Chapter 34

1.8K 49 0
                                    

Xyro POV

PAG KATAPOS kong kausapin si Mitchell ay parang medyo gumaan ang loob ko, dahil nabawasan ang mga iisipin ko. Mag fofocus muna ako sa pag hahanap ng nag babanta kay Shin.

Hindi kami sabay ni Mitchell pumasok sa campus dahil may tatawagan pa daw siya, habang nag lalakad ako papasok ng campus ay parang may nag mamasid sa 'kin.

Tumingin ako sa paligid pero ang security guard lang nandon.

'Weird'

Hindi maintindihan ang pakiramdam para talagang may naka masid sa akin na ewan. Kailangan ko lang ng mag doble ingat.

Napag alaman ko na hindi pumasok ang ulul na 'yon, napangisi ako. Sinasabi ko na nga ba, 'wag lang talagang magiging tama ang hinala ko at ako mismo ang papatay sa kanya.

Natapos ang klase at sumabay na ako kay Shin pauwi, kailangan ko siyang bantayan, kailangan kong masiguradong okay lang siya.

Pag dating sa bahay ay iginarahe ko na ang sasakyan at inalalayan si Shin na bumaba.

Pag kapasok namin sa loob ay nag paalam siyang aakyat muna sa taas at mag bibihis ng pambahay. Habang nasa taas siya ako naman ay pumunta sa kwarto ko at isinara ang lahat ng bintana. Tinawagan ang personal investigator, naka ilang ring pa ito bago niya sagutin

"[Hey bro!]" maligayang sabi ng nasa linya.

Kaibigan ko ito, he's my classmate when i was highschool, kilala niya rin si Shin.

"Can't you be a professional? Tss."

Narinig ko pang tumikhim ito. "[What can I do for you Mr. Del varra?]"

"I need your help, Shin is in danger."

"[Owww? Geezz what happened to her?Maybe i can help you . . . what is it?]"

"Dude, you can help me of course, you are the best investigator in town right?" 

"[Syempre ako pa? Himala ata at pinuri mo ko? Totoo naman 'yung sinabi mo, i'n the best! Sobrang gwapo ko rin.]"

Napairam ako, hindi pa rin talaga nag babago 'tong si Clifford De Castro, hanggang ngayon mahangin pa rin. Member ko siya dati sa fraternity na hawak ko when i was highschool, nag kawatak watak na ang frat na hawak ko 'nong namatay ang mga magulang ko, I'm so depressed that time kaya napabayaan ko sila, pero naiintindihan naman nila iyon. Yung iba nag bagong buhay at yung iba naman sumali sa ibang gang pero may mga contact pa rin ako sa kanila.

"Alam mo? Pag pinupuri ka mas lalong lumalaki 'yang ulo mo." kunot noong sabi ko

"[Ohh, chillax lang bro ako lang to Clifford the gwapo.]"

"Aayos ka o pupunta ko dyan ngayon din para bugbugin ka?" Tss i don't know why kung bakit pa ko tumawag sa mokong na'to, he pissed me off.

"[Hehehe aayos na nga, so . . . ? Ano ba yon?"

At kinwento ko lahat lahat, simula kay Khairron hanggang sa death treath kay Shin.

"[Okay, hmmm . . . titingnan ko ang magagawa ko.]"

"Anong titingnan? Gawin mo talaga! Yung best mo higitan mo pa, you pissed me off dude."

Humalakhak siya sa kabilang linya. "[ geeezzz napaka bossy mo pa rin hanggang ngayon, so? May kapalit ang serbisyo ko.]" tatawa tawang sabi nya

"What?" asik ko

Hindi na'ko mag tataka kung may kalokohan na naman na tumatakbo sa isipan niya.

"[Let me date your wife. ]"

"Sawa ka na ba sa buhay mo De Castro?" banta ko sa kanya.

"[Hahahaha I'm just kidding dude! But! . . . but! Type ko yung asawa mo hahaha!]"

Kumuyom ang bagang ko, inis na talaga ako. "Hintayin mo ko dyan at ipapasundo na kita kay kamatayan." punong puno ng pag babanta ang boses ko, mahigpit na rin ang kapit ko sa phone.

Gagong 'yon gusto atang makatikim ng hagupit.

"[Joke lang ano ka'ba? Sige, sige dude I have a appointment. Sige na . . . ngayon ka na nga lang tumawag mag babanta kapa? Sige bye!]" Binaba niya na.

Pag kababa ni Clifford ng tawag ay tinawagan ko naman si Andrill. Siya ang bunso sa frat dati at ako din ang nag pa aral sa kanya ng mamatay ang tatay niya.

Isang ring palang sinagot na niya.

"[Kuya!! Napatawag ka??! May bubugbugin ba tayo?]"

He loves a thrill kaya ganyan siya, parang laging nag hahanap ng away.

"How's school?"

"[Oks na oks kuya, nga pala ba't ka napatawag? Miss mo na ko? Hahaha!]"

Napangisi ako, ang hyper niya pa rin, hindi pa rin sya nag babago.

"I have a assignment for you."

"[Sige, sige, sige! Boring dito sa bahay kuya! Boring na boring na ko sa bahay! Alam mo ba? Ha! ang ingay ng kapit bahay ko kagabi! Videoke nang videoke! Mga tunog palaka naman yung mga boses nakaka rindi sobra! Tapos eto pa ano ganto----]"

"Wait, wait!" Pinutol ko na siya sa pag kwekwento dahil alam kong hindi sya titigil.

"Bantayan mo si Shin, Andrill, hindi lahat ng oras mababantayan ko siya, nasa panganib ang buhay nya. Maaasahan ba kita?"

"[Abah! Game na game!]"

"Thankyou, bye."

Binaba ko na ang tawag at bumaba na, nadatnan ko si Shin na nasa sala at na nonood ng TV.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. "Hey" I kiss her cheek.

"Ohh, ang tagal mo naman?"

"May kinausap lang ako sa phone, tungkol sa school." Tumabi ako sa kanya at humiga sa lap niya, i felt comfortable, i close my eyes at pinahinga ko ang utak ko sa pag iisip, napangiti ako ng himasin niya ang noo ko.

"I love you . . ." I said

"Mahal din kita . . ."

Pursuit of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon