Xyro Pov
NADATNAN ko si lolo na nakaupo sa tabi ng kama, humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan ng walang emosyon ang nakaratay doon.
'Tss'
Lumapit ako kay lolo at yumakap.
"Mag uusap tayo apo." tumayo siya.
Taka ko naman siyang tiningnan, "Sige ho."
Pumunta kami sa isang cafe dito malapit hospital, umupo kami sa pangdalawang taong upuan, nagtawag ako ng waiter.
"Two coffee and two vanilla cake." at sinara ko na ang menu.
Umalis na ang waiter, tumikhim si lolo. Sumandal ako sa upuan at seryosong tiningnan siya.
"Magpapakasal kayo pagkagising niya." rseryoso talaga siya sa sinabi niya, hindi pwedeng hindi mangyari.
Tumingin ako sa gilid at nag tiim ang bagang ko.
Kaya ko ba siyang makasama? Pagkatapos ng mga nangyari. Hindi pa ko hilom.
Tumingin ulit ako sakanya at humugot ng isang malalim na hininga.
Dumating na ang order namin. Pag ka alis nung waiter ay nagsalita na'ko.
"Pagkatapos nung nagyari? Gusto mo kong magpakasal sa kan'ya?" nakakunot ang noo ko.
Bumuntong hininga si lolo na parang nawawalan ng pasensya, "Wala s'yang kasalanan."
"Pero, lo—"
"No but's, Xyro." kumunot ang noo niya.
Pakakasalan ko sya? Ha!
Hinawakan ni Lolo ang kamay kong nasa lamesa, "Apo, nakikiusap ako sa iyo, nakita ko kung paano kayo nagmahalan at 'wag sanang masira lang iyon basta-basta dahil sa isang trahedya lang." puno ng lungkot ang mga mata niya.
Naglapat ang labi ko, oo sa isang trahedya lang! But fuck! Because of that fucking tragedy nasira ang buhay ko!
Ang hirap para sa'kin tanggapin na wala na, na hindi ko na mababago pa, na kahit anong ipilit ko ay hindi na babalik pa.Yung pakiramdam na alam mong huli na ang lahat kaya ang tanging magagawa mo na lamang ay tanggapin kung ano ang nangyari.
Pero bakit ganon? Sobrang hirap. Sobrang hirap tanggapin, sobrang sakit na sa tuwing nakikita ko sya bumabalik ang lahat-lahat, lahat ng dahilan kung bakit nawala sila sakin.
"Apo makinig ka sa'kin, natatakpan lang ng galit mo ang pagmamahal mo sa kan'ya, naiintindihan naman kita pero 'wag mo naman sana sa kan'ya ibunton lahat ng nangyari."
Nakipag titigan ako kay lolo, "Sige lo, pero hindi ko maipapangako sa inyong babalik kami sa dati." madilim ang mga mata ko.
"Sige apo, maraming salamat" nakangiti siya pero bakas parin sa mga mata niya ang lungkot.
Lumipas ang mga buwan at wala paring buhay ang puso ko, kahit anong pilit kong tanggapin na wala na hindi ko parin magawa.
Kasalukuyang University ako ngayon ng tumunog ang cellphone ko, tamad ko itong sinagot.
"Bakit lo?"
"Gising na sya apo!" halatang masayang-masaya siya sa binalita niya.
Nag alab ang puso ko sa nabalitaan, kaya ko pa ba siyang tanggapin? Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga.
Pumunta na'ko sa hospital at nadatnan kong gising na nga siya.
Nanghina ang mga tuhod ko, kinukurot ang puso ko ng paulit-ulit, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. . .
Lumapit ako sa kan'ya at tiningnan siya ng walang emosyon, umupo ako sa upuan at sumandal doon at humalukipkip.
"Kamusta pakiramdam mo?"
"S-sino ka?" kunot noong tanong niya, halatang walang kaalam-alam kung sino talaga ako. . .
BINABASA MO ANG
Pursuit of Love(COMPLETED)
RandomSi Shin ay naghahangad na mahalin 'din siya pabalik ng kan'yang asawa, hanggang saan niya makakaya? Started April 11,2021 Finish June 8,2021 Highest rank #1wife #1Shin rank #2wife Former title My Professor is my Secret Husband