Mindy's Special Chapter (Part One)

14.3K 334 10
                                    

Loner.

Silent.

Nerd.

Walang kwenta.

Iyan lahat ang mga sinasabi saakin ng mga kaklase ko.

NOON.

Pero hanggang ngayon, nararamdaman ko pa.

Nararamdaman ko pa ang mga bulyaw at kantyaw saakin ng mga taong sumira at tumuro sa buhay ko.

I am Mindy Hannalin Forester, and welcome sa mundo ng mga nerd.

Before 7 years...

"Mindy! Bilis na!", ang sabi saakin ng aking dyosang bestfriend, si Charmaine.

Agad ko ng isinuot ang eyeglass at beret cap ko.

"Halika na!", ang sabi ko kay Charmaine.

Bumaba na kami sa hagdan ng bahay namin. Nagpaalam na ako kay papa at mama.

Lumabas na kami ng bahay at pumunta sa may waiting shade.

Kinuha ni Charmaine ang phone niya at nagtext.

"Sino na naman yan?", tanong ko sa kanya.

"Ugh,,, someone", then tinago niya na yung phone niya.

"Crush mo siguro noh? O baka naman boyfriend mo?", tanong ko sa kanya.

"Boyfriend mo diyan? Si kuya toh!", ang sagot naman saakin ni Charmaine.

May dumaang bus at sumakay na kami doon.

(fast forward)

Nakarating na kami sa school. Pinagtitinginan nga kami ng mga estudyante.

Kasi nga, si Charmaine, campus crush. Famous, popular. Maganda, sexy, at flawless. Chix na chix, at cheerleader ng school namin.

Samantalang ako, nerd. Hindi maganda, laging mag-isa, at hindi sikat. Oo, matalino ako. Pero hanggang doon lang. Hanggang sa matalino.

Marami nga ang nagtataka kung bakit magbestfriend kami ni Charmaine eh.

"Ay buhay na palaka!", napasigaw ako. Kasi naman, bigla akong tinapik ni Charmaine sa braso.

"Sa ganda kong to, mukhang palaka? Ugh, nevermind. Parang malalim iniisip mo ah?", patuloy kaming naglakad.

"Wala akong iniisip", ang matipid kong sagot.

Bigla niya akong kinurot.

"Bestfriend kita, kaya kilala kita. Hwag ka na magdeny"

"Kasi nagtataka ako"

"Saan?"

"Sa friendship natin. Kasi ikaw, campus crush. Lahat ng boys, pinapantasyahan ka. Samantalang ako---"

"Maganda ka Mindy. Matalino ka, at mabait ka. Kaya lang, hindi nila napapansin iyon"

Nagsmile si Charmaine.

Tiningnan ko siya.

"Alam mo, kahit anong sabihin nila, hindi magbabago ang pagtingin ko sa bestfriend ko", ang sabi sakin ni Charmaine.

"Thank you, ha?"

Hinug ko siya. Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko.

Nakarating na kami sa room.

Lahat ng mga classmates namin, nag-greet kay Charmaine ng good morning. Sakin, ni isa, wala.

Umupo na ako sa pinakahulihan. Para, iwas gulo.

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon