Chapter 65: Dreaming
~*~
*Hazel's POV*
I can't believe my eyes. Am I still dreaming? Am I? I hope not. Please Lord... if this is a dream, don't... don't wake me yet... please... please... don't wake me yet. "kung nananaginip ako, please, 'wag ka munang mawawala." Sabi ko sa Clash na nakatayo sa harapan ko.
"nagsasalita ka." Bulong ng Clash na nasa harapan ko. His beautifully carved eyebrows met at the middle.
"you talked." Bulong ko, my voice cracking.
"Hazel?" he moved out of the shower. Nakatitig lang siya sa akin. Nagsalita siya... totoo siya? Hindi ako... hindi ako nananaginip?
"Clash..." I stared into his dark brown eyes. Ang mga mata niyang iyon... nandito siya... nandito talaga siya?
We stood there, watching each other's eyes. Waiting for something that I don't know. His left hand suddenly found my cheeks. It felt surreal. His touch sending volts and volts of electricity through my veins. Akala ko hindi ko na iyon mararamdaman. He took a deep breath as I saw a drop of tear escape his eyes. It landed softly on my toes. I don't know what happened. He suddenly hugged me and tiny drips of water poured through my scalp. "H-honey..." Bulong niya. I was stunned. I can't move nor breath. "Honey..." Nananaginip ba ako? Sunod-sunod ang tulo ng luha ko. Di ko mapigilan. "Honey..." he sniffed my hair and I can feel the bolts of energy running through my spine. "Hazel..."
"you're here..." walang boses na sabi ko.
"oo... nandito ako." Umiiyak siya. Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso siya. Nandito talaga siya? Totoo ba 'to? "Hazel." Bigla niya akong binitawan and I can now see his crying happy face.
Nandito talaga siya... umiiyak siya sa harapan ko. "Clash!" I reached for his neck and hugged him. "goodness gracious! Nandito ka talaga!" I shrieked. Nanginginig-nginig pa ang mga kamay ko habang niyayakap ko siya ng mahigpit. His sweet sweaty scent enveloping my senses. Ayaw ko nang mawala siya... ayaw ko na siyang bitawan. Pero... sandali... I need to talk to him... kung kailangan ko man siyang kausapin, ngayon na iyon... ayaw ko na siyang mawala... "Clash! I-I'm so sorry!" sigaw ko. "sorry kung naiwan ka... I'm so sorry, sa kapabayaan ko... it's all my fault." Binitawan ko siya at tinakpan ko ang mukha ko. Paano kung magalit siya? Paano kung ayaw na pala niya sa akin? Ayaw kong makita na magalit siya... "I'm so... so... sorry. I lost... We lost him because of me..." I cried.
"hindi... hindi..." he pried my hands away and cupped my face. "sorry..." Nilapit niya ang mukha niya sa akin then he placed our foreheads together. "... kasalanan ko ang lahat. Hindi mo naman ako pipiliting makipag-divorce kung 'di mo nakita iyon... Gusto kitang hanapin noong nawala ka... pero Hazel---"
"I know... I know." Ako naman ang humawak sa jawline niya. "Alam ko na. Alam ko na ang lahat. I didn't asked for you to leave me. You're all I need, Clash. Hindi ko gagawin iyon. I won't tell you everything now, pero ikaw ang pinaka-una kong hinanap after kong ma-coma."
He suddenly stood straight up, as if he heard something wrong. "a-ano? coma?"
Tinitigan ko siya. "right... 'di mo nga pala alam."
"anong coma?"
"right after the bleeding, hindi na daw ako nagising. I was in coma for a month." Sabi ko. "my Dad... h..." I tried to push the sobs back down my throat. Kailangan kong mag-explain kay Clash, at ngayon na iyon. "He made you believe that I begged... for divorce. Pero hindi iyon totoo." Pinunasan ko yung luha ko sa pisngi. "I... I was sleeping..." umiling ako. "there's no way I can beg. When I don't want to... because I want to have my years with you, Clash."
"ibig sabihin..." he looked lost infront of me. Mukhang dina-digest niya pa lahat ng sinabi ko. A sob escaped my throat when I took in his appearance. Mukhang hindi lang ako ang nasa state of devastation noong mga nakaraang linggo.
Napalunok ako. "yes." Tumango ako sa kaniya. "hindi ko iyon gagawin... at alam ko na ang lahat. Ang lahat-lahat... ang tungkol kay Sheena... ang tungkol kina Denee at Kuya Ro... ang dahilan ng lahat... ang ginawa ni Dad... alam ko na."
Tinitigan niya ako. He smiled and pulled me into a hug. "hindi ko alam kung paano ka napunta dito...pero wala na akong pake doon. Basta nandito ka na." tumawa siya at tinignan niya ako. "I love you..."
I nibbled on my lips. I reached for his neck and kissed him on the lips. Oh my goodness gracious... akala ko hindi ko na siya mahahalikan ulit. "I love you too." Sabi ko sa kaniya and he leaned in to kiss me again. I smiled. "it's not a dream."
Umiling siya sabay tawa. "no, it's not."
"and I'm not your Lola..."
"yeah, hindi... siyempre..."
"eherm!"
Napahiwalay kaming dalawa sa biglang umubo sa likuran ko. My eyes wanted to bulged out when I saw the old lady infront of me. "Lola Sima?" sabi ko. I can't be wrong.
Ngumiti siya. "oo ako ito, Hazel."
"magkakilala kayo?" tanong ni Clash.
"kilala niyo po ako?" tanong ko naman.
"the moment I saw you in the streets with your friend, I knew it's you." Sabi niya.
"friend?" tanong ni Clash.
Hindi ko na pinansin ang tanong ni Clash. Nahihiwagaan pa rin ako na nagkita kami dito sa banyo... of all the places to see him again, sa banyo pa. Well, I don't really care... ang importante, naka-usap ko na siya... nagkaintindihan na kami... ang importante ay nakita ko na siya ulit. "I can't believe this... ibig sabihin po, si Clash itong apo ninyo na nakahanap na sa inyo?" tanong ko pa.
"oo hija..." tumawa si Lola. "and it's not Lola Sima, it's Lola Maxima." Napangiti pa ako lalo. Tumalikod na si Lola. "magbihis nga kayong dalawa... kakain tayo sa labas." Lumabas na rin si Lola.
Napatingin ako kay Clash. "you... magdamit ka na." Sabi ko sa kaniya.
"ikaw ang dapat magdamit..." sabi niya. Tumatawang lumapit si Clash sa cabinet niya. I slowly peeked down at my body. I'm wearing an open robe. Kita yung itim kong bra at underwear.
"Clash! How could you---" humarap ako sa kaniya. If this is not a dream... ibig sabihin ang panaginip ko... "a-anong nangyari?"
"hindi ko alam..." may suot na siyang pants. "ikaw, alam mo ba?" I slowly shook my head, nararamdaman kong namumula na ako. Ngumiti siya. "I didn't know that it's true... akala ko panaginip lang na nakasama kita. Kasi noong nagising ako, wala ka na sa tabi ko... kaya nga nasa shower ako, para ma-wash out ang sakit... tapos bigla-bigla ka na lang dumating habang nagsha-shower ako." This time, naging nakakaloko yung ngiti niya. "pero may naaalala ako sa panaginip ko na iyon..."
"a-ano?"
Lumapit na siya sa akin. He smiled playfully at me. "mamaya, ike-kwento ko sa'yo. Kaya ngayon... siguro, dapat magdamit ka na."
"Clash!" sigaw ko sabay takip ng dibdib ko. "kahit kailan..."
He smiled down at me... "na-miss kita."
Nawala bigla yung inis ko. Oh how I miss this bipolar... "ako din."
~***~
Lola Max is in the multimedia.
Hehe thanks for reading!
Vote and comment naman po diyan.
God bless, readers!
Sunny @i_am_42
BINABASA MO ANG
A Shotgun Marriage [COMPLETED]
General FictionShotgun Marriage -a marriage forced or required because of pregnancy. (by google 'yan ha) Ayoko namang makasal ng dahil sa ganiyan eh. Pero, may choice ba ako? Eh nabuntis nga ako ng isang babaerong trouble maker na cool na gwapo na medyo moody at m...