Chapter 22

2.1K 61 1
                                    

Xyro POV

NANG tumalon na ako ay may humila sa braso ko para iangat ako at iligtas sa kamatayan, tumingala akong lumuluha sa kan'ya, naka suot siya na itim na may hood na jacket, pinilit niya akong itaas.

"Hayaan mo na ko!"

"Shut up! Baliw ka na ba?!" Naiiritang sabi niya at buong lakas niya akong hinila hanggang sa madama ko na ang lupa.

Tumingin ako sa kaniya at ibinaba niya ang hood ng jacket niyang nakatakip sa mukha niya, hingal na hingal siya.

Kumunot ang noo ko. "Y-you. . ."

Humawak siya sa dibdib at humihinga ng malalim. "Grabe ang bigat mo."

"T-teka anong ginagawa mo dito?" Nalilitong sabi ko

"Napadaan lang tapos may nakita akong isang anghel na tatalon sa bangin kaya niligtas ko." m
Masiglang anya niya.

Pareho na kaming basang basa dahil sa malakas na buhos ng ulan.Tumayo na ako at namulsang tinalikuran siya, ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng magsalita sya.

"Ako nga pala si Mitchell!" Tumigil ako sa pag lalakad at lumingon sa kan'ya.

"Xyro," walang emosyon na sabi ko.

Naglakad na ako at hindi na muling lumingon pa, tulala, malalim ang iniisip.

Nababaliw na ba ko? Ganon na ba kasakit ang nararamdaman ko para humantong ako sa pagkitil ng buhay ko?

Hindi nya na ako sinundan .

'Mitchell the bar girl.'

Pagkauwi ko ng bahay nadatnan ko si Shin sa sala na mahimbing na natutulog, nag tiim ang bagang ko.

'Xyro mali to! Hindi mo dapat sa kan'ya sinisisi!'

Bubuhatin ko sana siya kaso basa ang damit ko, kaya pumunta muna ako sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako at tumungo sa sala.

Akmang bubuhatin ko na siya ng mag salita siya, "Xyro mahal na mahal kita." tulog na anya niya.

Pinigilan ko ang emosyong bumabalot sa akin, bakit kailangan matakpan ng galit ko ang pagmamahal ko sayo?

Hinawakan ko ang pisngi niya, ang bilugan niyang mata na ang ilalim ang maitim na dahil sa apat na araw na burol ni lolo at ang paburito kong mga pisngi niya, mapula pula at mataba, masarap pisilin.

Napangiti ako ng kunti dahil sa pag titingin ko sa pisngi niya.

Bumuntong huminga ako at tuluyan na siyang binuhat.

Umakyat ako sa taas habang buhat siya, pumunta ako sa kwarto niya at Ibinaba siya sa kan'yang kama at kinumutan.

Napatingin ako sa left side ng kama niya kung saan may table na naka lagay ang lampshade at katabi nito ang isang lumang litrato.

Kinuha ko iyon, litrato namin iyon ng elementary palang kami, may hawak siyang bungkos nang bulaklak at naka akbay ako sa kan'ya.

Lumamlam ang mata ko. Kung titingnan mo kami dito ay puno ng saya wala man lang bahid ng lungkot wala man lang makikitang galit sa mga mata ko, kundi saya lang.

Kung may hihilingin man ako ay bumalik kami sa pagkabata, para puro laro at saya lang alam namin, wala ng hirap wala ng sakit. Bakit kailangan pa naming tumanda kung sakit at kirot lang naman ang ibibigay nito sa amin?

Pursuit of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon