"YOU were a mess earlier, Bartholomew," agad na salubong ng ina as soon as he entered the Juarez house. Tinawanan lang niya ito saka niyakap at hinalikan sa pisngi. "Don't try to sway me. I'm still mad at you."
"Hindi na mauulit," he chuckled. Iniangat niya ang box ng dala niyang cake. "I bought your favorite red velvet cake." This time ngumiti na ang mama niya.
"Sipsip talaga nito!" ingos ni Maha na kakababa lang mula sa hagdan.
"My favorite son!" Lumabas mula sa kusina ang ama niya na may malaking ngiti. Suot pa rin nito ang brown na apron. "Masaya talaga ang bahay na 'to kapag kompleto tayo." His father hugged him and playfully patted his back.
"Pa, isa lang naman anak n'yong lalaki," kontra na naman ni Maha.
Ibinaling niya ang mukha sa kapatid pagkatapos kumalas sa pagkakayakap ng ama. "Alam mo Maharlika, kung wala ka ring sasabihing maganda tahiin mo na lang bibig mo. Masaya na kaming tatlo."
Umawang ang bibig nito. "Paaa!" baling nito sa ama nila. "'Di ba, I'm your favorite daughter? Defend me from those evil spirits!" Dali-dali itong yumakap sa braso ng ama nila. Tawang-tawa siya. Parang bata! Edad lang tumanda sa 'sang 'to pero ang maturity pang kindergarten pa rin. "Ako lang ang prinsesa n'yo 'di ba? Pa, darating 'yong order ko sa Lazada bukas. Pahiram muna pera pambayad."
"Syempre naman, anak, ikaw lang kaya ang prinsesa ko –"
"Ahem!" Mama cleared her throat.
"Pero Mama mo ang reyna," biglang bawi ni Papa.
Humagalpak siyang tawa.
"Papa naman e!"
"Magtigil ka Maharlika!" ni Mama. "Puro ka gastos. Mag-asawa ka at 'yong asawa mo gumastos para sa'yo."
"E wala nga 'yang boyfriend," ni Papa.
"Apaaaa!"
"Nandoon sa kusina, anak. May ice cream pa sa ref," sagot ni Papa.
Lalo lang umasim mukha ni Maha. "I'm so bullied in this family." Inakbayan niya ang kapatid at ginulo ang buhok. "Kuya, ano ba?! Kainis naman e!" Tinawanan niya lang ito.
"Huwag ka muna mag-asawa hanggat hindi ka tumitino," aniya rito. "Kawawa ang asawa mo sa'yo. Tatanda nang maaga."
"Nga pala, Balti, wala ka namang gagawin sa Sabado," ng Mama niya.
"Hindi ka sigurado roon, Ma."
"Ah basta! Half day ka lang naman sa school madalas kapag Sabado. Dinner naman 'to."
Tinulak siya ni Maha at napangiwi siya hindi dahil sa pagtulak ng demonyita niyang kapatid kundi dahil in-schedule na naman siya ni Beatrice Juarez ng date sa anak ng mga amega nito. He didn't like any of Beatrice's match-making magic. It sucks!
"Ma –"
"No buts, Balti. Ilang beses mo nang 'di sinisipot ang mga anak ng mga amega ko."
"Ay talaga?" ni Maha. "May taste ka, Ma?"
"Maharlika!"
Tawang-tawa sila ni Papa.
Ngumisi si Maha. "Ma, madala ka na. Para 'tong tanga. Hello? Kailan pa um-attend si Kuya sa mga dates na in-schedule mo for him? Luluha muna ang langit ng dugo bago mangyari 'yon. Kaya nga umuwi na ako kasi alam ko na tatandang binata 'tong favorite son n'yo." Inilapat nito ang isang kamay sa dibdib. "Ako na. Ako na, Ma. Ako na muna mag-aasawa."
"Wala ka ngang boyfriend, anak," kontra na naman ni Papa. Pigil na pigil niya ang tawa. Masakit na tuloy panga niya sa pagpipigil din ng ngiti. "Sino ba papakasalan mo? 'Yong insek na standee mo sa kwarto? Nagsasalita ba 'yon?"
BINABASA MO ANG
FDA 3: SPELL LOVE - COMPLETE
ParanormalBARTHOLOMEW JUAREZ, a genius multilingual kindergarten teacher adorably loved by kids. A certified bookworm, human CCTV, and the BEST best friend and brother everyone could have. But behind Balti's smile and laugh is a man who couldn't face the demo...