Chapter 55: Sana

7.8K 131 6
                                    

Chapter 55: Sana

~*~

*Clash's pov*

"Kuya?" Napabalikwas ako sa higaan. "Kuya, okay ka lang?" Nasa pamilyar akong kwarto. Aaah. Nasa playroom ako, sa bahay ni Ate Den.

Napatingin ako kay Claire, nandito siya sa tabi ko. "Claire?"

"Kuya."

Hindi ko alam kung bakit at anong nangyari pero biglang may tumulong luha sa mga mata ng kapatid ko. "sandali... Claire, bakit ka umiiyak?"

"kasi umiiyak ka."

"ha?" Tinaas niya ang maliit niyang kamay at inabot ang pisngi ko. Pinunasan niya iyon gamit ang hinlalaki niya. Basang-basa pala ng luha ang pisngi ko. Pero ewan ko... luha ba iyon o laway? Tsk. Alam kong luha iyon. Bukod sa mabigat ang mga mata ko, ramdam ko parin yung sakit. Dito oh, sa dibdib ko. Pilit akong ngumiti sa kaniya at pinunasan ko na rin ang mga luha niya sa pisngi. Pero teka, ang pait ng labi ko. Parang may sugat. Napatingin tuloy ako sa braso ko. May ilang scratch at ilang bugbog. Nakabandage na ang ilang parte hanggang sa balikat ko pero halata pa rin yung mga sugat ko. Saan ko 'to nakuha? Bakt... bakit wala akong maalala? Ano bang nangyari kagabi? Napahawak ako sa ulo ko. Yung mga papeles... pinirmahan ko ang divorce. Si Hazel... ang anak namin... ang anak namin... Tangina ang bobo ko!

"Kuya, saan ka pupunta?" tanong ni Claire nang bigla akong tumayo.

"ah..." tangina ang sakit ng tagiliran ko. Napahawak ako sa balikat ni Claire pero dahil alam kong hindi niya ako kaya kaya sumandal na lang ako sa dingding. "may... may pupuntahan lang si Kuya." Sabi ko sa kaniya at pagkatapos ay inubo-ubo na ako.

"Claire..." Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. Si Ate Denee. Nakatayo na siya banda sa pintuan ng playroom. May dala siyang maliit na bag, iyon ata ang first aid kit na lagi niyang ginagamit sa akin. "Claire." Ngumiti lang siya sa kapatid ko pero alam na ni Claire ang ibig sabihin noon.

Lumapit si Claire sa akin. Pinababa niya ako at ginawa ko kahit masakit na talaga ang kanang tagiliran ko. Hinalikan niya ako sa pisngi sabay bulong, "I love you Kuya Clash." Napangiti ako or parang ngiwi na rin dahil nga sa bugbog sarado ako at lumabas na siya ng kwarto.

Umupo si Ate Den sa tabi ko. "Denee? Anong... paano ako napunta dito?" tanong ko. Wala akong maalala na naka-uwi ako dito sa bahay niya.

"wala kang maalala?"

Umiling lang ako. At kung ano man iyon, mukhang ayoko nang maalala. "'wag na, kunwari nalang walang nangyari..." hinawakan ko ang balikat niya at ini-urong ko siya para makalabas ako ng kwarto pero hindi siya gumalaw. "Ate... kailangan kong lumabas." Nanatili siyang nakayuko sa harapan ko. Hindi pa rin siya gumagalaw. "Denee, sige na... hahanapin ko pa si---"

"they left already."

"ha?" Sandali siyang nanahimik. Mukhang tumatiming pa siya sa sasabihin niya sa akin.

"umalis na sila... papuntang America." Narinig ko kung paano nabasag ang boses niya. Dinaanan niya ako at umupo siya sa hinihigaan ko kanina. "umalis na sila kaninang umaga."

"tangina? Bakit hindi mo ako ginising?!" sigaw ko sabay yuko at hawak sa batok. Parang may masakit sa bandang dibdib ko. Narinig kong mas lumakas ang iyak ni Ate Denee. "Denee... nasaan sila? Sabihin mo sa a---"

"wala na sila Clash!" sigaw niya sa akin. Tumayo siya at hinawakan niya ang dalawang balikat ko. Namamaga ang dalawa niyang mata na parang kanina pa siya umiiyak. Nanginginig rin siya. "wala na sila... umalis na sila... naiintindihan mo ba ako? Isuksok mo naman diyan sa kokote mo na wala na sila!"

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon