Chapter 54: Papers

7.9K 134 13
                                    

Chapter 54: Papers

~*~

*Clash's POV*

Hindi naman mahirap hanapin ang kwarto ni Hazel. Kailangan ko lang tanungin ang mga nurse at itinuro naman nila sa akin kung nasaan. "Hazel?!" pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako sa nakita ko.

"sabi ko na, pupunta ka rin dito." Sabi ni Papa Rom habang naka-upo sa malinis na kama. Walang sign na nandito si Hazel...

"nasaan si Hazel?"

"you're not allowed to see her now."

"karapatan kong makita ang asawa ko!"

"asawa..." tumayo si Papa. "nasasabi mo pa iyan ngayon?" Hindi ko alam pero napuno ng galit ang buo kong katawan, gusto kong manuntok pero hindi ko alam kung paano. "ah, binigay na pala ni Claire sa'yo."

Humigpit ang hawak ko sa envelope. "ano bang gusto mong mangyari, Pa?"

"dederetsuhin na kita... I want you to leave my daughter." He snatched the envelope from my hands at inilabas niya ang mga papel na laman noon.

Yung kontrata na pinirmahan ko... yung kontrata na pinirmahan ko... Naalala ko yung gabi na iyon... yung gabi na pinirmahan ko yung papel na iyon...

~*flashback*~

<a/n this scene happened in Chapter 14.>

Nakatulala na si Tito Romeo sa kawalan habang nag-iinuman kami dito sa loob ng tent. Kung lasing na siya kanina, mas lasing pa siya ngayon. "ah... Tito, kailangan na po nating umuwi."

"no... hindi! Sabi mo, gagawin mo ang tama hindi ba, kahit ano pa iyon ay gagawin mo? Pwes, ito ang masasabi ko, Hernandez, pakasalan mo ang anak ko!" Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya saka siya naglabas ng brown envelope. "pirmahan mo iyan..."

Nakatingin ng matalim sa akin si Tito kaya kinuha ko nalang yung envelope at nilabas ang papel na nasa loob. "Contract of Marriage?" basa ko sa nakasulat. Binasa ko ang ilan sa mga nakalagay na rules. One caught my attention.

"Leave her once you made a mistake. Leave her once you made her cry." Basa ko.

"ang ayoko sa lahat ay umiiyak ang anak ko." Sabi ni Tito. "sa oras na saktan mo siya, makikita mo, mas masasaktan ka."

~*end of flashback*~

Kahit na ayaw ko pang magpakasal, ginawa ko. Marami pang ginawang pananakot si Papa Rom, at nauwi kaming dalawa sa pagiging lasing noong gabi na iyon.

"naaala mo na?"

"p...pero Pa, hindi ko naman plan---"

"you breached the contract..." Binuksan niya ulit ang envelope at naglabas ng isa pang papel. Napa-atras ako sa nabasa ko.

"d...divorce?" mga divorce papers... Sandali, ibig sabihin, gusto naman niyang makipaghiwalay ako ngayon?

"oo... hiwalayan mo na ang anak ko!" sigaw niya sa akin. Nakakatakot mang tignan ang tatay ni Hazel, hindi pa rin ako papayag sa gusto niyang mangyari ngayon.

"hindi pwede! Pinilit niyo akong pakasalan si Hazel... then now, you want me to leave her?! Hindi ako papayag!" sigaw ko rin sa kaniya. I can't believe this. Ano ba talaga ang gusto nilang mangyari?

"leave her!! Hindi mo alam kung paano umiyak ang anak ko sa harapan ko kanina!" sigaw niya na nagpatras naman sa akin, halos sa mukha ko na siya sumigaw. "she begged not to see you again! She begged me to let you sign these papers!" itinapon niya sa harap ko ang mga papel.

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon