Chapter 24

2K 63 1
                                    


Xyro POV

UNANG araw ng pagtuturo ko dito sa Larca De Academia, dito rin nag enroll si Shin ng Grade 11, mas nauna akong umalis sa kan'ya at nag tungo na sa school.

Inaayos ko ang kwelyo ko habang naglalakad nang may makabangga ako, nahulog ang mga libro at notebook na dala niya. Tinulungan ko siyang mapulot at ng mag angat ako ng tingin ay nagulat ako.

'The Bar Girl'

"Oh Xyro!" Buong galak niyang sabi, sabay na kaming tumayo. Buhat buhat niya ang dalawang libro at tatlong notebook.

"The bar girl." Kunot noong sabi ko

'Anong ginagawa niya dito?'

"Mitchell ang pangalan ko nakalimutan mo na ba? Buti pa ko natatandaan ko pa ang pangalan mo." 

Napakunot ang noo ko pero agad ko naman itong pinawi. "Anong ginagawa mo dito?" Nag tatakang tanong ko.

"Ahh bagong teacher, ikaw?"

"Same." umangat ang gilid ng labi ko.

SIMULA nang araw na yon naging malapit na kami sa isa't isa at naging magkaibigan, masaya siyang kasama at kwela, komportable na ako sa kan'ya at ganon rin naman siya sakin. Hanggang dumating ang araw na umamin siya sa akin na may nararamdaman siya.

Bakit hindi ko nga subukan? Baka pag sinubukan ko siyang mahalin mabubura na'tong sakit sa puso ko? 

NAGING kami ni Mitchell, oo masaya ako pero bakit parang may hinahanap hanap ako sa katauhan niya? Siya yung babaeng hihilingin ng bawat lalaki sa mundo pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nasa apartment ako ngayon ni Mitchell, kasalukuyang umuulan kaya dito muna ako nagpatila.

Nasa kusina siya at naghahanda ng soup, habang ako naman ay nandito lang sa sala at nanonood ng TV.

"Baby! Let's eat!" Sigaw niya mula sa kusina.

Pinuntahan ko na siya at umupo sa upuan, nakahain na ang soup at kung ano ano pa. Umupo siya sa harap ko.

Ngumiti siya. "Tara kain na tayo." Ngumiti lang ako at sinimulan ng kumain.

'Kumain na kaya si Shin?'

"Masarap," Humihigop na sabi ko.

Kinuha ko ang cellphone mula sa aking bulsa at itetext si Shin. Sumulyap pa ko kay Mitchell para tingnan kung nakatingin siya pero sa pagkain lang ang atensyon niya.

To: Shin

Have you ea—

Hindi ko pa nabubuo ang mga letra pero binura ko na agad ito.

'Kumain na siguro yon'

Napabuntong hininga ako.

Napatitig ako sa aking cellphone. "Uy Baby what's wrong?"

Napaangat ang tingin ko sa kan'ya at ngumiti, itinago ko na sa bulsa ang cellphone at tinuloy na namin ang pag kain.

Nasa sofa kami ngayon 5:30 pm na hindi pa rin tumitila ang ulan, habang nanonood ng TV ay naramdaman ko naman ang pagyakap ni Mitchell sa'kin at hinahalik halikan niya ang leeg ko.

"Sto-op" Inilayo ko ang leeg ko mula sa labi niya.

"Why? Anong problema?" Nagtatakang anya niya.

"Nothing, manood nalang tayo."

Yumakap nalang siya sa'kin at napabuntong hininga nalang siya.

Simula noong may mangyari samin noong nagkita kami sa bar ay wala nang nangyari samin. 

Hindi ko alam sa sarili ko pero parang hindi ko kaya.

TUMILA na ang ulan kaya napagdisisyunanko ng umuwi.

Pagkarating ko sa bahay ay wala si Shin sa sala, wala din siya sa kusina siguro ay nasa kwarto siya.

Umakyat na ako sa aking kwarto at hinubad agad ang polo ko, dumiretso na ako sa banyo upang maligo.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako sa sala at umupo sa mahabang sofa at nagbasa ng libro.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko naaninaw ko sa gilid ng aking mga mata si Shin na papalapit sa akin at hawak hawak ang polong suot ko kanina.

"Ahh, X-Xyro bakit amoy pambabae tong polo mo?"

Tumingin ako sa kan'ya. "Alam mo naman ang sagot di'yan diba?" Hindi ko pinapakita ang emosyong dumudurog sa puso ko.

Nag nod lang siya kasabay niyon ang pag tulo ng kanyang mga luha.

'Fuck!'

"Huwag mo'kong dramahan Shin alam mong hindi kita kayang mahalin kaya huwag kang maarte d'yan!" 

'Shit! '

Hindi ko napigilan ang emosyon at galit ko.

"Bakit? Bakit hindi mo kaya? Anong dahilan? Binago ko naman ang lahat, ah? Lahat ng tipo mo sa babae lahat ginawa ko para magustuhan mo!" Litong litong sabi niya, pulang pula narin ang mata niya dahil sa pag iyak.

Tumingin ako sa malayo at nag tiim bagang, hindi ko kaya, hindi ko kayang tingnan sya.

"Dahil kinasusuklaman kita."

At nag lakad nako papunta sa taas, pabagsak kong isinara ang pinto ng kwarto ko.

Pinagsusuntok ko ang pader dahil sa sobrang inis at pag sisisi.

'Gago ka! Gago ka Xyro! Bakit mo sinabi yon!? Nagpadala ka nanaman sa emosyon mo!! '

Sigaw ko sa isip ko.

Hindi ko na napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

Sinuntok ko ng sinuntok ang pader hanggang sa mapagod ako.

Napaupo ako sa sahig at nakatulalang lumuluha.

Kailan ba'ko mapapagod magalit? Fuck! Hindi ko na alam!

Pursuit of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon