Chapter 26: Family Picture

9.9K 175 4
                                    

Chapter 26: Family Picture

~*~

*Hazel's POV*

Sinusubukan niya ako eh, eh di ibibigay ko kung anong gusto niya. Kaya sumampa ako sa sofa at umupo ako sa tiyan niya. I know it's awkward. Napaka-awkward. First time kong ginawa ito pero talagang asar na ako sa kaniya. "t-t-teka a-anong ginaga... anong ginagawa mo?!" namula ang dalawa niyang tenga. Nanlaki din yung mga mata niya.

Pinigil kong 'wag tumawa. "ikaw na rin ang nagsabi na kunin ko 'di ba?" I looked at him innocently.

"p-pero... B-BUMABA KA NGA!"

"why?" I pouted. Ahaha! Ang epic ng mukha niya!

"ha?!!"

"ang sabi ko bakit ako bababa? Eh hindi ko pa nga nakukuha yung betadine diyan sa... sa abs mo." I even licked my lips to make the scene more dramatic. Ahah! I'm enjoying this...

Pumorma ng malaking O ang bibig niya. He clenched his jaw at narinig ko pang napalunok siya. "a-ano?!" Now I can't explain that look on his face. Para siyang natatae na ewan.

Nanahimik siya nang hindi ako sumagot, kaya I grabbed the chance to insert my hand inside his polo. Opo, ginawa ko talaga. Para akong nanalo ng lotto pagkakuha ko sa betadine. Nakita ko na rin yung bulak kaya ang saya-saya ko. Kung pwede lang akong tumalon, ginawa ko na. Narinig kong gumalaw yung sofa at parang may nahulog.

*blag!*

Napalingon ako kay Clash... na nasa sahig na ngayon.

~*~

*Clash's POV*

"ahahahahahahahahahah!!!" Tinitigan ko ang tumatawang si Elmer. Kakagising ko lang at sinalubong niya ng tawa ang kinwento kong nangyari kanina. "ahahahahahahah!"

"ano ba Taba, tumatalsik na laway mo." Kunwari reklamo ko. "At PWEDE BA?!" Tumigil siya pero halatang nag pipigil lang. "pucha Taba."

"alam ko na kung bakit ka nahimatay. Aahahahahah! Nahimatay--" napatigil siya nang tignan ko siya ng masama..."eherm... iyon nga. Kasi ikaw 'tong pumapatong. 'Di ba?"

"manahimik ka."

"eh di mananahimik." Bulong niya. Sumandal ako sa headboard ng kama. Nagamot na yung mga sugat ko sa braso, nadapa-dapa kasi ako kanina noong nakipagbugbugan ako. Tapos may ice-pack ako sa pisngi pagkagising ko. Sabi ni Taba, si Hazel daw ang gumamot sa akin. Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. "sandali." Tumayo si Taba at lumabas siya.

Bumukas uli yung pinto, pero hindi na si Taba ang pumasok, si Hazel na. Ngumiti siya sa akin. "pinagtatawanan mo ba ako?" sabi ko.

Tinitigan niya lang ako at may inilapag siyang tray sa bedside table. Pagkain. Nagutom ako bigla. "you skipped lunch. Hapon na. Kaya kumain ka na." sabi niya.

"maliligo muna ako." umupo ako ng maayos.

"kaya mo na ba?"

"hindi naman ako nabalian kaya makakalakad pa ako."

"kala ko kasi nabalian ka noong nahulog ka sa sofa." Tumawa siya pero mahina lang.

"ha ha ha." sarkastiko akong tumawa sa kaniya. Tumayo na ako, kumuha ng damit at pumasok sa shower.

~*~

*Hazel's POV*

Ang sabi sa akin ni Lorryn, kaya nahimatay si Clash dahil hindi siya huminga ng matagal. Mabaho ba ang hininga ko kanina? Ahahaha! Tinitigan ko ang pintuan ng cr. Naasar ba siya? Well, totoo naman na nahulog siya sa sofa eh. Natawa ako ulit. Tinignan ko ang pagkain sa bedside table at may napansin ako sa likuran ng lampshade katabi ng tray.

Picture frame na may nakasulat na 'family' sa itaas. Kinuha ko iyon.

Family picture. Nakita ko si Clash, ang boyish ng look niya. He looks like a rebel. Naka-black shirt siya na may tatak na 'black star', naka-white na sombrero, naka-pantalon siya at nakapasok ang kamay sa bulsa. Wala namang ganong nagbago sa itsura niya, except for the fact that he is so thin in this picture. Para siyang dilis. Ahahaha! Parang galit siya sa mundo. Nakasimangot siya at halatang hindi siya tumingin sa camera. Pero medyo cute namang tignan. Napatingin pa ako sa mga kasama niya sa picture. Nandoon si Tito Armann at siyempre si Tita Helenna, ang mommy ni Clash. Buntis si Tita este Mama dito sa picture. Si Claire ito panigurado. Ibig sabihin eleven o kaya eh twelve palang si Clash sa picture na ito. Napansin ko na may kasama din silang isang matandang babae sa picture at isa pang babae na parang kamag-anak ni Clash. Pero buntis.

Nangunot ang noo ko. Medyo familiar yung babae sa akin. Saan ko ba siya nakita?

"ano iyan?" Hindi ko napansin na nakalabas na pala ng cr si Clash. In fairness, ang bilis niyang maligo.May suot na siyang blue na t-shirt at naka-shorts na siya. Basa pa yung buhok niya at nakasabit doon ang tuwalya, mukha tuloy siyang arabo. Arabo na maraming sugat, hahaha.

"ah, itong family picture niyo." Sabi ko.

"akin na iyan."

Ibinigay ko iyon sa kaniya. "sino yung babaeng buntis diyan?"

Inilapag niya sa table yung picture. "si Mommy."

"I mean the other one."

He didn't answered. Kinamot niya lang ang kilay sabay nangunot ang noo niya. "dadalhin ko nalang itong tray sa baba, doon na ako kakain. Pero... mauna ka na." Ang cold ng boses niya. Did I do something wrong? Tss... oo nga pala, bipolar siya. Palabas na ako ng kwarto niya nang lingunin ko siya. He's back is facing me and he's staring at the picture. Lumapit siya doon at pinunasan yung salamin ng frame gamit ang daliri niya. Halatang importante ang picture sa kaniya pero nagulat nalang ako nang itaob niya ang picture. Kaya naman napaatras ako nang lingunin niya ako dala-dala ang tray. "dali na, susunod ako."

Tumango nalang ako at nauna na ako sa dining area.

~*~

Katabi ko si Lorryn at kaharap naman niya si Elmer na katabi ni Clash. Hindi ko nalang nilingon o tinignan si Clash habang kumakain siya. I'm just seating infront of him. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin. Hindi ako makapakali doon sa picture.

Bakit niya tinaob yung picture? Sino yung babae na nandoon? Paano kung... paano kung girlfriend niya iyon? Paano kung nabuntis niya iyon? Tama ata si Lorryn. "aisshh." Inalog ko ang ulo ko.

"baka mahulog ang ulo mo."

Napalingon ako kay Clash. "s-sino ba yung babae?"

Sabay na napalingon sina Lorryn at Elmer sa akin. Tinitigan lang ako ni Clash, tapos ngumiti siya. Then he started eating again. Mababaliw na ata ako. Tama ngang hinala ko. Ang dami ko pang hindi alam tungkol dito sa asawa kong ito.

~***~

Hello!

Thanks for reading.

Vote and comment :)

God bless guys.

Sunny @i_am_42





A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon