Chapter 39: Conclusions

7.2K 138 2
                                    

Chapter 39: Conclusions

~*~

*Hazel's POV*

"buti naman at lumipat na kayo ng pinsan ko dito." Sabi ni Denee.

"ah oo..." tumango ako.

"Clash is right... simple ka pero ang ganda-ganda mo naman." Namula naman daw ang pisngi ko. Sinabi niya iyon? Clash really said that? "sinabi niya iyon... promise." sabi niya sabay hawak sa dibdib niya. I nodded, narinig niya yata ang iniisip ko... Nagsmile nalang ako. "ahmmm... so where's Clash right now?" tanong niya.

"he left with his friends..."

"Ate Den, ano na pong susunod?" tanong ni Claire.

Nandito kami sa garden ng bahay. Dito kasi namin naisipang kumain para makapaglaro-laro si Claire, maganda rin naman ang panahon ngayon. "akin na..." kinuha ni Denee yung loom bands na hawak ni Claire. Nabuo na yung isang part noon. "ganito... then you just repeat the process, okay?" May kaunting inayos si Denee then she gave the bands back to Claire. Tumango si Claire and she begun to do her work with the loom bands.

"Denee... Siguro close na close kayo ni Clash noh?" tanong ko.

"ah... oo. We treated each other as if we're siblings. Parang kung paano ko rin asikasuhin si Claire." Sabi niya.

"aah..."

"only child kasi ako. Then my parents... died in a car accident when I was seven. Kaya sina Tito Ar at Tita Helenna na ang tumayong parents ko since sila lang naman ang mga kakilala kong kamag-anak. Kaya parang kapatid ko na rin si Clash at si Claire." Kwento niya.

"I'm sorry." Sabi ko. Napakahirap siguro para sa kaniya ng nangyari. She's just seven years old... mga matanda nga na kaya nang tumayo ng mag-isa nahihirapan kapag nawalan ng magulang, siya pa kaya.

"no, there's no reason to say sorry. At saka, matagal na iyon. I know they're happy kung nasaan man sila ngayon." Napangiti ako sa sinabi niya. Napaka-layo naman ng ugali niya kay Clash. Buti nagkakasundo sila. "ako na ang magso-sorry sa ugali ni Clash."

Napatingin naman ako sa kaniya, pinapanood ko kasi si Claire na kumakain na ngayon at iniwan yung loom bands. "ha?"

"alam ko naman na matigas ang ulo ni Clash pero mabait iyon. He may be a huge headburner, pero please, bare with him." Sabi niya.

I nodded. "Bare na bare na nga eh. Ahahaha!" Sabay kaming tumawa. "so... Denee, what's your age? Parang medyo mas mature ka kasi kaysa kay Clash."

Tumawa siya. "I'm already twenty-four."

"twenty-four..." napatango ako. I again stared at her. Siyang siya yung babae sa picture ni Kuya back when he was in highschool. I can't be wrong. Humaba lang ang buhok niya. She became much more prettier than her face when she was younger. I learned that the picture was nine years ago. Sixteen si Kuya Roro noon and I shouldn't be wrong na fifteen si Denee at that time... and to say that Claire's eight years old right now. Tinawag niya rin si 'Rem' kanina habang umiiyak. Rem is Kuya Roro's other nickname, from his second name Remix. That picture has the word 'Sorry' written on it. I nibbled on my lips. I don't want to jump into conclusions dahil wala naman silang sinasabi sa akin... pero hindi naman siguro masama kung iisipin kong anak niya si Claire 'di ba? And that... Kuya is...

"how about you? I heard, you're turning twenty next month." Sabi ni Denee, medyo nagulat pa ako. Tss. Masyado ata akong nalulunod kakaisip doon.

"ha?" sabi ko, hindi ko kasi narinig ng kumpleto yung sinabi niya.

Ngumiti siya. "next month nang birthday mo 'di ba?"

I snapped at the thought. Oo nga pala..."ah... yes."

She smiled. "a-attend ako sa birthday mo ha."

Tumango na lang ako. "you should... kung may celebration."

"kakanta ako sa birthday mo Ate Zel!" singit ni Claire.

"sige ba... ay oo nga pala. I almost forgot. Okay ka na ba?" tanong ko.

"ah ito po ba?" tinuro ni Claire ang bandang tiyan niya. She even pulled her shirt up. Nakatakip pa ng bandage ang sugat niya pero mukhang okay naman na. "ang sabi po ni Daddy sa akin, niligtas daw po ako ni Ate Denee. She gave me some of her blood. Maybe I'm an angel now if not because of her."

"tsk! Claire... 'wag mo ngang sabihin 'yan." Saway ni Denee.

"it's true naman, Ate Den. I know you're my angel. You saved me eh."

I smiled at the two of them. The way Claire speaks, parang ang tanda na niya... Sandali... Si Denee ang nagbigay ng dugo kay Claire? I smiled. I think my conclusions are right. Bumalik na sa pagkain si Claire. She placed the corned beef at the top of the rice and she started to chop the hotdogs. Saka niya ipinaghalo-halo yung pagkain. "magiging chef siya." Bulong ni Denee sa akin. Tumawa ako.

"Hazel?" Napalingon kami kay Manang Yol. "may naghahanap sa'yo." Inabot ni Manang ang homephone sa akin.

"Denee, kakausapin ko lang ito." Sabi ko pagkakuha ng phone, tumango naman si Denee. "hello... who's this?"

'hey.'

"sino to?"

'c'mon... I know you still remember me.' I stopped upon hearing the voice. 'hey... you still remember me right?'

"Henry?"

~***~

Denee in the multimedia.

Thanks for reading!

Don't forget to vote and comment :)

God bless.

Sunny @i_am_42



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon