi.

"Adik ka sa kiss ah", ang biro ko sa kanya

"Ganyan kita kamahal Amethyst", ang sabi niya ulit sakin at hinalikan ulit ako. Lumapit ako at bumulong sa tenga niya. "Mas mahal kita Chance", ang sabi ko at hinalikan ko rin siya.

Hinila niya ako palabas ng palasyo. Kaya ngayon, nasa labas na kami.

"Ang dilim Chance", ang sabi ko. Pero patuloy pa rin kaming naglalakad. Huminto siya ng nasa tapat kami ng Maze.

"Papasok tayo dyan?", ang tanong ko. Tumango naman siya. Pakatapos ng ilang minuto, nasa center na kami ng maze. Walang kailaw-ilaw, kaya hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Chance.

"I love you Amethyst. Will you be my girl?"

Biglang umilaw ang center ng maze. Napuno ito ng iba't-ibang kulay. May mga umaaligid-aligid na mga makukulay na paru-paro. May mga fairies na may dalang koronang bulaklak ang pumunta sakin at nilagay iyon sa ulo ko. Tumingin ako sa baba, nakita kong nakaluhod si Chance.

"Ano ba! Tumayo ka nga dyan! Mangangalay ka pa. Alam mo namang 'yes' ang sagot ko!"

Nakita ko siyang ngumiti na abot hanggang tenga. At bigla niya akong binuhat in Bridal style.

"I love you Amethyst", ang sabi niya sakin at hinalikan ulit ako.

This time, mas matagal ang halik na binigay namin sa isa't-isa. Mas nararamdaman ko ang pagmamahal niya sakin. Tumigil siya, kaya napatigil din naman ako.

At pagtingala ko, may nakita kong Firework Display.

Kami ni Chance na magkayakap.

"I love you too Chance", ang sabi ko at niyakap siya.

Hinalikan niya ulit ako. "Balik na tayo sa party mo", ang sabi niya at tumakbo palabas ng maze. Take note, buhat niya pa ako in Bridal style.

Nang nakarating na kami sa party, binaba na ako ni Chance. Sinalubong naman ako nina Mindy, Kimrae at Icelle.

"It's time for the sayawan!"

Biglang nag-play ang music. Waltz. Biglang may nagliparanv mga paru-paro, at nagkaroom ng maraming kulay. Lumapit saakin si Zeus at binigyan ako ng pulang rosas. "Can we dance?", ngumiti lang ako sa kanya.

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon