Chapter 30: Mysterious E-mail

8.7K 159 9
                                    

Chapter 30: Mysterious E-mail

~*~

*Clash's POV*

Nabigla ako sa sinabi ni Mama Rina. Itanong ba naman kung anong address ng condo ko at kung ako lang ba ang nakatira doon. Kung may maid ba daw ako o kung kumpleto ba raw yung amenities ng lugar. Siyempre nabigla ako. "ah... eh... para saan po ba?" tanong ko.

Hinawakan ako ni Mama sa braso at ngumiti siya sa akin. "tsk. Itong batang ito oh...saan mo ba balak tumira kasama ang anak ko?"

Pakiramdam ko tumigil ang oras sa tanong niya. Saan ko gustong tumira kasama si Hazel? Siyempre naisip ko na iyon noong una pa lang pero hindi ko naisip na papayag sila sa ganoong set-up. Set-up kung saan kaming dalawa lang sa bahay? Eh akala ko ba ayaw nila sa akin? "eh... may bahay po kami nila Dad sa isang subdivision malapit sa ospital. Pwera pa po yung condo ko pero kung saan niyo po gus---"

"kahit saan, hijo. Basta mailayo mo lang si Hazel dito." Sabi ni Mama.

Mailayo si Hazel? "saan po ilalayo?" tanong ko.

"ah basta! Ahahah..." hinampas ni Mama ang braso ko. Ang sakit. Hindi ko nga lang alam kung matutuwa ako na gusto niyang magsama kami sa iisang bahay. Pagkatapos niyang tumawa, tinignan niya ako na may luha sa mga mata. Eh, luha? Pina-iyak ko pa ata si Mama Rina. "hijo, aaminin kong ayaw kita para sa anak ko." Sabi niya. Sabi ko na eh.

"bakit po? Ang gwapo gwapo ko nga po eh." Biro ko nalang.

"Clash, hindi naman sa hindi kita gusto. Alam mo naman ang mga nangyari noon 'di ba? I just want my daughter to marry the man she will love pero siguro nga ito talaga ang dapat na mangyari. Kaya hijo, gusto kong ilayo mo siya mula kay Romeo."

~*~

*Hazel's POV*

"ilayo mula kay Daddy?" tanong ko.Hindi ko mapigilan ang magtanong. Nakalabas na ako, kanina pa. Masyadong masaya ang kwentuhan nila eh pero hindi ko alam na seryoso pala ang pinag-uusapan nila. Nilingon nila ako. Ngumanga si Clash at si Mommy nakatingin lang sa akin na parang naghihintay kung may itatanong pa ako. "sinong ilalayo kay Daddy?" tanong ko ulit. Iyon lang kasi ang narinig ko sa pinag-uusapan nila.

"...yung... yung alaga kong aso." Agad na sagot ni Clash at ngumiti pa siya.

"a-alagang aso?" tanong ko. Tumabi ako kay Mommy. "you have a pet?"

"a... oo." Napakamot siya sa batok.

"tsk. Ano ba, Hazel. Kausap ko ang asawa mo tapos nakikinig ka?!" saway ni Mommy.

"tss, eh ikaw na rin ang nagsabi na asawa ko siya. So I have the right." Lumapit ako kay Clash. "diba, HONEY."

Nanlaki ang mata ni Mommy. Pati si Clash napatingin sa akin na parang hindi makapaniwala na tinawag ko siyang hon—tinawag ko siyang Honey?! "h-honey?" tanong ni Clash, ngumisi na siya. Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Ano ba iyan! Sinabi ko ba talaga iyon? As in Honey? As in... as in... saan ko nakuha iyon?

"sabi ko na nga ba. The vacation's really effective." Tumawa si Mommy. "Clash, You want to come in? Magsnack ka muna kahit saglit lang."

"hindi na po, pupunta pa po akong ospital." Sabi niya. "aalis na po ako."

"oh sige hijo. Be careful. At yung pinag-usapan natin ha?" Sabi ni Mommy, ngumiti lang si Clash tapos tinignan niya ako.

"bye... Honey." Ngisi niya.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon