Final Decision

8.3K 234 30
                                    

Chance's POV

-2 days after-

Dalawang araw na kami nglalakbay papuntang portal.

Naglakbay na kami papunta sa harap ng portal. Buo na ang decision namin ni V.

"Araay!"

Napalingon ako sa likod ko. Nakahalupasay si V sa buhangin.

"Hindi ko na kaya Chance. Pagod na pagod na ako"

Tinulungan ko syang makatayo. Naramdaman kong nanghihina siya. Hindi siya makatayo ng maayos. Kaya pinaupo ko siya sa isang malaking bato.

"Nanghihina ako Chance. Nanlalambot ang mga buto ko"

Hinawakan ko ang noo niya. Ang init niya.

"Nilalamig ako Chance"

Nakita kong nanginig ang katawan niya. Mainit siya pero nanlalamig siya? May sakit si V. :(

"O heto. Isuot mo muna", ang sabi ko at inalis ang coat ko at sinuot ko sa kanya.

"Pano ka?"

"V, kaya ko to. Hinding-hindi ako manlalamig dahil may apoy ako sa katawan ko"

Kinuha ko ang PMM at inutusan na bigyan ako ng gamot at chicken soup. Pinakain ko muna si V ng chicken soup at pagkatapos naman ang gamot.

Pinunasan ko siya and tiningnan ang temperatura nya. 39° .

"V, kaya mo pa?"

"O-oo"

Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Agad kong inalalayan si V at sumilong kami sa isang maliit na kweba.

"Hindi tayo pwedeng magpalipas ng gabi dito V. Maaring magkaron ng baha"

"E-eh, san tayo m-magpapalipas?"

Hinawakan ko ulit ang noo niya. Talagang mainit pa. Pero nilalamig pa rin siya.

"Maghahanap ako V. Dito ka lang"

"Iiwan mo ako?"

Tiningnan ko si V. Nagmamakaawa ang mga mata niya. Natatakot ako. Dahil nung bata pa kami, muntik nang mamatay si V dahil sa sakit. At ayaw ko iyon mangyari ulit.

"Chance, sige na. Maghanap ka na ng matutuluyan natin. A-yos lang ako *cough cough cough*"

"V, hindi ka ayos. Nabasa ka pa dahil sa ulan. Teka lang. Gagawa ako ng apoy para ma-dry ang mga damit mo"

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon