Shin POV
PAG KATAPOS ng klase ay agad - agad na lumabas si Khairron sa classroom, inayos ko ang mga gamit ko at lumabas ba ng silid. Nag lalakad na ako sa corridor ng biglang may nag buhos sa akin ng harina at pinag bababato ako ng itlog, iniharang ko ang mga braso ko upang maprotektahan ang sarili.
"Ayan malandi kasi!" bulyaw ng mag estudyanteng nakapalid sakin, malandi, pokpok, at kung ano ano pang sinisigaw na paratang nila sa'kin.
Naiiyak ako dahil bukod sa masakit ang pag kakabato ng itlog ay mas masakit ang nararamdaman ko.
Ano bang problema!? Wala akong ginagawa! Sadyang madudumi lang ang mga utak nila! Dahil lang ba sa picture na mag kasama kami ni Khairron ay nagagalit sila!? Mga isip bata!
Umiiyak akong tumakbo hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta takbo lang ako nang takbo ng may humila sa braso ko at pinasok ako sa isang silid!
Hinila nya ko sa Music room! Isinandal ako nito sa pader.
"Khairron!" nanlalaki ang mga mata ko ng mapag sino ito.
Pinunasan niya ng panyo ang mukha ko, hindi ako makagalaw sobrang lapit niya, nakatitig lang ako sa kaniya habang pinupunasan niya ng ang mukha ko.
"Mga wala silang kwenta." iritang sabi niya habang pinupunasan pa rin ako, nahigit ko ang hininga ko ng tumingin siya sa mga mata ko.
Iniharang niya ang isang kamay sa gawing kaliwa ko at ang isang kamay naman ay hinawakan ang pisngi ko, nagtitigan lang kaming dalawa, nakikita ko dito ang awa, lungkot at pagaalala. Tiningnan niya ang bawat parte ng mukha ko. "Ayoko ng makikitang matutuluan ng luha ang pisngi mo. . ." sinabi niya iyon habang nakatingin sa pisngi ko at hinihimas ng hinlalaki niya, tiningnan niya muli ako sa mata, "Ayoko ng makikita kang umiiyak. . ." parang nagmamakaawang anya.
Nagulat ako ng halikan niya ang kaliwang pisngi ko, hindi ako nakagalaw para akong nagyelo, "Hindi na matutuluan ng luha 'yan," at hinalikan niya din ang kanang pisngi ko, "At ito. . ." anya niya, unti - unti niyang inilalapit ang kan'yang labi sa labi ko, nahugot ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang hininga niyang dumadapo sa balat ko, napapikit ako pero nagulat ako ng halikan niya ang noo ko.
"Gago ka!" mas lalo akong nagulat ng biglang bumulagta si Khairron sa sahig, lumingon ako sa sumapak!
"X-Xyro!" kinakabahang anya ko, tumingin ito sa akin na nagdidilim ang mata, punong - puno ng galit. Tinulungan kong tumayo si Khairron, tumawa ng sarkastiko si Khairron habang pinupunasan ang labi niya at biglang nag seryoso.
Natatakot na'ko sa sitwasyon, para silang nag aalborotong bulkan na gustong - gusto ng sumabog.
BINABASA MO ANG
Pursuit of Love(COMPLETED)
RandomSi Shin ay naghahangad na mahalin 'din siya pabalik ng kan'yang asawa, hanggang saan niya makakaya? Started April 11,2021 Finish June 8,2021 Highest rank #1wife #1Shin rank #2wife Former title My Professor is my Secret Husband