Xyro POV
Nandito ako ngayon sa isang restaurant kung saan ang napag usapan namin ni Mitch, kagabi ay tinawagan ko siya, and thank god hindi pa sya nag iiba ng number. Wala pang isang ring ang tawag ko ay sinagot niya na agad ito, sinabi ko sa kanyang nag sisisi ako na mahal ko talaga sya at naniwala naman siya. Tss, kung alam niya lang na gustong gusto kong baliin ang leeg niya pag pasok niya pa lang ng restaurant.
Tumayo ako ng nag lalakad na siya sa table ko, dinukwang ko ang upuan para alalayan siya.
"Thankyou," ngiting ngiting sabi nya. Tang-na bunutin ko pa isa isa ngipin mo ng 'di kana makangiti, tss.
Umupo ako sa harap niya at tinawag ang waiter, nag order na kami at habang inaayos ng waiter ang order namin ay kinausap niya ko. "So? Kumusta ka na?nag kikita tayo sa school pero puro hi at hello lang tayo pag nag kakasalubong tayo."
Tumango ako at ngumiti. "I'm fine lalo na ngayon at nakausap na rin kita."
Kinagat niya ang labi nya at namula." Ahh, X-Xyro totoo ba 'yung mga sinabi mo sa 'kin kagabi sa phone?" Tumingin na siya sa 'kin, tingin na umaasa. Tumingin ako sa mga mata niya.
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa mesa. "Yeah, i regret everything, I regret when I lose you . . . I realized na mas mahal pala kita kaysa sa asawa ko--- no hindi ko pala siya minahal." Sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
Tss, paano siya nakaka ngiti ng ganyan?ganyan na ba siya kasama? Kung pwede ko lang baliin ang leeg mong lintik ka ginawa ko na matagal na, asa ka naman? Walang wala ka Kay Shin tandaan mo 'yan.
Hinawakan niya rin ang kamay ko ng sobrang higpit na tila ayaw ng pakawalan. "So? Anong plano mo ngayon?" tanong niya.
Ngumiti ako kahit nag ngingitngit na ako sa galit. "Iniwan na ako ni Shin" Yumuko ako.
"Ha!?- talaga!?" Napatingin ako sa kanya dahil ang saya saya ng tono niya.
"A-Ahh, bakit naman daw iniwan ka niya?" Naging malumanay na ang tono niya.
Bumuntong hininga ako. "I told her na hindi ko talaga siya mahal, na nag kamali lang ako sa pag pili sa kanya na . . . guilty lang pala ang nararamdaman ko sa kanya, kaya umalis siya at nag pakalayo layo."
"So? Babalik kana ba sa 'kin?"
"Yeah," Ngumisi ako. "I missed you."
"I missed you, too."
Sarap mong putulan ng dila.
Nag usap lang kami at kalaunan ay hinaya ko siya sa isang hotel, ayoko talaga gawin ito pero wala akong choice ito lang ang naiisip ko. Ang sabi ko sa kanya sobrang sabik na sabik na ako sa kanya at ito . . . sumama naman.
Sa HeavenGreen Hotel kami pumunta, nandito na rin ang mga tauhan ni Khairron nag hihintay sa suite na irerent ko, planado na lahat ito.
Gusto ko nang matapos ito dahil miss na miss ko na ang mag ina ko, gusto kong ako ang mag alaga kay Shin habang nag bubuntis siya, gusto kong ako ang humihimas sa likod niya tuwing susuka siya, gusto kong ako ang bibili o mag hihirap ng mga pinag lilihian o kailangan niya, gusto ko lagi siyang nasa tabi ko. Pero hindi ko magagawa yon kung buhay pa tong baliw na 'to.
Kinuha ko na sa desk ang key card Room 134, sumakay na kami elevator at ito namang kasama kong demonyita ay nakalingkis sa braso ko, hinahayaan ko na lang siya maka makahalata pa.
Nasa harap na kami ng room 134 kaya binuksan ko na ang pinto, pinauna ko siyang pumasok habang ako ay naka sunod lang sa kanya, pinalibot libot niya ang paningin niya sa buong kwarto.
BINABASA MO ANG
Pursuit of Love(COMPLETED)
RandomSi Shin ay naghahangad na mahalin 'din siya pabalik ng kan'yang asawa, hanggang saan niya makakaya? Started April 11,2021 Finish June 8,2021 Highest rank #1wife #1Shin rank #2wife Former title My Professor is my Secret Husband