Chapter 38

1.7K 55 1
                                    

Khairron POV

Dinala ko si Shin sa isang tagong lugar kung saan walang nakaka alam, sigurado naman akong mahirap hanapin ito dahil mapuno at nasa gitna ng gubat ito

May bahay talaga ako dito dahil isa itong hideout, hindi naman masamang organisasyon ang kinabibilangan ko, dahil nag nanakaw lang naman kami sa mga mayayaman na kurakot at ibinabahagi sa mga kapos palad . . . ako ang nag tayo ng organisasyong ito, alam ko na kasing pano magutom at hindi makatulog ng maayos sa gabi dahil hindi pa kumakain.

Pag kapasok ko sa hideout ay nakasalubong ko si Lance. "Nasan siya?" patungkol ko kay Shin.

"Nasa taas tulog pa rin." Tumango ako at tinapik ang balikat niya at pumunta na sa second floor.

Tatlo ang kwarto dito sa itaas, kung titingnan mo sa mula sa labas ang bahay ay mukhang normal lamang ito.

May tagong pintuan sa library at patungo iyon sa ilalim ayon ang pinaka hideout ng bahay na 'to.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nadatnan siyang mahimbing parin any tulog sa kama.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya, inayos ko ang buhok niya.

Alam kong magagalit ka sa 'kin pero sana pag katiwalaan mo pa rin ako.

May mini ref doon sa loob ng kwarto na nasa kaliwang gilid ng kwarto, kumuha ako doon ng isang boteng alak at may shot glass doon sa taas ng ref at kinuha ko na rin iyon.

Dinala ko iyon at umupo doon sa upuan na naka pwesto sa harap ng kama at may mini table din doon, inilapag ko doon ang baso at ang alak. Umupo ako sa upuan at nag dekwatrkong panglalaki.

Nag salin ako ng alak sa shot glass at ininom ito, nag sindi din ako ng sigarilyo, nakakalahati ko pa lang ang sigarilyong hawak ko ay nakita ko ng nagising si Shin.

"You're awake." Binuga ko muna ang usok.

Itinanday nya ang kanyang braso sa kama para makaupo ng kaunti, nangingiyak na siya.

Shit ba'ka makasama sa kanya 'yan.

"Hayop ka! Saan mo 'ko dinala? Pinagkatiwalaan kita Khairron! Anong ggawin mo sa 'kin?!" sigaw niya sa 'kin, kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya.

"Chill," Pinitpit ko ang sigarilyo sa ashtray. 

"Ano bang kailangan mo, ha?" Humahagulgol na siya.

"Mag relax ka, makakasama sayo 'yan at sa baby mo." kunot noong anya ko.

Baka kung anong mangyari sa pamangkin ko.

Napahinto siya sa paghagulgol.

"Paano mo nalaman, ha!? Paano mo nalaman!?" Parang hindi siya mapakali, takot na takot na rin siya.

"I have a source." simpleng saad ko.

"Ano b-ba kasing kailangan mo?!" Puong-puno ng luha ang mga mata niya, basang-basa ko ang takot doon.

I'm sorry para rin to sayo at sa magiging pamangkin ko, sana makinig ka sa 'kin Shin.

Umupo ako sa kama at hahawakan ko sana ang mukha niya para hulihin ang paningin niya pero iniwas niya ito.

"Please trust me, Shin." matamang anya ko.

"Pagkatiwalaan? Paano pa kita pagkakatiwalaan kung kinibnap mo ko! "

Tumuwid ako ng tayo at tiim bagang tumingin sa kawalan, naglakad na ako papunta sa pinto pero bago ko buksan iyon. "Pagkatiwalaan mo lang ako magiging masaya na 'ko."

Lumabas na ako ng pinto at padarag na isinara iyon.

Naiinis ako dahil alam kong masama na ang tingin sa 'kin ni Shin.

Pumunta ako kabilang kwarto at pumunta sa veranda, kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Xyro.

"Gising na siya." bungad kong saad. Tumingin ako sa kalangitang madilim, malamig ang simoy ng hangin ngunit mas malamig ang puso ko.

"Ingatan mo siya, ha." Nasa tono ng boses niya ang pag aalala para sa asawa.

"Oo naman, pamangkin ko ata ang dinadala niya." Ngumisi ako ako kahit hindi niya nakikita.

"Huwag na huwag kang mag kakamali." punong-puno ng pag babanta ang boses niya kaya hindi ko na pigilang matawa.

Hanggang ngayon ba nag seselos sakin tong ugok na to? May anak na lahatlahat . . . seriously?

Huminto ako sa pag tawa at nag seryoso. "Tawagan mo si Shin."

"Sige bro."

Pinatay ko na ang tawag at pumunta sa kama at pabagsak na humiga doon.

Shin POV

Tumingin ako sa bintana habang naka upon pa rin sa kama, tumayo ako at lumapit pero naka lock ito at hindi ko mabuksan kahit anong gawin ko.

Pano na ito? Anong gagawin ni mommy anak?

Napatalon ako sa sobrang gulat ng tumunong ang ringtone ko, hinanap ko iyon nang gagaling ang tunog sa kama, hinanap ko ito at nakita ko iyon sa ilalim ng comforter.

Si Xyro!

Nanginginig pa ang kamay ko ng sagutin ko iyon, nabuhayan ako ng pag asa.

"X-Xyro! Xyro please tulungn mo ako, kinidnap ako ni Khairron! Tulungan mo 'ko, please." pag mamakaawa ko ramdam ko ang mga luha kong dumadaloy sa pisngi ko.

"Shh, shh . . . don't cry, don't cry, wife, makakasama kay baby Zero 'yan.  Walang mang yayaring masama sayo, hindi ka sasaktan ni Khairron, pag katiwalaan mo lang siya."

Hindi ko maintindihan?bakit niya nasasabi ang mga iyan?anong pag katiwalaan? Eto nga, oh! Kinidnap ako!

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Wife, please trust him, plano namin ito para maitago ka."

"Mait-tago? Saan? Bakit niyo ko kailangan pang itago!?"

Hindi ko maintindihan!

"Shin, calm down! May mga nag babanta sayo kaya ka namin tinago, please? Stop being stubborn . . . makinig ka nalang, please para rin sayo 'to at sa baby natin."

"Anong may nag babanta!?bakit? Wala naman akong kagalit o kasalanan man lang."

At kinwento lahat ni Xyro kung bakit nila ako dinala sa lugar na ito.

"Huhulihin na muna namin siya . . . I missed you so much, wife."

Kinagat ko pang ibabang labi. "I missed you, too."

"Mag iingat ka, ha? Tatawag ako araw-araw para mai-check ka.

Nalaman ko na rin na mag kapatid sila ni Khairron, hindi ako makapaniwala, ang hirap ipasok sa utak ko ang mga nalaman ko ngayon, mahirap talaga paniwalaan . . . nag aalala rin ako para sa kaligtasan ko at mas lalo na sa kaligtasan ng anak ko.

Baby, nandito lang si Mommy walang mangyayaring masama sayo.



Pursuit of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon