Chapter 53: Gone

7.6K 127 5
                                    

Chapter 53: Gone

~*~

*Clash's POV*

Madaya.

Ganito ba talaga ang kwentong ibinigay ni tadhana para sa akin? Sa amin? Nagsisimula palang kami... tapos tatapusin na niya? Ganito ba ang dapat na mangyari? Ganito ba dapat talaga? Kung kailan ako natutong magmahal, noon pa nagkaproblema. Kung kailan sigurado na ako sa mga desisyon ko, noon pa nagkaaberya. Tangina...

"Hazel!!" sigaw ko pagkababa ko ng lobby ng condominium. Nasaan na siya?! Nasaan na?! Hindi pwede... Kailangang maka-usap ko siya... Kailangang...

*peeeeeeeeeeep*

Napalingon ako kaagad sa labas ng building kung saan ko narinig ang malakas ng busina ng sasakyan. "ah... HAZEL!" at agad akong tumakbo papunta sa labas.

"naku! Kawawa naman yung babae..."

"dali! Tumawag kayo ng ambulansiya!"

"Hazel!" tinabig ko yung mga taong nakaharang. At nandoon na siya. Nakahiga sa kalsada. "H... Hazel." Agad akong umupo at nilagay ko ang ulo niya sa hita ko. Hinawi ko yung buhok niyang natatakpan ang mukha niya. Nanlambot ako bigla sa dugong lumabas sa noo niya.

"C... Clash." Bulong niya.

"a-ayos lang... nandito na ako..."

"si... si... si Baby..." bulong niya.

"o... oo" nanginginig ako. Napatingin ako sa bandang hita niya... hindi ko alam kung paano matitigil yung dugo... parang walang tigil yung paglabas. "NASAAN NA BA YUNG AMBULANSIYA?! Putangina! Iligtas niyo ang asawa ko!!" sigaw ko.

~*~

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa ospital. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari. Parang slow motion lahat ng bagay na gumagalaw sa paligid ko. Wala akong gaanong naririnig. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko... May dugo yung mga kamay ko. Yung dugo niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala siya...

"nasaan na siya?!" Yung boses na iyon. Agad akong napatingin sa dulo ng hallway.

"P-papa..." napatayo ako. At iyon... Sinalubong niya ako ng suntok.

"anong nangyari sa anak ko?!" sigaw niya.

"R-romeo, calm down... we won't settle things if you'lle get angry."

"anong settle things?! This man!" kinwelyuhan ako ni Papa. "he ruined our daughter's future!"

And with one more blow, I was sent into darkness.

~*~

"Clash." Napalingon ako kay Hazel.

"H... Hazel!" tumakbo ako papunta sa kaniya pero 'di ako makagalaw. "Hazel?" Hindi siya gumagalaw sa pwesto niya, umiiyak lang siya habang nakatingin doon sa mga kamay niya.

Doon ko nakita kung ano ang hawak-hawak niya. Isang maliit na kumpol ng dugo. Lalapit na sana ako nang biglang magkaroon iyon ng mga mata. "ang anak natin... nandito na siya."

"Kuya! Kuya wake up!"

"aaah!" napa-upo ako kaagad.

"Kuya, are you okay?"

Napayuko ako. "Claire?"

"Kuya... nananaginip ka." Sabi niya. Napatingin ako sa paligid. Nasa office na ako ni Dad. Anong ginagawa ko dito?!

"s...si Ate Hazel mo?! Nasaan na siya?" tumayo ako kaagad pero hinila ni Claire yung dulo ng shirt ko.

"Kuya... bago daw po kayo umalis, bigay daw po ni Tito..."

"tito?"

"Tito Romeo po, yung daddy ni Ate Hazel." Kinuha ko yung brown envelope na nasa kamay ni Claire. Agad ko iyong binuksan. Napa-upo ako sa nabasa ko. "Kuya... what's inside?"

"anong room ni Ate Hazel mo?"

"hindi ko po alam..."

"Clash?!" Biglang bumukas ang pintuan, si Denee. "Clash... si Hazel..."

"anong nangyari?! Ayos lang ba siya?"

"I really can't say if she's okay or not." nakayuko siya at parang ayaw niya pang sabihin.

"ano?"

Hindi pa rin ako tinignan ni Ate Den, napansin kong umiiyak siya. No... hindi... "you lost your baby Clash..."

Napahawak ako sa ulo ko. Totoo ba iyon? Malala pa sa suntok ni Papa Rom ang narinig ko kay Denee. Agad akong tumakbo palabas ng office ni Dad. Our baby's gone... Umiling ako. I need to find her. I need her now. And I know that she needs me too.

~***~

Thanks for reading.

Vote and comment.

God bless.

Sunny @i_am_42




A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon