Chapter 23: Trouble

10.4K 167 6
                                    

Chapter 23: Trouble

~*~

*Roro's POV*

"ingat Princess!" nilingon ko muna si Hazel bago ako umalis.

"ingat din Kuya!!" sigaw niya pabalik. Narinig ko pa siyang tumawa. Nakita ko pa si Clash sa likuran niya. Nagwave siya sa akin. Tumango nalang ako.

Agad akong tumakbo papunta sa bangka na nasa pampang. "kayo lang po mag-isa?" tanong noong manong, isa siya sa mga caretaker ng mansion ni Grandma, siya rin ang maghahatid sa akin pabalik ng Puerto Prinsesa para makabiyahe na ako pauwi.

Tumango ako. I really need to hurry. May information kasi kaming nakuha tungkol doon sa taong nagpapadala ng pictures ni Hazel at Clash sa media. Oo, may paparazzi na sumusunod sa kanila.

Noong umalis silang dalawa ni Clash, isang oras pag-kauwi nilang dalawa may news na agad sa tv about sa date nilang dalawa. Perwisyo yung paparazzi na iyon. They might've blurred out her face para hindi siya kaagad makilala pero what if next time, ipakita na ang mukha niya? Right after that, people will start questioning the marriage, katulad noong news na kaya lang sila nagpakasal ay dahil na-rape si Hazel at dahil buntis na siya ngayon. Tsk. Malalagot kami sa manager niya, baka mawalan pa siya ng trabaho, makakasuhan pa siya.

Ilang oras lang ay nakarating na rin akong Maynila. Pinaandar ko na ang kotse kong naghihintay sa akin at pinaharurot ang takbo. Nag-aalala kami kay Hazel. Wala pa siyang alam sa mga nangyayari. We didn't dare tell her what's happening. Ayaw namin na mag-alala siya. Lalo na sa kalagayan niya. Mahina lang ang katawan ng kapatid ko.

Kahit na matapang at malakas ang loob niya, ibang-iba na siya pagdating sa kalusugan. Her health differs from her personality. Oo, malakas siyang kumain. But that's not enough to make her healthy. Lalo na at buntis siya.

Nakipag-usap na ako kay Clash at Lorryn na sila na ang magbantay kay Hazel. Na bantayan nila ng maayos ang kapatid ko. Sana malaman na namin kung sino itong taong nagpapadala ng pictures sa media para matigil na yung ginagawa niya. I'm ready to pay them, bigger than their salary. I can even send them away para lang tigilan na nila. Gagawin ko iyon. Tigilan lang nila ang kapatid ko. Itinigil ko muna ang kotse sa isang gilid. Tumunog kasi ang phone ko.

"hello?" I answered the phone.

'hello Hero?' boses ni Mom.

"yes Mom?" sumandal ako sa upuan. Baka may dagdag balita sila.

'may hinala na kami kung sino yung paparazzi pero hindi kami sure.'

"aah... buti naman." napatango ako. "ahmmm...papunta na pala ako diyan Mom."

'good. Ah... Hero?'

"yes Mom?"

'ang Daddy mo.'

"po?"

'palagay ko may kinalaman siya dito.'

"ano?!" Napahawak ako sa steering wheel. "sigurado ka diyan Mom? Hindi naman siguro gagawin ni Dad iyon." Though napansin kong hindi man lang siya natitinag ng mga balita. Pinagchi-chismisan na ang nag-iisa niyang anak na babae at parang wala lang sa kaniya.

'hindi eh. Pero... oh saka na, nandito na siya. Bye, ingat ka, anak.' Binaba na ni Mom ang phone. Sandali akong natulala sa kawalan.

Ano ba itong mga nagyayari?!

~*~

*Hazel's POV*

I was drying my hair nang mapalingon ako sa whole body na salamin sa aparador. I'm wearing a simple off the shoulder floral dress. Naka-paa lang din ako. Napatitig ako sa katawan ko saka ako nagside-view.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon