Chapter 32: Sige na, gwapo ka na

8.8K 151 3
                                    

Chapter 32: Sige na, gwapo ka na

~*~

*Hazel's POV*

You can spell capital B-E-A-U-T-Y for this house. I stepped barefoot on the carpeted floor, hindi raw pwede ang naka-sapatos sa loob kaya iniwan namin ang mga sapatos sa shoe rack beside the frontdoor. Kumpleto ng mga gamit ang living room. May couch, coffee table, flat-screened tv, audio components, dvds... this house reminds me of his condominium. Pleasing and concise. Parang hindi lalaki ang nakatira.

"dito kami nakatira back when I was young. Maganda ba? Si Lola Maxima ang nag-design ng buong bahay..." sabi ni Clash. "sa kaniya 'to at ipinamana niya sa akin bago siya nawala." May inilapag siyang slippers sa harap ko. "mag-slippers ka nga."

Sinuot ko iyon. "w-wala na siya?" I felt bad asking that question, pero gusto ko talagang malaman. At saka, is she the old woman in his family picture?

"ha? Ah...hindi...n-nawawala lang siya." Sabi niya. Binuhat niya yung bags ko. "darating mamaya si Manang Yol, siya ang kasama natin dito sa bahay."

"ah..." tumango nalang ako. "so, saan ang kwarto ko?"

"more of... kwarto natin." Sabi niya and he smiled playfully at me. Ito ba ang sinasabi ni Kuya sa akin na be careful? Tss... nangingilabot ako.

"tsk..." don't tell me tabi kaming matutulog? No way... Umakyat na kami ng hagdan, he told me its made up of travertine, beige ang kulay ang bawat steps. May naglalakihang paintings sa wall beside the C-shaped stairs, napansin ko rin ang overlooking sa loob ng bahay. The overlooking is made up of glass, it's frames made up of carved wood. Kita ang buong living room sa baba. "mag-iingat dapat diyan sa overlook, baka may mahulog kasi..."

"delikado para sa mga bata." Bulong ko. I can imagine my son and daughters looking downstairs. Nakakatakot. T-teka, sons and daughters? With the 'S'? Kailan ko pa pinlano iyon? Tsk...

"oo nga." Tumawa siya, as if he heard what I am debating in my head about. "ganito, apat ang kwarto dito sa taas, sa master's bedroom tayo. Pero kung prefer mong mag-isa, doon ka sa kwarto katabi ng master's." sabi niya, habang tinuturo ang hallway.

Tumango ako and we walked our way down the narrow hallway. Unlike the stairs, hindi paintings ang nakasabit sa walls ng hallway, mga photographed pictures ang mga naka-sabit. Different scenes and places, ang gandang tignan. We reached the bedroom doors. I counted four bedrooms, one of them being the master's. The master's bedroom isn't hard to notice kasi unlike the other doors, ito lang ang black ang doorframe. Beige kasi ang sa ibang pintuan. "oh sige... dito nalang ako." lumapit ako sa pintuan ng kwarto katabi ng master's, the one Clash mentioned about. I really thought we will be in the same room. Hayyy... Tsk! Ano na naman pinag-iisip ko.

"okay..." May kinuha siyang susi sa bulsa at binuksan niya ang kwarto. "medyo marumi pa sa loob kasi wala nang natutulog diyan. Pero mamaya si Manang na ang maglilinis. May bathroom na iyan sa loob. Ikaw nang bahalang maglibot-libot sa bahay. May aayusin pa kasi ako."

"okay." Sabi ko.

"mag-i-ingat ka ha... bawal ka sa overlook." Sabi niya.

"yes, Sir." I rolled my eyes at him. Pero tama naman siya... Naglakad na siya papasok sa isang kwarto, the one infront of mine. So, ako naman, chineck ko ulit yung kwarto ko. Halatang babae ang huling gumamit ng kwarto. I wonder who occupied this room before me... Pinagpag ko yung pinkish na kama. Clash is right, sobrang dusty dito... makalabas na nga. I was about to get out of the room nang may mapansin akong bracelet na nakatali sa isa sa legs ng table na nakalagay sa tabi ng empty wardrobe. The bracelet looked so out of place in this dusty room. I walked and kneeled infront of the table. Hinawakan ko ang bracelet. It looked so familiar to me. Parang nakita ko na noon. I inhaled and shook the thoughts away.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon