Chapter 26

2.1K 55 0
                                    

Xyro POV

PAG KALABAS ko ng campus ay pumunta na agad ako sa parking lot at pumasok sa kotse ko at padarag na sinara ‘yon.

Magkasalungat ang mga kilay ko at naka tingin lang sa harapan, sinuntok ko ang manibela at huminga ng malalim.

Mabilis ang pagmamaneho ko papunta sa bahay, ipinasok ko ang kotse ko sa garahe at pumasok na sa loob.

Inilibot ko ang aking paningin kung nakauwi na siya pero walang tao at sobrang tahimik ng buong bahay.

Napabuntong hininga ako, itinapon ko ang bag ko sa sofa at umupo doon, tinatanggal ko ang bunotes ko habang tinatanggal ng mga paa ko ang aking sapatos.

Tatlong butones nalang ang natitira ng pumasok si Shin, napatingin ako sa kanya at parang naestatwa siya sa ayos ko. Napataas ang kilay ko.

Para siyang umiyak dahil medyo namamaga ang mga mata niya, napaiwas siya ng tingin at lumakad na siya papuntang taas.

Napabuntong hininga nanaman ako at nag tiim bagang.

LUMIPAS ang dalawang araw mula noong hinalikan ako ni Mitchell at hindi na niya ako kinulit pa, siguro napagtanto niyang mali ang ginawa niya.

Hindi pumasok si Mitchell ngayong araw sa school. Alas singko na ng hapon kaya nag drive na ako pauwi.

Habang nasa daan ay tumunog ang cellphone ko, sinagot ko ito na hindi tinitingnan kung sino ang tumawag diretso lang ang tingin ko sa daan.

“H-Hello X-Xyro” Halatang nang hihina ang nasa kabilang linya, nabosesan ko naman ito.

“Are you okay, Mitchell? What's wrong?” Kunot noong anya ko.

Umubo siya. “P-please punt-tahan mo n-naman ako d-dito . . .” Hinang hinang sabi niya at biglang namatay ang tawag.

Nag alala ako kaya iniliko ko agad ang kotse sa daan papunta sa apartment niya.

Pagkarating ko doon ay bukas ang gate kaya pumasok na ako at isinara yon, hindi nakalock ang pinto kaya binuksan ko ito.

“Mitchell,” Tawag ko, inilibot ko ang paningin ko sa bahay at namataan ko siyang walang malay na nakahiga sa sahig.

Nagmamadali ako pumunta sa gawi niya at umupo, inilagay ko ang Kalahati ng katawan niya sa mga braso ko, tinapik ko ng mahina ang pisngi niya. “Hey,” Mainit siya.

Hinipo ko ang noo niya gamit ang likod ng palad ko, sobrang init niya. Binuhat ko siya at pumasok sa kwarto niya at dahan-dahan siyang inihiga sa kama. Napabuntong hininga ako.

Hindi ko siya pwedeng iwan ng ganitong kalagayan dahil walang mag aalaga sa kanya.

Kumuha ako ng towel at palanggana at nilagyan ng maligamgam na tubig. Isinawsaw ko ang towel sa tubig at pinunasan ang mukha niya, pagkatapos kong punasan ay inilagay ko ang towel sa noo niya.

Napabuntong hininga ako. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina at nangalkal ng pwedeng iluto doon.

Nagluluto ako ng lugaw ng maisipan kong tawagan si Shin dahil baka hintayin niya ako.

Umabot pa ata ng isang minuto bago niya sagutin ang tawag kaya medyo nabadtrip ako.

“Hello,” Anya niya.

“Why does it take you so long to answer the phone!?” Inis na anya ko.

“A-ano kasi . . .”

Bumuntong hininga ako para mapawi ang inis.

“Huwag mo na akong hintayin dahil hindi ako uuwi d'yan ngayon.” Malamig na sabi ko

“H-ha? Saan ka matutulog? Syaka nag luto ako.”

Nainis ako. “Pwede ba? Ang dami mong tanong, itapon mo kung gusto mo.” At binaba ko na ang tawag.

Salubong ang kilay ko.

Ayan na naman sya, nag eeffort para sakin, naiinis ako kasi hindi ko naman deserve lahat ng ginagawa niya.

PAGKATAPOS kong maluto ang lugaw ay inilagay ko na sa mangkok ito at inalagay sa tray pati na rin ang gamot at tubig. Bitbit ko na ang tray papunta sa kwarto.

Inilapag ko ito sa tabi ng kama niya.

Kinapa ko ang leeg niya,nabawasan naman ang init. Tinapik ko pisngi niya ng mahina upang gisingin siya.

“Hey,” Anya ko ng magmulat siya ng mga mata. “X-Xyro . . .”

Tinanggal ko ang towel sa noo niya at
Inalalayan ko siyang makasandal sa kama at nilaguan ng unan ang likod niya ng tingin ko ay komportable na siya ay kinuha ko na ang mangkok na may lamang lugaw at sinubuan siya.

“What did you do and did you get sick?” I still continue to grieve for her.

Umubo siya, inabutan ko siya ng tubig at hinimas ang likod niya.
“W-wala.” She can't look at me.

Pagkatapos ko siyang pakainin ay pinainom ko siya ng gamot.

Inalalayan ko siyang humiga ng maayos at kinumutan. Akma na kong tatayo sa kama ng hawakan niya ang pulsuhan ko.

Lumingon ako sa kanya. “Please comeback to me.”

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at unti unting inalis ito.

“I don’t think that will happen again, because I still have to fix something.”

Hinimas ko ang ulo niya. “Sleep,”

Nang makatulog na siya ay hinipo ko ulit ang leeg niya at sinat nalang, pwede ko na siguro siyang iwan.

Pagod na rin kase ako at hindi pa nakakapahinga.

Lumabas na ako ng kwarto at dahan dahang sinara iyon.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko, tiningnan ko ang oras sa relo ko at 2:12 na ng madaling araw.

Napabuntong hininga ako dahil sa pagod at pinaandar na ang kotse.

Pursuit of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon