Chapter 60: Wrong

6.9K 133 6
                                    

Chapter 60: Wrong

~*~

*Clash's POV*

Maya-maya pa ay nasa NAIA na kami. Agad kong pinark ang kotse ko sa tapat ng terminal na sinabi ni Lorryn. "nasaan na sila niyan?" tanong ko kay Lorryn.

"they should be here by now." Sabi niya. Napatingin naman ako sa likuran namin. Hiwalay ang kotseng pinagsakyan namin nila Henry at yung babaeng kasama niya, si Rana. Hindi daw siya tibo, babae daw siya. Pero 'di ko makita yung sasakyan nila, mukhang natrapik ata.

Well, I don't care about them. Si Hazel lang ang pake ko ngayon. Lumapit kami sa exit ng mga bagong dating. Hazel, nasaan ka na?

"Clash?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. "France? Drew?"

"tangina... ang tagal kitang hindi nakita!" sigaw ni Francis at bigla nalang niya akong niyakap. "akala namin nagpakamatay ka na!"

"hindi ako magpapakamatay, gago." Sabi ko na lang at tinulak ko na siya palayo, nakakabading yung yakap niya. Kinabahan naman ako. Akala ko galit pa sila sa akin. Eh, tae alam ko namang hindi sila nagagalit ng matagal sa akin eh. "ano bang ginagawa niyo dito?"

Lumapit si Andrew at inakbayan niya ako. "may tumawag sa amin. Nandito raw si Hazel. Hahanapin ka sana namin... kaso nalaman namin na pinuntahan ka na ni Lorryn. Paano mo nga pala nahanap itong bopols na 'to?" tanong ni Andrew kay Lorryn.

"m-may sinabing address si Sheena." Sabi ni Lorryn habang nakakunot ang noo. "nagtataka nga ako eh. Sinabi niya iyon na parang gusto niya talagang ako ang kumuha kay Clash."

Tinignan namin siya. Parang may mali... "si Elmer?" tanong ko na lang.

"pumunta siya sa---"

"mga Tol!" napalingon naman kami sa sumigaw at nakita kong tumatakbo na si Elmer papunta sa amin.

"nandiyan na pala siya." Sabi ni Drew.

Hinihingal na tumigil siya sa harapan namin tapos bigla nalang niya akong tinignan. "Clash..." akala ko talaga yayakapin niya ako pero hindi... *booogsh!*

"tang... ina!!" sigaw ko nang bigla nalang niya akong sinuntok. Hindi na ako nagtanong kung para saan iyon. Alam ko namang dahil kay Lorryn kaya niya ako sinuntok. Nagulat sina Lorryn pero wala silang sinabi. Tsk. Itong unang beses na sinuntok ako ni Elmer.

Ngumiti siya na parang tuwang-tuwa siya at nasuntok na niya ako. Pero nawala rin ang ngiti niya na parang may naalala siya at agad niya akong nilapitan. "Clash."

"saan ka galing?" tanong ko na lang na parang hindi niya ako sinuntok.

"wala sila..." sabi niya.

"sabi ko na may air traffic eh." Sabi ni Francis.

Tuloy lang akong nakatingin kay Taba... o Elmer tsk. Hindi ko na alam kung anong itatawag kasi hindi na siya kasing-taba ng dati. "ano na?" tanong ko. Parang may sasabihin pa siya. Kinabahan ako. Ewan ko pero una pa lang alam ko nang may mali. Sana nga lang... mali ako.

"wala ang pangalan nila sa passengers na galing U.S." walang gatol na sabi ni Taba. Napatingin siya sa malayo sabay gulo ng buhok.

"ano?" narinig kong tanong ni Lorryn.

"I even checked the other terminals." Umiling siya. "pero wala talaga Pare."

"sabi ko na..." bulong ni Lorryn. Napa-upo pa siya at parang na-disapppoint talaga. "I knew it... God... why did this happened?!" lumapit naman si Taba sa kaniya at inalo siya.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon