Chapter 20

2.3K 65 2
                                    

Xyro POV

OO galit ako sa kan'ya pero noong narinig ko ang mga katagang iyon ay nawasak ang mundo ko, sobrang sakit. Akala ko wala ng sasakit sa nararamdaman ko pero meron pa pala, para akong unti-unting pinapatay.

"You don't know me, Shin?" Tumayo ako at hinawakan ang balikat niya.

"Sino ka ba?" Inosenteng tanong niya.

Bumitaw ako sa pagkakahawak at tumingin sa gilid ko, nag iinit ang mga mata ko ramdam ko ang namumuong luha doon.

Lumabas na'ko ng kwarto at padarag sinara nang pinto, pigil na pigil ako sa luha ko. Pumunta ako sa office ng doctor niya

"Doc, bakit hindi niya ako matandaan. . . ?" kunot noong tanong ko.

"She have a traumatic amnesia." at bumuntong hininga sya.

"What?" nag iinit ang ulo ko.

"Sa ngayon kailangan muna natin siyang obserbahan at hindi rin pwede sa kan'yang pwersahing makatanda."

Nagtiim ang bagang ko sa narinig, so hindi niya ko naaalala? Damn it! 

Tumayo na ko at nagpaalam sa doctor, pumunta muna ko sa parking lot para manigarilyo, nakasandal ako sa kotse ko habang humihithit ng may makita akong babae sa katapat kong cafe, sobrang pamilyar niya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Tinitigan ko itong mabuti at nanlaki ang mga mata ko.

Itinapon ko ang sigarilyo ko at inilagay ang kaliwang kamay sa bulsa, naglakad na ako pabalik sa loob ng hospital upang mag paalam kay lolo na aalis na ako.

Isang buwan ng nakakalipas mula ng magising si Shin at nakauwi na siya dito sa mansyon, kasalukuyang kumakain kami ngayon ng breakfast ng magsalita si lolo, "Sa isang linggo na ang kasal ninyo" kumunot ang noo ko.

"What? Napaka bilis naman." tumingin ako kay Shin na nasa harapan ko, nakatungo lang siya at pinaglalaruan lang ang pagkain, napabuntong hininga ako.

"Sa west nalang kayo magpapakasal dahil biglaan." nakangiting tumingin si lolo kay Shin.

'What the heck?'

"S-sige ho, lo. . ."

Tumayo ako "Tapos na'ko" at naglakad na papunta sa taas at pumasok sa kwarto ko.

Humiga agad ako sa kama at iniunan ang mga braso ko at tumingin sa bintana na aninaw ang sikat ng araw.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang ibalik ang dati, naiinis ako, kinasusuklaman ko siya, nababadtrip ako. Tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang nangyari, kinaiinggitan ko siya dahil wala siyang maalala kahit ano tungkol sa nangyari.

Sana ganon na rin ako, sana pag gising ko bukas hindi ko na matandaan ang bangungot na yon para wala ng sakit sa puso ko.

Kung hindi kaya nangyari 'yon? Masaya kaya kami ngayon? 

May mga panahon talaga na may mangyayari sa buhay natin na hindi natin inaasahan, 'yung biglang babaguhin ang lahat.

Kakatapos lang ng kasal namin ngayong araw at kitang-kita ko sa mga mata ni Shin ang saya. Nasa bahay kami ngayon at nakaupo ako sa mahabang sofa habang nagbabasa samantalang siya ay kumakain lang ng pizza na binili ni lolo kanina.

Pagkauwi namin ay umalis agad si lolo dahil may importante daw siyang buisness trip.

"Ahh, Xyro magkatabi ba tayo mamaya?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya at napaangat ang tingin ko, isinara ko ang librong binabasa ko at ibinaba ito.

"No, may inaasahan kabang mangyayari?" masungit na anya ko at humalukipkip.

Bigla siyang nabilaukan, napabuntong hininga ako, uminom siya ng juice at pulang-pulang tumingin sa'kin, wala pa ring nagbago sa ekspresyon kong masungit.

Iniwagayway niya ang kamay naparang itinatanggi ang sinabi ko, pulang-pula pa rin siya.

"Tinatanong ko lang kasi gano'n ang mag asawa." unti-unting humina ang boses niya at pinaglalaruan ang daliri niya.

'I knew it, nahihiya ka.'

Napangisi ako "Doon ka pa rin sa kwarto mo, tss." tumayo ako at namulsa.

Naglakad na ko papunta sa taas nararamdaman ko pa ang mga mata niya sa akin.

Hinawakan ko ang saradura ng pinto upang buksan ito ng napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko.

Napabuntong hininga ako, pumasok na ako sa kwarto at pabagsak na isinara 'yon.

Tamad akong humiga sa kama at tiningnan ang mga bituin at buwan sa bintana ko.

Itinaas ko ang kamay ko kung saan nakalagay ang singsing at tinitigan iyon.

'Hanggang kailan ba matatapos itong galit ko sayo? '

Pursuit of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon