Chapter 25

2.1K 62 3
                                    

Xyro POV

DUMAAN ang isang buwan simula noong mapag salitaan ko siya ng masakit.

Nagsisisi ako sa sinabi ko, dapat sinarili ko nalang. Alam kong sobrang nasaktan ko siya ng sobra.

Dumaan muli ang isang buwan at napag desisyunan ko ng makipag hiwalay kay Mitchell dahil kung papatagalin ko pa 'to ay masasaktan ko siya ng sobra.

Nadamay lang siya sa kagagugan ko at wala siyang kasalanan doon.

Kailangan niyang pakapaghanap ng lalaking mamahalin siya ng buo at walang alinlangan.

KASALUKUYAN kaming nasa isang restaurant ni Mitchell. Magkaharap kami, kumakain lang siya at nakatitig lang ako sa kan'ya.

Naaawa ako sa kan'ya dahil nadamay pa siya, nagagalit din ako sa sarili ko dahil alam kong mali, nagagalit ako sa sarili ko dahil masasaktan ko siya at sobrang galit ako sa sa sarili ko dahil alam kong nasasaktan ko rin si Shin.

Binasag ko ang katahimikan sa aming dalawa.

"Mitchell" Napaangat ang tingin niya sa akin at ngumiti.

"Why?"

"I'm sorry . . ." Basang basa ko sa mata niya ang pagkalito.

"Para saan?" Kunot noong tanong niya.

Bumuntong hininga ako at isinatinig ang kanina pang bumabagabag sa akin.

"I'm breaking up with you . . ." Bumagsak ang balikat niya at tumawa ng sarkastika.

"Are you kiding me, baby? Niloloko mo lang ako diba?" Tumawa ulit siya pero nababasa ko ang sakit sa mga mata niya.

"No, I'm not kidding you, Mitchell, I'm serious . . . A-and I'm so sorry dahil ang gago ko." Tumingin ako sa malayo, napalunok.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa.

"Niloloko mo lang ako 'di ba? Hindi mo magagawa sa'kin to, may kulang ba? May kulang ba sa'kin, ha!?" At bumagsak na ang mga luha niya.

Hindi ako makatingin sa kan'ya dahil nagsisisi ako at naaawa.

"Mahal mo'ko 'di ba?" At tumawa siya ng mahina habang lumuluha, pulang pula na rin siya.

Tumingin ako sa kan'ya at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya dito.

"Sinubukan ko Mitchell, pero mapipilit mo ba ang puso kung saan titibok?" May tumakas na luha sa kaliwang mata ko at agad ko naman itong pinunasan.

Umiyak siya nang umiyak sa harap ko "Ano yung kulang!? Sabihin mo please! Kase hindi ko maintindihan! May nagawa ba ko? " Tulala siyang nakatingin sakin, bigla siyang tumawa. 

Bigla nanaman siyang nag seryoso.

Sanhi siguro to ng sakit na binagay ko sa kan'ya, inihilamos niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay.

"Hindi ka nag kulang at hindi ka rin nagkamali, ang totoo ako ang nagkukulang sating dalawa."

Kinagat niya ang pang ibabang labi para pigilan ang pag hikbi.

"I'm sorry," Pakiramdam ko puso ko ang nag sabi ng katagang iyon.

Tumayo na ako, hinawakan niya agad ang kamay ko. "P-please, 'wag.“ 

Tumingin ako sa kanya pero sa malayo siya naka tingin habang bumubuhos pa rin ang luha.

Unti unti kong inalis ang kamay niyang nakakapit sakin at lumabas na ako sa lugar nayon.

'Im sorry Mitchell, sinubukan ko naman pero hindi ko talaga magawa'

LUMIPAS ang mga araw ay tinetext at patuloy pa rin akong tinatawagan ni Mitchell, pinipilit niyang ayusin namin ang relasyon namin.

Alam kong nasasaktan ko siya dahil sa pakikipaghiwalay ko sa kan'ya, naaawa ako sa kan'ya dahil nadamay pa sya sa katarantaduhan ko.

Gabi gabi niya akong tinatawagan, sinusundan ako sa school at kung saan saan pa.

Sinabi ko sa kanyang tigilan na niya dahil sya rin ang mahihirapan siya lang ang masasaktan sya lang ang susuko sa huli.

At ayoko ng gamitin pa siya.

NASA faculty room ako ngayon habang may inaayos na mga papel, nakatalikod ako pintuan habang nag aayos.

Nang biglang may humila sa braso ko at pinaharap ako at siniil ako ng halik.

Nagulat ako dahil sa inakto niya, nakapikit siya hinawakan ko ang magkabilang balikat niya upang awatin.

"Mitchell what the fuck?!" Kunot noong sabi ko.

Pero hindi siya natinag hinila niya ang kwelyo ko at mas malalim pa ang halik niya ngayon kesa kanina.

"Hmmm," Ungol niya dahil paghalik niya sa'kin.

Hindi ako gumaganti sa halik niya, nakadilat pa rin ako, ang higpit ng pagkakapit niya sa akin.

Tinulak ko siya para matigil siya sa paghalik sa akin.

"Mitchell ano ba!? What's wrong with you?!" Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang sintido ko dahil parang sasakit ang ulo ko.

"Xyro please, please comeback to me, please." Pumiyok siya at umagos na ang kanyang mga luha.

Hinila niya ang batok ko at siniil ng halik ang aking leeg.

Tinulak ko siya ng mas malakas kesa kanina.

"Ano ba!? Are you fucking crazy!?"

Galit na talaga ako,vyung pangungulit at pagsunod niya sa akin ay matitiis ko pa, pero ito hindi.

Humikbi siya at patuloy parin sa pag agos ang luha niya.

"Oo na! Baliw na ko! Nababaliw na ko kase hindi ko talaga maintindihan kung bakit!" Pinag susuntok niya ako sa dibdib, niyaan ko lang siya.

"Nababaliw ako sayo! Kasi mahal na mahal kita pero anong ginawa mo!?Iniwan mo ko sa ere!" Tumaas baba ang kan'yang dibdib dahil sa pag hahabol ng hininga at masamang naka tingin sa'kin.

Bigla siyang humagulgol at niyakap ako ng mahigpit

"Baby . . . ple-ease come-b-ack t-to me please, i-im begg-ging please."

Walang emosyon ang mga mata ko.

"Tama na please, maawa ka sa sarili mo." At inalis ko ang braso niya mula sa pakakapalupot sa'kin.

Lumakad na'ko palabas ng faculty room at pabalibag sinara 'yon.

Pursuit of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon