Chapter 59: Envelope

6.7K 124 5
                                    

Chapter 59: Envelope

~*~

*Clash's POV*

Nakatulala lang ako sa malayo, iniisip lahat ng nangyari sa buhay ko nang biglang tumunog ang doorbell ng condo ko. Wala akong planong buksan iyon. Napabuntong-hininga ako. Parang isang linggo na ata simula noong huli akong pumunta sa clubhouse. Hindi ko na nakaka-usap sina Francis at Drew. Lalong lalo na si Elmer. Mukhang galit pa rin siya dahil pinaiyak ko ang girlfriend niya. Tsk. Tuloy ako sa pagtulala. Pero talagang makulit yung pesteng nasa pinto kaya binuksan ko na.

"ano?!" sigaw ko sa istorbong lalaking ito.

"ah... pasensiya na po sa abala." Aba... buti alam niya.

"ano ba iyon?"

"may nagpadala po nito. Sandali, kayo po ba si Mr. Clash Hernandez?"

"sa tingin mo? Ako lang naman ang nakatira dito." Sabi ko. May ibinulong siya pero 'di ko na tinanong kung ano baka makabugbog na naman ako ng tao. May inabot naman siyang envelope sa akin. Manipis lang at may pangalan ko at address. May pinapirmahan lang siya sa akin saka siya umalis.

Pagkasara ng pinto, kaagad kong tinignan kung kanino iyon galing. Napangiti ako. Pakiramdam ko nga napunit ang bibig ko dahil sa tagal noong huli kong ngumiti. Sa wakas, sa loob ng ilang linggo, may nangyari ring magandang bagay sa akin. Kaagad kong binuksan ang envelope. Binasa ko ang nakalagay na sulat sa loob.

"sa wakas. Sa wakas. Sa wakas!" Tuwang-tuwa ako. Pero parang hindi rin. Napatulala ulit ako. Plano kong dalhin siya dito... pero paano? Ni 'di ko nga alam kung ano talagang nangyari... hindi ko na siya nakaka-usap. Hindi ko na siya nakikita. Tangina. Naramdaman ko na naman yung kirot na laging umiipit sa dibdib ko. Kailan ba ako mamanhid sa sakit na iyon? Uupo na sana ako kaso bigla na namang may nag-doorbell. Padabog akong lumapit sa pinto. "ano!?" sigaw ko sa taong nasa labas.

"Clash?"

Tinignan ko yung taong nakatayo sa harap ng condo ko. Sandali... kilala ko 'to ah. "ikaw?! Anong ginagawa mo dito?! At aba, may kasama kang babae... sandali... babae ba o lalaki?" tanong ko sa taong kasama niya.

"it's not important." Sabi ng koreanong hilaw na nakatayo sa harapan ko, oo, si Henry lang naman ang nanggulo sa moment ko. "the important thing is about Hazel."

"ano bang kailangan niyo?" humigpit ang hawak ko sa pintuan. "kung wala kayong sasabihing maganda, umalis na kayo. Wala na kami."

Isasara ko na sana ang pinto. "do you know the last person she's talking to in the phone before the accident?" sabi niya habang inihaharang ang braso sa pinto. Gusto ko nang isara ang pinto para maipit siya pero... paano niya nalaman iyon? "do you know the reason why she got so mad at you?" sabi niya pa.

Ano bang... paano niya nalaman? Tangina stalker ata ito eh! "sandali---"

"ako ang kumausap sa kaniya." Sagot noong kasama niya. Buti naman di siya nage-english.

Teka... ano raw sabi niya?! "kayo ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin?! Kayo ang dahilan kung bakit siya na-aksidente!!" kinwelyuhan ko si Henry. Nice one, matagal na akong naggigigil sa walangyang 'to eh.

"yes." Sagot niya. Susuntukin ko na sana siya pero pinigilan ako noong kasama niya. "but we are forced to call her!"

Binitawan ko siya. "Ahahahah! Forced?! Oh tapos? Maibabalik niyo ba siya?!" lumapit ako sa couch at kaagad na umupo. "tangina kayo."

A Shotgun Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon