"Hello, I'm Amethyst Charandelle, 17 years old, and I hope we can be friends", bumalik na ako sa upuan ko. Tumabi ako kina Mindy and Kimrae dahil feeling ko safe ako sa tabi nila. Kesa naman sa iba pa ako makitabi eh di baka sabihin nila FC pa ako.
"So Miss Charandelle, may mga clue ka na ba sa mga possible magic mo?", tanong sakin ni Sir Lex. Umiling-iling ako.
"Well then, sino ang pumasok sayo sa school na to?", tanong ulit sakin ni Sir.
"My grandmother sir. Sabi nila, nasa lineage na daw po namin ang magkaroon ng extraordinary powers na wala ang normal na tao", sagot ko. Tumango naman si Sir.
Biglang bumukas ang pinto at nakita namin si Icelle na pumasok sa room. Ang ganda niya pa rin, parang wala namang pinagbago. Pero mapula ang mata niya, halatang galing palang sa pagkakaiyak.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok naman si Chance. Blank ang mukha niya kaya di ko madetermine kung ano ang nararamdaman niya. Umupo siya sa pinakadulo. Tinabihan naman siya ni Icelle.
"Late again Miss Chu and Mister Fortune?",
"Sorry Sir", sagot ni Icelle. Paos ang boses niya at parang nagbebreak.
Nakita ko na tinitingnan ako ng masama ni Icelle. Her jaw is clenched. Biglang nanlaki ang mata ko nang sinugod ako ni Icelle at sinapak ng napakalakas.
Lahat kami nabigla sa ginawa ni Icelle sakin. I was so shocked. What the hell is her problem?!
"What's your problem?!", I stood up and I faced her. First day na first day ko sa school na to pero naiimbyerna na ako!
"My problem?! ANG PROBLEMA KO LANG NAMAN AY ANG ISANG KATULAD MO ANG GIRLFRIREND NI CHANCE!"
Napasinghap ang mga nakarinig. They threw judgmental look on me.
"Oh? See? Malandi ka di ba? First day mo pa lang, boyfriend mo na siya. Bitch", sasampalin niya ulit sana ako nahuli ni Mindy ang kamay ni Icelle.
"Hwag mong sasabihang malandi si Amethyst. Kasi sa simula pa lang, alam nating lahat na ikaw ang original at ikaw lang ang merong title na "Chase and Stalk Queen". Lagi mong hinahabol-habol si chance kahit halata naman na ayaw niya sayo!", sigaw ni Kimrae. binitawan naman ni Mindy ang kamay ni Icelle.
"Girls, stop", tumahimik kami nang nagsalita si Sir Lex. Halaaaaaa. Nandito nga pala sa harap namin si Sir. Echos!
"Because of what you've done, I will punish you. Mindy, Amethyst, Kimrae and Icelle. Also, ikaw din Chance because you are the cause of this chaos. . Now, get out of this room and pumunta kayo sa Guidance Office. NOW!"
Agad kong kinuha ang gamit ko at umalis na sa room. NAKAKAIMBYERNA! AKO NA NGA TONG NASAPAK AT NAPAHIYA AKO PA TONG MAPAPAGUIDANCE! CHAROT!
Naglakad kaminh mabilis nina Kimrae and Mindy. Fckshit talaga! Nasa likod naman namin yung dalawa.
Nagstop kami nang nakakakita kami nang may dalawang nag-aaway. Isang lalakeng kamukha ni Chance at isang lalakeng moreno.
"V! STOP IT JERK!", tinulak ni Chance yung kamukha niya papalayo dun sa kaaway. "Ano na naman tong kagag*hang ginagawa mo V?! Are you insane?!"
Nagulat ako nang umiyak si Kimrae. Tiningnan namam nung kamukha ni Chance siya.
"Kimrae...", sabi nung lalake. Linapitan nung lalake si Kimrae at yayakapin sana pero tinulak siya ni Kimrae.
"Kelan mo ba balak tumigil? Please V! I'm so tired! Let's end our relationship and don't ever talk to me again", Kimrae said at tumakbo papalayo. Hinabol namin siya ni Mindy.
***
"Yun nga eh. Mahal ko naman talaga si V at ayaw ko siya hiwalayan. But this is too much. Lagi na lang siya nasasangkot sa gulo. Lagi niyang inaapi ang mga taong wala naman sa kanyang ginagawang masama! He's a rebel, a gangster but he's my boyfriend!"
Umiiyak ngayon si Kimrae. Umiiyak sya dahil boyfriend nya pala si V. Umiiyak sya dahil basagulero ang boyfriend nya.
"But if you truly love him, kailangan mo sya tanggapin kahit ganyan ang ugali nya", ang sabi ni Mindy.
Tumayo si Kimrae at pinunasan ang luha nya. "Oo. Tanggap ko naman sya dahil mahal na mahal ko sya. But this is too much!", biglang tinapon ni Kimrae ang wand nya. Nagsilabasan ang red sparks mula sa dulo nito at lumutang sa ere. Hinablot yun ni Kimrae at bigla nyang hinati sa dalawa.
"Bakit mo sinira wand mo?!", singhap ko.
"Ayoko na! Aalis na ako sa Magic Academy! Aalis na ako dito! Mas ok na sa mundo ng mga normal na tao dahil walang V. Walang V na magpapaiyak sakin!", tumakbo papalayo si Kimrae.
"I think we need to do something", sabi ni Mindy. Tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
Magic Academy
FantasiNot all things are real. Not all things existed. BUT, not all things are imaginations. Dati, alam ko na hindi yun totoo. Dati, natatawa ako sa mga bata na panay kwento saakin about Magic. I find it childish kasi kung maniniwala ka. Magic do existed...