Chapter 27

2.1K 64 2
                                    

Xyro POV

PAGKAUWI ay
Iginarahe ko ang kotse at at pumasok sa loob ng bahay ay walang ilaw na nakabukas, natutulog na siguro siya.

Ramdam na ramdam ko na ang pagod ko, binuhay ko ang ilaw at hinagis ang bag sa sofa, isa isa kong tinanggal ang botones ng polo ko habang tinatanggal ng mga paa ko ang sapatos ko.

Nang matanggal ko ng botones ay pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref, kumuha ako ng baso at nag salin ng tubig doon, habang umiinom ako ng tubig ay napatingin ako sa kalderong nasa gawing kaliwa ko, inilapag ko ang baso sa mesa at binuksan ang kaldero, tumambad sa akin ang paborito kong ulam.

Biglang kumalam ang tiyan ko, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Ininit ko ito at pag katapos ay nag salin ng ulam sa mangkok,vnag hain din ako ng kanin.

Dali dali akong umupo at agad agad akong sumubo ng kanin at ulam na parang isang linggong hindi kumain, sunod-sunod ang pag subo at nguya ko. Napangiti ako dahil sa sarap.

Napaisip ako. Nag eeffort siya sakin kahit nasasaktan ko na siya, hindi ako deserving, mas maiintindihan ko pa kung magagalit siya sakin pero hindi. Napabuntong hininga ako at matamlay ng nag patuloy sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinag kainan ko.

Umakyat na ako sa taas, bago ako pumasok sa kwarto ko ay dumiretso ako sa kwarto ni Shin. Unang madadaanan ang kwarto ko kaysa sa kanya.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto niya at dahan dahan ding pumasok don, lumapit ako sa kanya at tinitigan siya umupo ako sa kama niya.

Hinimas ko ng dalawang beses ang noo niya bago tumayo, hahakbang palang ako ay sinambit na niya ang pangalan ko.

"Xyro. . ."

Napalingon ako sakanya, umupo ulit ako, hinimas ko ulit ang noo niya. Hanggang sa panaginip parin ay ako ang inaalala niya?

Ganyan niya ba ko kamahal? Mas maiintindihan ko pa kung magagalit siya sakin, I think I'm not deserving for her love.

'I'm sorry, aayusin ko to'

Malamlam ang mga mata ko ng sabihin ko sa kanya iyon sa isip ko.

Tumayo na ko at walang ingay na lumabas ng kwarto.

NAGISING ako dahil sa sikat ng araw galing sa bintana ko, tiningnan ko ang oras at 7:51 am na, late na'ko.

Agaran akong tumayo at nag ayos agad, pag kalabas ko ng kwarto ay pumunta ako sa harap ng pinto ni Shin, akma akong kakatok ng napagtanto ko na wala na siya d'yan.

Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa garahe at sumakay sa kotse.

PAG KADATING ko sa school ay wala ng estudyanteng nagkalat, malamang ay nag sisimula na ang klase.

Pumunta na ako sa unang klase ko sa biology.

Pagkapasok ko sa room ay nag uusap usap ang mga estudyante.

"Uy sayang no hindi natin siya kaklase?"

"Oo nga eh, sobrang gwapo niya grabe, willing akong mag pa anak sa kanya ng isang dosena!" Usapan ng dalawang estudyante sa harapan. Napakunot ang noo ko.

Hinampas ko ng malakas ang blackboard!

"Hey you two! Didn't you notice me?!"

Napayuko sila. "Sorry sir."

Tumango lang ako.

'Tss ang aga aga nambabadtrip'

Pagkatapos ng klase ko sa biology ay papunta na sana ako sunod kong klase nang mapadaan ako sa classroom ni Shin.

Sumilip ako sa bintana,halatang nakikinig naman siya, dumako ang mata ko sa tabi niya.

'Tss Khairron'

Mas lalong nasira ang araw ko.

LUNCH BREAK na kaya pumunta na ako sa cafeteria para umorder at doon nalang sana sa office ko kakain.

Akmang pupunta na ako sa counter ng marinig ko ang boses ni Shin na tumatawa, lumingon ako sa likod ko at nakita kong nakikipag tawanan siya kay Khairron.

Dumilim ang mata ko, napupuno ako ng selos kahit hindi naman pabor sa sitwasyon, ayokong nakikitang nakikipag tawanan sya sa iba!

Nagseselos ako! Oo inaamin kong nag seselos ako! Buwat noong naging mag asawa kami ngayon ko nalang ulit nakita ang tawa niya! At ang masaklap pa don hindi ako ang dahilan! Fuck! I'm fucking jealous!

Humigpit ang pag kakahawak ko sa librong kanina ko pa dala! Mabilis akong nag lakad sa gawi nila at hinagis ang libro sa mesa nila.

Wala na akong pake kung pinag titinginan na kami! Kinakain na ako ng selos ko!

Salubong ang mga kilay ko.

"Yes po sir?" Parang nabiglang sabi ni Shin.

Lalo akong nainis.

"Pumunta ka sa office ko at I summarize mo yang nasa libro."

"But sir kumakain pa po ako." At tumingin siya don sa kausap niya.

Mas lalong nag dilim ang paningin ko.

"Now." maotoridad na sabi ko.

Lumabas na ako ng cafeteria at naramdaman ko naman siyang nakasunod sa akin, ramdam ko parin na mag kasalubong ang kilay ko.

Pag kapasok ko sa office ay umupo agad ako sa pwesto ko at dumikwatro.

"Sit." madilim na sabi ko sakanya, sinunodnaman niya at binuklat na niya ang librong binigay ko.

Nililipok parin ako ng selos kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. "Malandi ka talaga no?"

'Damn it!'

Napaangat ang tingin niya sakin, tinititigan ko lang siya sa mata. "Ano bang sinasabi mo d'yan?"

Ngumisi ako dahil sa inis. "A multi billionaire Khairron Xin Park kausap ka? O talagang nilandi mo lang kaya ka kausap?" Tumawa ako dahil sa inis at tumalim ang tingin ko
tumayo ako at tinanday ko ang dalawang kamay ko sa mesa at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Nakuha mo na nga ako maglalandi ka pa ng iba?"

"Hindi ko siya nilalandi nakikipag kaibigan lang siya." Tumingin siya sa kaliwa niya.

Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at bigla kong hinampas ng malakas ang mesa,habol ko ang hininga. "Eh Anong tawag mo don sa nakita ko kanina!? Diba paglalandi yon!?"

"Ang dumi ng isip mo Xyro! Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin?!"

"Oo." Hindi ko siya tiningnan

Tumakbo siya palabasng ng office ko at nung lumabas na siya ay pinag susuntok ko ang mesa.

"Ahh!" Hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa inis.

'Ilang beses mo ba siyang sasaktan Xyro!? Ayan ang problema sakin sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin hindi ko man lang iniisip ang mararamdaman nya!'

Pinag susuntok ko ang pader at pinag hahagis ang mga gamit ko! Gusto kong saktan ang sarili ko! Gusto kong sapakin ang sarili ko! Naiinis ako kasi bakit ako ganto! Hindi ko na rin alam!

Nang mahimasmasan ay tumakbo ako para hanapin si Shin at humingi ng sorry, hinanap ko siya sa buong campus, nang nasa parking lot na ako ay nakita ko si Shin pasakay ng kotse habang inaalalayan ni Khairron.

Pursuit of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon