Chapter 15

2.5K 76 11
                                    

Shin POV

NAGLULUTO ako ng may yumakap sa'kin, alam ko na kung sino ito, "Xyro nagluluto ako." saway ko sa kan'ya.

"Pwede ka naman mag luto habang nakayakap ako sayo diba?" malambing na anya.

Tatlong araw na simula nung may mangyari sa'ming dalawa, naging sweet siya. Ang totoo naiilang ako sa mga galaw niya dahil hindi ako sanay.

Tatlong araw na rin na hindi pumapasok si Khairron sa mga klase namin at wala akong balita sa kan'ya simula noong nagkasapakan sila ni Xyro.

Pagkatapos ko magluto ay tinutulungan ako ni Xyro na maghain, inilalapag niya ang pinggan.=Napansin ko ang bracelet na suot niya, kulay asul ito na may maliit na star sa gitna, ngayon ko lang nakita ang bracelet na'yon, "Ngayon ko lang nakita yan?" tanong ko habang nakatingin sa bracelet.

"Ahh eto ba? Tinago ko kasi to, tara kain na tayo." abot langit ang ngiti niya, umupo na'ko sa harapan niya, bale magkaharap kami. Ipinagsalok niya ako ng kanin at ulam. Natutuwa ako dahil sa mga galaw niya ngayon.

SA SUSUNOD na linggo na ang JS Party namin, at hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok si Khairron, mag tatatlong linggo na, iniisip ko kung anong nangyari sa kan'ya.

Pagkatapos ng klase ay pumunta ako sa locker room, binuksan ko ang locker ko at nagtataka ako dahil parang nag iba ang ayos ng mga gamit ko, pero wala namang nawala, hindi ko nalamang pinansin iyon.

ARAW ng linggo at wala si Xyro dito sa bahay dahil may meeting daw sila, ako lang mag isa dito sa bahay. Hindi ko alam kung bakit natatakam ako sa strawberry kaya bumili ako nito noong nag grocery kami ni Xyro.

Habang kumakain ako ng strawberry ay bigla akong naduwal, pumunta akong banyo at nag kandasuka doon pero walang lumalabas, halos tatlong araw na akong ganito, ang sabi ni Xyro ay magpatingin na daw ako pero okay lang naman ako.

Ang totoo may namumuo ng bagay sa utak ko kung bakit ako nagkakaganito, kaya noong nag grocery kami ay sinalisihan ko si Xyro at bumili ako ng PT.

HAWAK hawak ko ang PT habang nakapikit, kinakabahan ako sa resulta, nanginginig ang kamay ko, idinilat ko ang kaliwa kong mata at tiningnan ito.

'P-posi-tive!'

Natakpan ko ang bibig ko dahil sa sobrang tuwa at pagkagulat, naiiyak ako dahil sa tuwa, "I'm pregnant." tuwang-tuwang sabi ko sa sarili ko.

Mahigpit kong hawak ang PT habang nakaupo dito sa sofa at hinihintay si Xyro, tiningnan ko ang oras sa relo ko '9:30pm'. Malamig na ang pagkaing niluto ko, ang totoo nag aalala na'ko kung nasaan siya, ilang beses ko na rin siyang tinext at tinawagan pero wala siyang response. Dahil sa pag hihintay ay nakatulog na'ko sa sofa ng hindi ko namamalayan.

MAY dumadamping halik sa aking pisngi kaya ako nagising, unti-unti akong nagmulat at bumungad sa akin ang mukha ni Xyro, nasa kwarto na ako, hinihimas niya ang ulo ko, "Your awake." nakangising sabi niya.

"Hmmm," inaantok na ungot ko,vtumingin ako sa bintana at umaga na, "Good morning," sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Hmm, good morning," inalalayan niya akong maupo.

"Saan ka galing kagabi?" tanong ko habang nag kukusot ng mata.

"Hmmm, naghaya kasing mag inuman yung mga co teacher's ko pagkatapos ng meeting." anya na hindi makatingin sa'kin.

Hindi na'ko nag tanong pa dahil baka magalit siya, maiksi pa naman pasensya nito.

Inalalayan niya ako papuntang banyo, "Careful madulas d'yan." malambingna anya.

Pagkapasok ko sa banyo ay bigla kong naalala yung PT, saan ko nga ba nailagay yon? Nag hilamos na ko at nag sipilyo.

Pagkalabas ko sa banyo ay nakaupo si Xyro sa kama, umupo ako sa tabi niya, nagulat ako ng bigla niyang hinimas ang tiyan ko, "Hey baby boy." malambing na anya.

"A-alam mo?" nagtatakang anya ko, tumango lang siya, "P-pano?" kunot noong tanong ko, inalis niya ang tingin sa tiyan ko tumingin sakin.

"Asintado ko." may pilyong ngiti sa kan'yang labi.

"A-ano?" tanong ko pero hindi na niya 'yon pinansin at naka ngiting hinihimas lang ang tiyan ko,

"Hello baby Xero," nakangiting anya.

"Xero? Pano mo naman nasabing lalaki 'tong baby natin?" tumingin siya sakin at inilapit niya ang labi sa tenga ko, nagsitaasan lahat ng balahibo ko dahil sa sinabi niya "Dinaan ko sa bayo." kagat labing anya.

Namula ako sa sinabi niya" namumula ka." anya at tumawa siya ng pilyo.

Papunta na kami sa school, habang nasa byahe ay hinaya ko siya.

"A-ahh Xyro?" anya ko.

"Hmm?" ungot niya habang naka tingin pa rin sa daan.

"Pwede ba tayong pumunta sa doctor?" tanong ko.

"No," kunot noong sagot niya.

"H-ha? Bakit?" nagtatakang sabi ko.

"Basta, please huwag ka ng magtanong." at tumingin siya sa'kin at nang may pilit na ngiti.

'Xyro anong tinatago mo?'

Pursuit of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon