KUMUNOT ang noo niya nang paglabas niya nang paglabas niya ng banyo ay biglang tumunog ang cell phone niya. Tinapos niya ang pag-wrap nang maayos ng towel sa basang buhok saka kinuha ang cell phone sa itaas ng sofa bed. Pagtingin niya ay tumatawag ang mama niya. Napakamot siya sa noo sabay sagot dito.
"O, Ma, napatawag ka?"
"Anong nakain ni Balti at madaling araw tumawag na sa'kin?" Lalong kumunot ang noo niya. Bakit tatawag si Balti sa nanay niya ng ganoon kaaga? "Aba'y, nagising ako nang wala sa oras nang sabihin niyang manliligaw raw siya sa'yo at sana pumayag ako –"
Inihit siya ng ubo. "Ha?!" Nahagod niya ang lalamunan. "S – Sinabi niya 'yon?" Gage! Anong trip nitong si Balti? Akala niya secret muna? Baka buong Faro alam na rin 'yang secret nito.
"Niña Rosella, 'yong totoo, anong relasyon n'yo ni Balti –"
Hindi na niya narinig ang mga kasunod na sinabi ng ina nang makarinig siya ng ingay mula sa labas. Bukas ang floor to ceiling glass window sa kwarto nila ni Maha. Pero mukhang 'di naman sa bandang doon nanggagaling ang ingay.
"Niña? Hello? Niña, nandiyan ka pa rin ba?"
"Niña, yuhooo!" sigaw mula sa labas. Tunog galing sa megaphone o microphone. She's not sure. "Kung naririnig mo ako. Pakigalaw ang baso – este – lumabas ka sa terrace sa second floor!" Boses 'yon ni Balti at mukhang may mga kasama pa ito. May naririnig siyang strum ng guitar at tunog ng drums.
"Niña –"
"Ma, wait, tawagan kita mamaya. Kausapin ko lang si Bartolome. Baka lasing lang 'yon nang tawagan ka niya."
"Mukha naman siyang matino."
Mukha lang!
"Sige, Ma, tawag ulit ako, bye."
End call.
Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang terrace sa second floor. Paharap 'yon sa front garden ng bahay. Nakasalubong pa niya si Maha na kakaakyat lang.
"Anong pa uso na naman niyang si Kuya? Jollibee ba siya? Laging bida ng saya?"
Sumabay ito sa kanya sa terrace. To her shock ay ganoon na rin lang talaga ang pamimilog ng mga mata niya nang makita sa baba ang grupo nila Balti na naka barong at slacks pa na tiniklop hanggang mga tuhod. Naka tsinelas pa ang apat.
Balti was standing in front – specifically in the middle. May hawak pang Bluetooth microphone. On his right, si Jude na siyang may hawak ng gitara. On his left, Tor na may hawak ng dalawang malalaking green eco bag na may lamang grocery. Ito lang din ang nakasuot ng salakot sa ulo. Pero mukhang napilitan lang. Ni walang ka ngiti-ngiti. Si Simon ang nasa likod, nakaupo sa likod ng drum set at may pulang bandana sa ulo.
Paanong na set up ng mga ito ang mga 'yon nang 'di niya napapansin? O napansin na niya 'di niya lang pinagtuonan ng pake? Nakalabas din ang isa sa mga speakers sa bahay ni Balti. Connected yata lahat ng sounds doon sa speaker.
Natatawa siya na ewan.
"Good morning, Ninin!" sigaw ni Balti mula sa mic, smiling so brightly. "Alam ko na maganda na ang araw mo. Nakita mo na ako e –" Natawa siya.
Binatukan ito ni Tor. "Hihirit ka pa e." Tawa lang ito nang tawa. Napailing-iling na lamang sila Jude at Simon na nagpipigil ng tawa sa kakornihan ni Balti.
"Korni mo, Ser!" tudyo pa nila Math at Sep na nasa labas ng bakod.
Kasama ng mga ito ang magpipinsan na sila Vier, Iesus, at Chi. Kasama rin si Thad na nakahalukipkip lang na nag-aabang. May mga kapitbahay rin na napahinto para makiusyuso. Nakasilip din mula sa kabilang bakod sila Aurea at Nanay Lourdes. Karga-karga ni Au si Aurora.
BINABASA MO ANG
FDA 3: SPELL LOVE - COMPLETE
ParanormalBARTHOLOMEW JUAREZ, a genius multilingual kindergarten teacher adorably loved by kids. A certified bookworm, human CCTV, and the BEST best friend and brother everyone could have. But behind Balti's smile and laugh is a man who couldn't face the demo...