2nd Apparition

7.7K 260 8
                                    

Amethyts's POV

"Sorry Amethyst"

Sige, oo na! Ako na ang masama! Ako na tong tanga! Ako na yung walang alam! Akala ko talaga, they treat me as their friend! Oo, alam ko ang matindi nilang pinag-daanan sa paghahanap sakin! Pero alam ko sa sarili ko na AKO ANG MAS NAHIRAPAN! Ako to ang nawalay sa kanila. Ako yung naiwan. Ako yung mag-isa.

Okay lang sana gawin ang isang pagsubok kapag may kasama ka di ba? Pero ang problema, wala akong kasama. AKO LANG AT AKO. Yung party na dinaos sa Academy, yung battle namin ni Elika, ang pagpapahirap niya sakin! Ang paglihim sakin ni Rielu at Lance! Di ba ang hirap ng kalagayan ko?!

Pero ang mas masaklap pa, CHARM COMMANDER AKO NA WALANG KWENTA. Simula nang nalaman ko na may ganoon akong kapangyarihan, nagsimula na dumating ang mga pagpapahirap sakin! Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko sila na mahimbing na natutulog.

Tumayo ako at pumunta sa katabi ng door. May intercom doon dahil doon kami kinakausap nina Rielu. In-on ko iyon.

[Oh? OH MY GOSH! Amethyst?! Bakit ka napatawag?]

"Rielu... Gusto kitang kausapin"

***

Nandito ako sa loob ng kwarto ni Rielu at
Lance. Inalis na niya ang mga gapos sa kamay ko.

"Gusto ko lang sana malaman kung bakit niyo ako kinidnap. Gusto ko malaman kung bakit, para naman matapos na ang gulong ito"

Lumapit saakin si Lance.

"Amethyst, sigurado ka ba?"

"Oo. At pakatapos kong gawin ang gusto niyo, pakawalan niyo na ang mga kaibigan ko. Ibalik niyo na sila sa Magic Academy"

"Sige,gagawin namin ang nais mong mangyari. Pero, sana hwag kang magsisisi sa gagawin namin", ang sagot naman ni Rielu.

"Alam mo kung bakit ka namin kinuha? Dahil may habol kami sayo. Isa kang Magix. At hindi lang basta basta Magix. Isa kang Charm Commander. Nasaiyo na ang lahat ng klase ng kapangyarihan. At naisip ko, na bigyan mo naman ako ng kalahati ng kapangyarihan mo"

"Bibigyan? Kalahati? Ng kapangyarihan ko?"

"Oo Amethyst. Bibigyan mo ako ng kalahati ng kapangyarihan mo. At bakit naman? Dahil hindi mo naman iyon nagagamit di ba? Hindi pa tapos ang pagsasanay mo. Kaya, ibibigay mo iyon sakin para naman makinabang ang ibang tao sa kakayahan mo"

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon