Chapter 42

1.9K 48 1
                                    

Shin POV

Tulala ako habang nakikita ko si Xyro na palapit sa 'kin.

Nang makalapit na siya sa pwesto ko at tumingin ako sa kanya, nakaluhod ang isang tuhod niya para alisin ang tali ko, tiningnan niya ko at nag tama ang paningin namin.

"Stand up!" may nag salita sa likod ni Xyro kaya napatingin ako doon.

Si Khairron.

Nang tuluyan ng maalis ni Xyro ang tali ko ay inalalayan niya akong tumayo, lutang ako naka tingin lang ako kay Mitchell na hirap na hirap at tumingin naman ako kay Khairron na galit na galit habang buhat buhat si Mitchell sa balikat na parang bigas.

Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit.

"Are you hurt?" Napalingon ako Kay Xyro, bakas ang pag aalala niya kanyang mukha.

"Okay l-lang ako," sagot ko. Inalalayan niya akong lumakad habang hawak hawak ang magkabilang balikat ko.

Nang nakalabas na kami ay bumungad sa 'kin si Rick at Alice at ang isang tauhan ni Khairron.

At maraming nakahiga sa sahig na duguan.

Hindi ko alam kung bakit nanghihina ang tuhod ko, parang hindi ko kayang tumayo. Parang wala na 'kong lakas sa mga nangyayari.

Muntik na akong matumba buti nalang inalalayan ako ni Xyro at binuhat ng pang kasal.

"Hold on." Kumapit ako sa leeg nya at in adjust niya ang pay buhat sa 'kin.

Nakakatitig lang ako sa mga mata niyang matalim at madilim, kahit gano'n bakit naaakit pa rin ako sa lalaking 'to?

Hindi ko namalayan na isinakay niya ako sa isang van, umupo siya sa tabi ko. Naka tingin pa rin ako sa kanyang malayo ang tingin sa labas nagulat ako ng lumingon siya sa 'kin.

"Tapos na." Ngumiti siya ng bahagya.

Gusto kong tanungin sa kanya kung sino ang tinutukoy ni Mitchell kanina, gusto kong malaman ang lahat, ang totoo kung bakit nangyari ito. Dahil hanggang ngayon wala pa rin akong maintindihan.

"X-Xyro, sino yung tinutukoy ni Mitchell na . . ."

"Kinuha daw sa kanya?" kinakabahang tanong ko.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"I killed him."

A-ano? Sinong pinatay niya? Pumatay si Xyro? Paano nangyari 'yon? Unti unti ko ng nabubuo sa isip ko kung ano talaga ang totoo.

"I killed her brother . . ." Tumingin siya sa 'kin, bakas pa rin ang gulat sa mukha ko.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, dismaya, takot at kung ano ano pa.

"B-Bakit?"

"I'm sorry, Shin. I'm still young when I killed her brother, I really angry back then . . . my mind is occupied in angry, I don't know what I do, he killed my father's friend. I'm not regret it when I'm killed him, I'm happy co'z i give my father's friend a justice . . .but."

"But . . . now I've regret everything I've done co'z you're suffered, I'm sorry."

Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko, hinimas ko ang buhok niya. "Ang sabi mo nga tapos na, huwag na nating alalahanin pa." Tinaas niya ang mukha niya at tiningnan ako.

"Thankyou, Shin. I'm so very lucky to have you." And he kiss my forehead.

Ngumiti ako.

Pumasok si Rick sa Van at umupo sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan, inaantok ako kaya sumandal muna ako sa balikat ni Xyro natulog.

Khairron POV

Ibinaba ko si Mitchell sa sahig, umurong siya nang umurong hanggang wala na siyang maurungan.

Umupo ako para mag kapantay kami. "Paano mo gustong tapusin ang buhay mo?" pinausad ko ang hintuturo kong daliri sa leeg niya, bakas ang takot sa mga mata niya. "Ang sarap mo . . ."

Tumingin ako sa mga mata niya.

"Patayin."

Mas lalong kinain ng takot mga mata niya.

Hindi siya makakilos dahil parehong may tama ng baril ang braso at paa niya at nakatali pa.

Nilabas ko ang baril ko. "Nganga."

Hindi siya ngumanga kaya dapat pinipilit.

Pinasok ko ang baril sa loob ng bibig niya pero kalaunan ay tinanggal ko rin ito.

Tumawa ko. "Hindi ako mamamatay tao, pero tao ka ba? Kaya pwede kitang patayin."

At pinutok ko ang baril sa sintido nya.

Lumapit sakin si Alice. "Linisin mo." utos ko at tumango siya.

Pumunta na ako ng sasakyan ko at umalis sa lugar na 'yon.

Shin POV

Nagising ako dahil ay humahalik sa buong mukha ko, unti unti kong idinilat ang mga mata ko at naaninaw ko si Xyro "Gising kana." Ngumiti siya.

Inalalayan niya akong maupo at napasin kong may pagkain sa side table ko.

"Eat and drink your vitamins," anya nya at kinuha ang pagkain at sinubuan ako.

Pag katapos kong kumain ay uminom na ako ng gamot.

"Shin," Lumingon ako sa kanya habang umiinom ng tubig.

"Marry me again . . . please." Nabuga ko ang tubig!

"Shit!" Kumuha agad siya ng tissue at pinunasan ang mukha niya.

"Sorry!" Nako baka magalit siya, nabuga ko lang naman kasi nagulat ako! 'Tyaka wrong timing kaya yung pag tatanong niya!

"It's okay kahit ulit ulitin mo pa, it's okay wife." Ngumiti siya.

"So? What's your answer?" Halatang kinakabahan siya nakakatawa.

Bakit pa sya kailangan kabahan, e, kasal na kami kahit hindi ako umoo at tingin nya ba ayaw ko din mag pakasal sa kanya? Syempre gusto!

Tumawa ako, grabe 'di ko mapigilan, bakit ang cute cute ni Xyro'ng kabahan parang gusto ko tuloy siyang kurot kurutin, nakaka gigil.

"Why are you laughing?" kunot noong tanong niya.

"Wala ang cute cute mo kasing kabahan."

Nang humupa na ang tawa ko ay kiniss ko siya sa labi. "Ayan ang sagot ko."

Tiningnan nya ako ng parang namamangha.

"So, it's yes, right?" Tumango ako ng sunod sunod at bigla niya akong niyakap!

"Oh, god! Thankyou, wife."

Niyakap ko din siya.

Pursuit of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon