NAPALINGON siya sa pinto nang marining ang sunod-sunod at malalakas na katok doon. "Iesus! Iesus, buksan mo 'to." Nasa bahay sila ni Iesus. Sumama lang siya kay Balti para kumustahin din si Amora. But he's with Iesus right now. Nasa library ang dalawa.
"Teka lang!" sigaw ni Amora mula sa kusina.
"Ako na!" Naglakad na siya sa direksyon ng pinto at binuksan 'yon. "Thad?" Namilog ang mga mata niya. Pawisan ang mukha nito at humahangos. Nasilip niya ang babae sa likod nito. Hindi niya kilala ang babae. But her uniform was familiar to her. Alam niya kung saang university 'yon.
Itinakbo ba ni Thad ang babae hanggang dito?
"Where's Iesus –" Lumunok si Thad, still catching his breath. "I... I need to talk to him."
"Nag-uusap pa sila ni Balti." Nilakihan niya ang bukas ng pinto. "Pasok muna kayo." Nasundan niya hanggang sa pagpasok ng dalawa sa loob. Hawak ni Thad ang pupulsuhan ng babae.
Hindi niya maiwasang mapaisip.
The woman looked younger. Sa tingin niya ay mas bata pa ito sa kanya. Pero napakaamo ng mukha nito. Ni walang bahid ng kung anong makeup. At napakaganda. Mas matangkad lang ito sa kanya nang kaunti at may mahaba at napakagandang kulay tsokolate na buhok.
"Sus!" sigaw ni Thad. "Iesus, lumabas ka!"
It was Amora who showed up from the kitchen. "Sir Thad!" Napatingin ito sa kanya. Tila naghahanap ng sagot sa mukha niya. She shrugged her shoulders. Wala rin din talaga siyang alam.
"Amora, call Sus. I need his help."
"Help?" It was Iesus. Nakasunod dito si Balti. Parehong may pagtataka sa mukha ng dalawa. "Thad, anong problema?" Lumagpas ang tingin nito sa babae. "And who is she?"
Nagtago sa likod ni Thad ang babae.
"I don't know what happened... I don't even understand how it happened... I'm so confused right now."
"Thad, calm down," Balti soothed. "We're listening. Go on."
"I was at the lighthouse. And then I saw this little boy... pumasok siya sa bukas na pinto ng parola. I followed him at baka anong mangyari sa kanya sa loob. It happened so fast. I didn't see the boy again. Everything was so dark. Nang bumukas ang pinto ulit ay nasa ibang timeline na ako. Ten or more years back. I'm not sure... then I saw Sanna."
Sanna?
Napatingin siya sa babae. Familiar. Parang narinig na niya ang pangalan na 'yon from Mari. Hindi nga lang niya talaga matandaan.
"Sanna?" ulit ni Iesus, naka focus na ngayon ang tingin sa babaeng nasa likod ni Thad. "You mean, her? She's Sanna."
Tumango si Thad.
Namilog ang mga mat ani Balti. "Huwag mong sabihing –"
"Yes, Sanna is not from the present." Bumasag sa ilang segundong katahimikan ang singhap ni Amora. Silang apat talaga ay parehong nagulat. "She's from the past..."
BINABASA MO ANG
FDA 3: SPELL LOVE - COMPLETE
ParanormalBARTHOLOMEW JUAREZ, a genius multilingual kindergarten teacher adorably loved by kids. A certified bookworm, human CCTV, and the BEST best friend and brother everyone could have. But behind Balti's smile and laugh is a man who couldn't face the demo...