Kabanata 55

2K 211 148
                                    

"KUYA?"

Naiangat ni Nathanael ang ulo mula sa pagkakayupyop sa kanyang mga nakatiklop na mga binti. Nakahilig ang likod niya sa puno ng igos. Kuya? Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Maha. Nakasunod dito ang mga magulang nito. Naigala niya ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung ilang araw na siya roon. Taon? Dekada? Hindi siya makaalis sa lugar na 'yon. Lalo na sa punong 'yon.

Ibinalik niya ang tingin sa mga ito.

"Anong ginagawa n'yo rito?"

"Kuya," nguso nito na parang bata, "'di mo lang ba kami na miss?" Bahagya siyang natigilan dahil ngayon niya lang napansin na may hawig ang babae kay Marta. Lalo na kung ngumunguso sa inis.

"Hindi ako ang kuya mo."

"Balti –" tawag sa kanya ng ama ni Balti.

"Hindi ako ang anak ninyo."

"You are our son." Lumapit ang tatlo sa kanya. "You have always been our son." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya. Isang malapad na ngiti ang nakita niya rito. "Nathanael, Hanael, Bartholomew, o Balti man 'yan. Ikaw pa rin ang anak namin."

"Anak," mainit ang ngiti ng ina ni Balti sa kanya. Ito mismo ang yumakap sa kanya para makatayo. "It's okay. We're here."

Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pamilyaridad sa yakap ng ginang. Tila yakap 'yon ng kanyang inang si Blanca. Hindi niya napigilan ang ibalik ang yakap nito. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang nanikip ang dibdib niya. Magkasingbango sila ng kanyang ina.

"Patawarin mo kami kung maaga ka naming iniwan. Hindi namin 'yon ginusto." Napakurap siya nang kumalas ito ay hilam na ng mga luha ang mga mata. Ikinulong nito ang mga kamay ang kanyang mukha. "You've been through a lot... and it's okay to stop. Tumigil na tayo, anak. Magpahinga ka na. Ipahinga mo na ang galit mo sa kanila. Matagal na 'yong lumipas. Magsimula na tayong lahat uli."

"H-Hindi ko kayo maintindihan..."

"Kuya," hilam na rin ng mga luha si Maha, "buhay kami. Kasama mo pa rin kami. Hindi man noon pero ngayon kasama mo kami."

Inabot sa kanya ng ama ni Balti ang isang lumang larawan. Binitiwan siya ng ginang at binigyan ng ispasyo para matignan ang larawan.

"It took a lot of years, Hanael, but we're here now."

Nang kumurap siya ay agad na tumulo ang mga luha niya. Larawan 'yon ni Balti at ang pamilya nito noong sampung taong gulang ito. Lumakas ang iyak niya at lalong yumugyog ang mga balikat niya nang makitang kamukhang-kamukha ni Maha si Marta sa larawan na iyon.

"I-Ikaw 'to?" Baling niya kay Maha sabay turo sa batang babae sa larawan. Umiiyak na tumango ito. "I-Ikaw si Marta? Ikaw ang kapatid ko? B-Buhay ka?" Lalong naninikip ang dibdib niya. Tinitigan niya nang mabuti si Maha. Lalo lamang siyang naiyak. Paanong hindi niya napansin ang pagkakahawig nito kay Marta?

"It's not your fault, Kuya." Inabot nito ang kanyang kamay. Nakangiti ito sa kanya habang hilam pa rin ng mga luha. "Hindi mo kasalanan ang nangyari. You did your best to protect me. You saved me. And even now, you have always been the best brother to me."

Ibinaling niya ang tingin sa mga magulang ni Balti na matandang bersyon ng kanyang mga magulang. Kung ganoon, nabuhay ulit ang pamilya niya at kasama niya bilang Bartholomew. Pinatawad siya ng Dios sa lahat ng mga pagkakamali niya at binigyan ng pagkakataon na itama lahat ng mga pagkakamali niya noon.

Sa katotohanang 'yon ay mas lalo lamang naghirap ang kalooban niya. Lalo lamang siyang napaluha. Karapatdapat pa rin ba siya sa pagkakataon na 'yon? Sa dami ng ginawan niya ng masama. Dahil sa matinding galit na hinayaan niyang manahan sa puso niya ay nagawa niyang sunugin ang bayan nila. Tinapos niya ang mga buhay ng mga tao sa palasyo. Lalong yumugyog ang mga balikat niya. Napakasama niyang tao.

FDA 3: SPELL LOVE - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon