Kabanata 9

2.6K 238 205
                                    

"NANLILIGAW ka na ba rito sa anak ko, Balti?" tanong ng ina niya habang kumakain sila ng dinner.

Balti smiled. He was sitting across her kaya nakikita niya ang pa showbiz na mukha ni Balti. 'Yan, kung anu-ano kasi mga sinasabi.

"Huwag ka maniwala riyan, Ma," singit pa niya. "Parang 'di ka sanay sa mga biro niyan."

"Ate, sinabi niyang pakakasalan ka niya," giit pa ni Kath.

"Napapadalas ka rito, Balti. Sigurado ka bang 'di ka talaga manliligaw sa anak ko?"

Kung pwede lang mag-face-palm sa harap ng pagkain ay ginawa na niya.

"Kuya Balti, 'di ba papakasalan mo si Ate Niña ko? Sinabi mo 'yon e."

He chuckled, "Tinanong mo kung totropahin ko o jojowain ang Ate Niña mo. Sinagot kita ng pakakasalan because it's true. She is the kind of woman that everyone would wish to marry. Hindi ba, Tita Carol?"

Ngumiti ang ina niya. "Kaso wala ngang gustong magpakasal diyan."

Tawang-tawa si Kath. "Tita, kaya nga nandiyan si Kuya Balti e." Inilahad nito ang dalawang kamay kay Balti na tila ba nag-pe-present ng product sa mga potential costumer. Magkatabi kasi ang dalawa. Nasa kabisera nakaupo si Mama. "Si Kuya Balti ang sagot ng ating mga dasal. Willing naman siya e. 'Di ba, Kuya?"

Tinignan siya ni Balti. Halatang may pinapahiwatig. Lalo na ang ngiti. Gusto niya ito saksakin ng tinidor nang mga oras na 'yon.

"Huwag n'yo na lang i-pressure si Niña. Kakauwi pa lang niyan ng Cebu ipapakasal n'yo agad," ni Balti.

"She's 26 na kaya," insist pa rin ni Kath.

"Sa September pa!" she corrected. "Masyado kang advance. Twenty-five pa lang ako."

"Ilang months na lang kaya, 2 months."

"Nagmamadali ka ba?"

"Tama na 'yan, Kath," saway na ni Mama. "Hayaan mo na 'yang Ate Niña mo. Matanda na 'yan. Hintayin mo na lang magpakasal 'yan. E, ikaw naman Balti, hindi ka ba kinukulit ni Bea na magpakasal. Ilang taon ka na nga?"

"Thirty-one, Tita. Saka dadating naman 'yan kung gagalaw ako," tumawa ito pagkatapos. Parang may pinapahiwatig na naman.

"Nag-uusap kami ni Bea. Tinatakasan mo raw mga babaeng pinapakilala niya sa'yo. Sabi ko naman e. Kung panay takas ang anak niya e ang akin naman ay walang-wala."

"Maaaa!"

Tawang-tawa ang tatlo.

"Nawalan na nga akong pag-asa. Hayaan ko na lang 'yang si Niña."

"Ah basta ako, Tita, ship ko talaga ang BalNin," ni Kath. "Walang tataob sa barko ko. Kapag 'di kayo nagkatuluyan at nag-aminan. 'Di na ako mag-aasawa."

"Gage!"

Ngumisi ito. "Kaya para makapag-asawa ako. Iluluhod ko ng dasal ang BalNin sa Sto. Niño tuwing Bernes."

"Huwag kang magbitaw ng pangako na hindi mo tutuparin," aniya.

"Huwag kang mag-aalala, Ate Nins. Maaga naman nagsisimba sa Sto. Niño si Tita. Sasabay na ako bago ako pumuntang school. Importante ang makapaglayag ang aking barko."

"Ikaw, puro ka kalokohan. Mag-focus ka nga sa pag-aaral mo."

Pansin niya namang nag-e-enjoy lang si Balti sa palitan ng usapan. Pero ang mas lalong nakakuha ng atensyon niya ay ang pasimpleng pag-aasikaso nito sa mama niya. Habang nagtatalo sila ni Kath ay nahuhuli niyang dinadagdagan nito ng tubig ang baso ng mama niya saka tinatanong kung gusto pa nito ng ibang putahe na nakahain sa mesa.

FDA 3: SPELL LOVE - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon