Chapter 12: The Fuenteses
~*~
*Hazel's POV*
I'm eating Milo and I don't want anyone to disturb me. Ngayon lang ako nakapagpapak ng Milo na super sarap and I don't want anyone to comment about it. "Masarap ba Zel?" tinapik ni Dad ang balikat ko. Naka-upo ako sa sahig, sa harapan ng tv pero may kutson naman.
"opo. Try mo Dad..." sabi ko.
"ah... hindi sige, baka... baka maubos ko pa."
Tumawa si Kuya na katabi ko. "Hay naku si Daddy! Kunwari ka pa. Ayaw iyan ni Dad." Tumawa si Daddy at nag-apir pa sila ng magaling kong kuya.
Sumimangot ako. Hindi ko gusto na tumatawa sila dahil kumakain ako ng Milo..."edi 'wag kung ayaw niyo."
"oy, oy tama na nga iyan!" sabi ni Mom, nasa pinto siya galing sa kusina. May dala-dala siyang bowl. "Hazel ito oh..."
Pinakita niya sa akin yung bowl na may lamang assorted na fresh cut fruits. "Wow Mom... Thanks!" sabi ko.
Nakangiti si Mom sa akin. Umupo siya sa tabi ko. "dapat healthy yung kinakain mo."
"of course!" sabi ko then I poured the whole pack of Milo inside the bowl. Lalong lumakas ang tawa ni Kuya. I glared at him. Tinitigan ko siya na para bang matutunaw siya anytime.
"ah... ah... Hazel..." sabi ni Kuya sabay peace sign.
Kinuha ko ang hawak na sandok ni Mommy. Kumuha ako ng isang sandok ng fruits na sinigurado kong marami at... isinubo iyon. Nang matapo na ako sa pag-nguya at nailunok ko na, "MAY PROBLEMA BA KAYO HA?! H-hindi ba ako pwedeng... pwedeng...*sob* sob*... pwedeng kumain nito? Ahhuhuhu..."
"Hazel... Hazel..." tinapik ako ni Mom tapos pinalo niya sa balikat si Kuya. Tuloy-tuloy yung luha ko. Ano ba ito?! Ganito ba talaga?! Ang weird lang... ang oa.
"Hazel, tahan na..." hinimas ni Dad ang balikat ko pero tumatawa naman siya.
"Z-zel... I-i'm sorry... hindi ko naman alam na..." sabi ni Kuya habang pinipigil yung tawa niya.
"ahuhuhuhu..." hinawakan ko ng mahigpit yung bowl. Akin lang ito... ako lang ang kakain nito.
"sssh... tahan na... nagjo-joke lang ang Kuya mo eh..." sabi ni Mom. "I think you should go back to your room and rest..." Tumango ako at inalalayan ako ni Mom na tumayo.
Ganito talaga ako. Every now and then nagshi-shift ang mood ko. Minsan all I want to do is eat, sometimes, I just want to watch the tv while eating Milo, sometimes, I'm like a madcat iyon bang handang manapak? Tapos minsan iiyak ako ng dahil sa isang walang kakwenta-kwentang bagay, or worse, ng walang dahilan. Nasa kalagitnaan na kami ni Mom ng stairs nang may magdoorbell.
"Baka yung pizza na iyan!" bulong ni Mom. "I'll bring it to you upstairs, okay?" sabi ni Mom sa akin. Tumango ako. Actually it's me who ordered the pizza, naisip ko lang na bumili kasi gusto ko lang. Nasa taas na ako nang marinig kong magsalita si Daddy. Binuksan na ata nila yung pintuan.
"OH! Clash, napadalaw ka dito?"
"sino iyon Mom?" tanong ko bago bumaba si Mom.
"aah, siguro yung anak ni Dr. Hernandez. Yung nagbirthday... I remembered his name is Clash..." sabi ni Mom. "you stay here. Sayang hindi pa pala pizza yung dumating."
Tumango ako sa kaniya at bumaba na siya. I closed the door and sat on the bed. I slowly nibbled the fruits. "Baby... masarap ba?" sumubo pa ako ulit. "oo, masharap nga." Iniapag ko sa sidetable ang bowl at humiga ako sa kama. Nakita ko ang kisame na may mga glow in the dark stars. "ang ganda ng stars noh? Ganiyan ka kaganda para sa akin. Kahit ma-antipatiko at panget ang tatay mo... ay! Erase-erase! WALA KANG DADDY! Ako lang ang parent mo... wala nang iba." Sabi ko. Hindi ko sinabi kina Dad na nakita ko yung lalaking iyon kagabi. Ayokong magkagulo ulit. "baka mamaya magka world war three..." bulong ko habang hinihimas ang tiyan ko. "gusto ko ng Milo..." Umupo ako ulit at kinuha yung bowl. Kinain ko yung fruits na may Milo. "gwapo siguro yung anak na lalaki ni Dr. Hernandez Ano kasi pangalan? Aah, oo Clash... asteeeg." Napangiti ako. "sayang 'di ko siya nakita noong birthday niya... ikaw kasi baby eh! Ang wrong timing mo."
BINABASA MO ANG
A Shotgun Marriage [COMPLETED]
General FictionShotgun Marriage -a marriage forced or required because of pregnancy. (by google 'yan ha) Ayoko namang makasal ng dahil sa ganiyan eh. Pero, may choice ba ako? Eh nabuntis nga ako ng isang babaerong trouble maker na cool na gwapo na medyo moody at m...