Chapter 68: Insanity

7.5K 139 6
                                    

Chapter 68: Insanity

~*~

*Hazel's POV*

Nilibot ko ang tingin sa buong airport. "tinext ko na si Taba. Papunta na sila." Sabi ni Clash.

"alam ba nila na kasama mo na ako?" tanong ko.

Umiling si Clash. "sa totoo lang, gusto kong i-surprise si Lorryn. Malaking tulong din siya sa akin." I smiled at him. Ngayon naman, nami-miss ko na si Dirtbag. Matagal na noong last ko siyang makita... and now, ilang minutes na lang at magkikita na ulit kami.

"pupunta lang ako sa restroom." Sabi ni Lola Maxima.

"samahan ko na po kayo Lola." Sabi ko. "ah, Clash... balik din kami kaagad." Tumango si Clash.

~*~

Wala gaanong tao sa cr kaya kaagad na nakapasok si Lola Maxima. I stared at myself through the mirror. Makapal ang eyebags ko. I have never looked so stressed and so happy at the same time. Kinakabahan pa rin naman ako sa pwedeng mangyari. Pero the thought that I am with Clash, is making me stronger. Inaayos ko na ang buhok ko nang maalala ko yung papel na binigay ni Henry. Tsk. I left it with Clash. Baka kasi anytime buksan ko iyon kahit wala pa kami sa Manila.

Binuksan ko yung isang faucet at naghugas ako ng kamay nang may babaeng magsalita. "Hazel." Napaangat ako ng tingin sa salamin. May babaeng nakatayo sa likuran ko.

"sino ka?" tanong ko.

Slowly, she moved from my back. Kinabahan ako. Pero mas lalo akong kinabahan nang may isuot siyang tali sa leeg ko.

~*~

*Clash's POV*

Nakatingin lang ako doon sa cr na pinasukan nila Hazel at Lola. Umupo muna ako saglit sa isang bench. "nasaan na ba yung Taba na iyon?" kinuha ko ulit ang phone ko sa bulsa. Pagkakuha ko, sabay may nahulog na papel. Yung papel na iniwan ni Henry para sa amin. Binigay nga pala to ni Honey sa akin kanina. Pinulot ko iyon at dandahang binuksan.

"..."

Ilang ulit kong binasa yung nakasulat sa papel na iyon. Kay Henry ba 'to galing? Pero... Nang makarinig ako ng sigawan. Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa cr na pinasukan nila Hazel at Lola. Hindi... hindi hindi hindi! Hindi pwede! Masyadong maraming tao kaya marami akong natulak para lang makapasok. Pero paano ako makakapasok kung naka-lock yung pintuan?! "HAZEL!" sigaw ko. Kinatok-katok ko ang pintuan. Hindi pwede. "HAZEL! LOLA!" sigaw ko. Pinalo, sinipa at niyugyog ko na ang pinto. "PUTA! BUKSAN NIYO 'TO!" sigaw ko sa mga tao. Napatingin ako sa isang usiserang nakatayo sa tabi ko. "anong nangyari?! Bakit nakasara 'to?!"

"m-may dalawang babaeng nag-aaway sa loob. Ni-lock noong isa yung pintuan." Sabi niya.

Napamura ako ulit. "Tangina nasaan na ba yung mga guard niyo dito?! Putangina!" sigaw ko.

"papunta na po!" sumigaw yung isang babae sa may dulo.

Naalala ko nanaman yung nakasulat sa papel.

~Akin lang si Clash.~

"tangina." Bakit ngayon ko lang iyon binasa? Bobo... bobo ko talaga! Tinignan ko yung pintuan. At walang anu-ano kong sinuntok iyon.

~*~

*Hazel's POV*

Desperate. She's so desperate. The fact na kaya niyang pumatay para lang makuha si Clash. "stop this Sheena!" sigaw ko habang sinusubukang tanggalin yung tali na nasa leeg ko.

"no, I won't!" sigaw niya. "kasalanan mo lahat kung bakit hindi na kami nagkikita ni Clash! I should be the one for him!"

"Sheena, I thought we're friends..." sabi ko habang nakatingin sa kaniya mula sa mirror. Hindi ako makagalaw dahil inipit niya ako sa sink.

"noon iyon. Noong hindi mo pa inaagaw si Clash sa akin!" sabi niya. Her eyes were blazing with anger.

"hindi ko siya inagaw sa'yo!" I felt the rush of blood in my veins. "never siyang naging sa'yo!"

"yes! Of course naging akin siya!" sigaw niya. "he is my son's father."

"oh stop this nuisance, Sheena!" napalunok ako nang higpitan niya lalo yung tali. "augh!... Y-you... He is... he is not yours... he is m-mine... hindi niya... anak iyon... s-sinungaling! Mapang-gamit!"

"hahahaha!" medyo lumuwang yung hawak niya dahil sa pagtawa. Hindi siya yung Sheena na nakilala ko. Baliw itong taong ito. Sobrang nababaliw na.

"kay Henry yung bata at hindi kay Clash kaya tama na itong ginagawa mo!" sigaw ko. I was about to take the rope off nang bigla niya akong sabunutan kaya natumba ako sa sahig. "Shee---na!"

"paano mong nalaman?!" I can feel how scared she is. "paano mo nalaman!" she shrieked.

"H-henry... He t-told me everythi---ng." Sagot ko na hindi na halos makahinga. "h-hindi ako... papayag na---"

"no... No!" sigaw niya. "E-e di papatayin na kita!" sigaw niya. "papatayin na kita para hindi malaman ni Clash!" She continued to laugh. Lalong humihigpit ang pagkakasakal niya sa akin. Hindi naman ako makapalag dahil hawak niya rin ang buhok ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa tali at sa buhok ko.

"Hazel?" Nabigla pa si Sheena nang lumabas ng cubicle si Lola Maxima. I can't see her face. Nanlalabo na ang mga mata ko. Black dots appeared in my vision. Nawala yung tali sa leeg ko at nabitawan ni Sheena ang buhok ko kaya napasalampak na lang ako sa sahig.

"s-sino ka... N-narinig mo ba kami?" sabi ni Sheena.

"oo! And I won't let you ruin my grandson's life!" sigaw ni Lola.

"lola ka ni Clash?" tanong ni Sheena.

"L-lola... umalis na po k-kayo..." Sabi ko. She's insane. Tinignan niya ako. She kicked me on my stomach. Oh gracious goodness! Ang sakit! I heard her heels tapping as she walked to face Lola Maxima. Nakakarinig ako ng pagpapalo at sigawan sa labas ng restroom but I can't make out the words... masyadong blurry ang vision ko. Pakiramdam ko nasu-suffocate na ako. Ang bawat hinga ginagawa ko ay sobrang masakit sa lalamunan. Sandali... si Lola... I tried to get up. Hinarap ko si Sheena. Nakatayo na siya sa harapan ni Lola. Nakatingin lang si Lola Max sa akin. At nang tignan niya si Sheena, nakataas na ang kamao nito at wari susuntukin niya si Lola.

Adrenaline rushed through me at kasabay ng malakas na tunog doon sa pintuan ay ang pagdagan ko kay Sheena.

~*~

*Clash's POV*

"HAZEL!" sigaw ko pagkabukas ko ng pintuan. Pagkabutas ko kasi kanina sa pinto, pinasok ko nalang ang kamay ko para ma-open sa loob. Narinig ko ang sigawan nila. At ngayon, nakahandusay sa cr si Hazel. Nakadagan siya sa isang babae at si Lola Maxima naman ay nakatayo sa isang gilid. Agad akong tumakbo at itinayo si Hazel. Wala na siyang malay.

"C-c-clash! Y-you're here!" tumayo yung babae. Namumukhaan ko siya.

"siya!" sigaw ko sa mga guard na kakapasok lang. Leche bakit ngayon lang sila?! "i-ikulong niyo iyan."

"s-s-sandali!" Hindi ko na siya pinakinggan o tinignan. Nilapit ko si Hazel sa akin.

"H-hazel..." Nanlalamig siya. Namumutla.

"bring her to the hospital, Clash." Sabi ni Lola. May ipinakita siyang tali sa akin. "bring her now!"

~***~

Sheena is in the multimedia.

Thanks for reading!

Vote and comment.

God bless, readers.

Sunny @i_am_42



A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon