Xyro POV
NAGISING ako dahil sa pag tunog ng cellphone ko sa ilalim ng unan, nakapikit kong kinapa ito, sinagot ko ang tawag. "Hello," Inaantok kong anya.
"Hello nurse po ito, kamag anak po ba kayo ni Mr. Del Varra?"
"Why? What happened to my lolo? "Napaupo agad ako sa kama.
"Ahh, sir bumagsak po ang eroplanong sinasakyan niya. . ."
"What?! Ohhh the heck! Saang hospital?!" Nagmamadaling sabi ko at tumayo, pumunta ako sa closet at inipit ang cellphone sa tenga at balikat habang kumukuha ng damit.
"Sa Laurent hospital, ho." Pagkasabi niya ay ibinaba ko na ang tawag at nagmamadaling maglakad.
Bilasa na'ko, ayoko ng may mawala pa sa buhay ko. Lalo na ang lolo ko, fuck I hope he's fine!
Sumakay agad ako sa kotse at pinaandar agad 'yon, binuksan ng guard ang gate, humarurot ako ng andar.
Wala na akong pake kung sobrang bilis o may mga driver ng nagagalit sakin ang mahalaga lang sa'kin ngayon mapuntahan ko agad si lolo.
Punong puno ng kaba ang dibdib ko, ganitong ganito din ang naramdaman ko nung nasa bingit ng kamatayan ang mga mahal ko.
Pagkadating ko sa hospital tinanong ko agad sa lalaking nurse kung nasaan si lolo, ang sabi ay nasa emergency room daw.
Pumunta agad ako doon at may nakita akong mga nurse at doctor na nagkakagulo sa isang kama.
Nakita ko agad ang paa ni lolo, nagmamadali akong lumapit doon.
"Clear!" Sabi ng doctor.
"No responds doc!" Nag mamadali anya ng nurse.
Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko,parang ulan ito na patuloy sa pagtulo.
Tumunog ang aparatula.
Bumuntong hininga ang doctor. "Time of death 3:45 am."
Nanghina ang mga tuhod ko, lumapit ako sa doctor at kunwelyuhan ito. "Buhayin mo siya! Hindi siya patay! Buhay pa ang lolo ko!" Gigil na gigil kong hawak ang damit doctor.
"Huminahon ho kayo." Inaawat na ako ng mga nurse, binitawan ko ang kwelyo ng doctor at agad kong niyakap ang katawan ng aking lolo.
Ang sakit, bakit unti unting nawawala ang mga taong mahal ko? Bakit ganito?!Ano bang kasalanan ko.
NAKABUROL na ngayon si lolo pero hindi ako sumilip man lang sa kabaong niya, hindi ko matanggap, tulala lang ako habang naka upo sa isang bangko. Kinakausap din ako ni Shin pero ayoko muna ng may makausap ngayon, gusto ko nalang damdamin o lasapin tong sakit na nararamdaman ko at baka sakaling mamanhid na'ko.
Ito ba talaga ang kapalaran ko? Ang malunod sa galit at pighati? Ang mawalan ng minamahal? Kinginang kapalaran to, pakiramdam ko pasan pasan ko ang lahat ng sakit, hindi pa nga ako nakaka recover sa nangyari dati eto na naman.
Araw ng libing ngayon, buhat noong umiyak ako sa hospital ay hindi na muli ako umiyak, pakiramdam ko wala ng luhang lalabas pa, pakiramdam ko pag umiyak ako ay mas lalong sasakit.
Habang tinatabunan ang kabaong ni lolo ng buhangin ay tumakbo ako palabas ng sementeryo, hindi ko kayang makita, nadudurog ako, sobrang sakit, yung pakiramdam na sa sobrang sakit ay hindi ka'na makakaahon pa.
Pumunta ako kung saan nangyari ang trahedyang sumira sa'kin, nakatayo lang ako malapit sa bangin, tulala, malalim ang iniisip. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Pati ang langit nakikiramay sa nararamdaman ko, kung gaano kalakas ang ulan ganon din kasakit ang nararamdaman ko ngayon.
Tumingala ako, basang basa na ako pero wala akong pakialam, pumikit ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga.
"Ahh!" Sinabunutan ko ang sarili ko, hinahabol ang aking hininga,,binuksan ko ang can in beer at tuloy tuloy na nilagok iyon.
'Mas mabuti ng tapusin ko na to . . .'
Pumikit ako ng dahan dahan, dinadama ang ulan na pumapatak sa aking katawan at tumalon ako sa malalim na bangin.
BINABASA MO ANG
Pursuit of Love(COMPLETED)
RandomSi Shin ay naghahangad na mahalin 'din siya pabalik ng kan'yang asawa, hanggang saan niya makakaya? Started April 11,2021 Finish June 8,2021 Highest rank #1wife #1Shin rank #2wife Former title My Professor is my Secret Husband